Chapter 39 - GW Powerful Leaders

10K 248 1
                                    

Chapter 39 - GANGTER WORLD POWERFUL LEADERS

Third Person's POV

Pagkamatay ng ilaw ay nag kagulo na ang lahat. Lalo na nang makarinig na sila ng ilang putok ng baril na nanggagaling sa entrance at taas ng hotel kung nasaan si Chase kasama ang ilang ka-myembro nito.

Sinabihan niya na kasi ang mga ito bago pa man dumating ang araw ng prom para mapabilis ang nais ipagawa sa kanya ng kapatid and at the same time ay mabantayan niya rin ito ng mabuti. Malaki ang naging impact ng nangyari noon kay Chase. Kitang kita niya ang lahat ng nangyari noon sa kapatid niya sa kamay ni Klariel. At ayaw niya ng maulit pa 'yon ng wala man lang siyang nagagawa para sa kapatid.

"Pre, lalo silang dumadami. Mukhang nakatunog yata ang iba nilang kasama sa mga nangyayari rito." Sabi sa kanya ni Vincent ng makalapit ito sa parte niya. 

Kinasa naman niya ang kanyang baril at bumaril ng ilang beses sa direkyon kung saan may nakita siyang mga paparating. Seryosong seryoso ang mukha nito. 

"Wala akong pakielam sa kanila. Ang importante ay maubos na sila ngayon nang mapuntahan ko na si Chasey sa baba." At pinaputok niya muli ang baril sa bandang likod lamang ng kaibigan. 

"Shit!" Mura nito sa gulat at bilis ng mga pangyayari. Lumingon ito sandali sa kanyang likuran at pagkatapos ay masama itong tumingin sa kanya. "Tangina Chase, muntik na ko do'n, ah! May galit ka ba sa'kin? Sabi ko naman sa'yo, wala na kong gusto sa ka-"

Chase glared at him. "Shut up."

Vincent then raised both his hands as if surrendering. Bahagya pa itong natatawa. Nailing na lamang si Chase at tumingin sa paligid. Marami pa ang nasugod sa kanila at malamang ay marami pa rin ang nasa baba. He cursed inside his head. 

"Let's go! We shoudn't waste our time. Marami pa ang nasa paligid!" Mariing utos niya at sumunod naman sa kanya ang buong grupo.

Sa kabilang banda naman ay nilislis na ni Chasey ang kanyang suot na long gown kaya naging hanggang tuhod niya na lamang ito. Tinapon niya rin ang suot na heels at ngayon ay nakapaa na lamang siya, hindi alintana ang mga bubog na nag kalat sa buong paligid. Mabilis niyang kinuha ang baril  na nakalagay sa gun pocket na kinabit niya sa hita niya kanina para paputukan ang ilang lalaki na nakikitang niyang palapit sa kanya. Ilang bala ang sunod sunod niyang pinakawalan na tumama naman sa mga ulo nito at naging sanhi ng mabilisan nitong pag kamatay.

Sa loob loob ni Chasey ay nag papasalamat siya sa contact lenses na suot niya dahil kahit nasa madilim siyang paligid ay napuruhan niya ng maayos ang mga kalaban niya. To reveal, may night vision kasi ang suot niyang contacts kaya nag aadjust ang paningin niya kahit nasa dilim. That's the purpose why she wore lenses, she knew something like this would happened. Because all the bad things always happened in the dark, when no one is looking and where no one could hide.

Tumakbo siya sa pinakamalapit na mesa at kinargahan ng panibagong bala ang baril niya. Sumilip siya sa labas at nakita niya ang ilang estudyante na nag tatakbuhan papunta sa exit. Napaisip siya sandali kung kasama ba ang mga kaibigan niya doon o katulad niya ay nandito pa rin ito sa loob. Simula kasi kanina ay hindi niya pa ito nakikita, hindi niya alam kung na saan ito ngayon at nag aalala siya para sa mga ito dahil alam niyang wala itong alam sa nangyayari. Well, obviously, except kay Erickha, dahil alam niyang gumagawa na ito ng move para makapasok sa secret room kung nasaan ang mga matataas na namamahala sa gangster world kasama si Klariel. Alam nila ang mga nangyayari sa baba pero hindi nila pinapansin iyon because they are under the brain washing of Klariel.

Pero ano nga ba ang nag bago? Even without that, even without her, they were still the heartless bastards she knew from before. They wouldn't give a damn to these people not unless they could use them to gain something.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now