Chapter 39 (Lost Feeling)

1.7K 35 15
                                    

Nagising na lang ako sa harap ng puting kisame at katabi ko na si Bella, napahawak ako sa pisngi ko, mga natuyong luha lang ang naiwan.

“Mabuti naman gising ka na”  nakangiting bati sakin ni Bella, naalala ko na ang nangyari iniwan na niya ako. Nakaramdam na naman ako ng sakit kaya tumulo ulit yung mga luha ko.

“Bella, dinalaw ba ako ni Dray?” tanong ko sa kanya, malay ko naman diba kahit paano wala pa din kaming official break up.

“H-hindi” maikling sagot niya sakin, ano pa bang aasahan ko? Dadalawin niya ako? Eh halos iwan na niya ako ng mga oras na yun e.

Nagpaalam sakin si Bella na iiwan daw muna niya ako saglit. Tumayo ako at hinawi ang kurtina sa binta. Hindi pa rin tumitila yung ulan. Ang bait talaga ng langit ‘no? Hangga’t hindi natigil yung mga luha ko dinadamayan nila ako. Nag drawing lang ako sa bintana ng heart tapos may katabing star. Kaso unti-unting nag fade yung star kasi naulanan na siya, naiwan mag-isa yung heart.

Saktong may pumasok naman sa kwarto ko, “Hello Yarumi!” si, Shin at Bella.

May dala silang mga gamit at kung ano anong stuff toys “Dito na ba ako titira kung makapagdala kayo ng sobrang daming gamit?”

 

 

Nag-iwas tingin sakin si Bella “Sabi ng doctor, mas mabuting dito ka daw muna sa ospital for one week para ma obserbahan yang kalagayan mo”

 

 

Naupo na lang ako sa kama at tiningnan ang cellphone ko kung may text si Dray pero wala. Inayusan nila Bella yung kwarto ko, para na tuloy siyang Zoo, puro kasi animals yung naka decorate sa dingding pero nagustuhan ko yung iba’t ibang kulay ng star na naka kapit sa bintana ng kwarto ko.

“Alam kong favorite mo ang star kaya ipinagdala kita” sabi sakin ni Bella habang naka back hug sakin, nakakainis pinapaiyak na naman niya ako.

“Yarumi, uuwi na pala ako” pagpapa-alam ni Shin sakin, may aasikasuhan pa daw kasi ‘tong importante. Hindi pa alam ng parents ko sa nasa ospital ako, wala din naman akong magagawa kahit malaman nila kasi hindi naman nila ako pupuntahan.

Lumalalim na yung gabi kaya si Bella tulog na sa katabing sofa ng kama ko, pero hindi pa din ako makatulog. Humarap na lang ulit ako sa bintana ng kwarto ko at hinawakan ang mga stars na kinapit nila Bella.

Ang mga stars ang mga bagay na nakapag pasaya sakin at nakapag papaiyak sakin ngayon. “Twinkle, twinkle little star h-how I w-wonder w-what—“ ang tagal nang panahon simula ng huling kantahin ko ang kantang yun.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon