[40] -B l i n d n e s s

1.5K 27 4
                                    

Bella's P.O.V

"Yarumi please gumising ka" hinawakan ko ang mga kamay niya at inihawak sa mukha ko.

May biglang tumawag kasi samin na nahimatay daw si Yumi buti na lang daw may mga ID ito at contact number. Naalala ko tuloy yung sinabi ng doctor..,

-=-

"Okay lang po ba siya?"

"Hija, diba sinabi ko naman sayo--"

"Ano!? Mabubulag siya? Na kaya laging masakit yung ulo niya at parang may kakaiba sa mata niya ito na ba yun? Diba doctor ka edi may solusyon!"

"Depende na lang kung may mag do-donate sa kanya ng mata"

-=-

Hindi tumitigil yung luha ko sa pagpatak kasi natatakot ako na baka tuluyan na s'yang mawalang ng paningin. Yung isang araw mumulat siya na parang nawala na yung lahat, natatakot ako.

"Bella"

"Yarumi!" agad ko s'yang niyapos at pinahid ang mga luha ko sa mata, sana wag ngayon.

"B-bakit parang nanlalabo yung mga mata ko?"

"K-kasi, siguro dahil bagong gising ka lang kaya siguro ganyan" niyakap ko siya ng sobrang higpit at di ko napigilan umiyak, Yarumi please.

"Oh, bakit ka naiyak? May tao bang nakapanakit sayo? Ano resbakan ko na sila?"

"Yumi kahit anong mangyari dapat lagi kang nakangiti ha? Wag kang iiyak please? Sundin mo ako"

"Oo naman, promise di na ako iiyak. Eto smile na ako!" nakita ko siyang nakangiti, sana palaging ganyan nakangiti ang bestfriend ko.

"Yarumi Ashley Kang" nagulat ako ng bigla ng pumasok ang doctor, siguro dapat na n'yang malaman habang maaga pa.

"Doc, ikaw na ang bahala. Ayoko ng marinig" bulong ko kay Doc. Suarez at lumabas ma ng kwarto.

Yarumi's P.O.V

"Hija, mabuti na lang may nakapagdala dito sayo sa ospital"

"Gusto ko na pong magpahinga, pakiramdam ko po kasi ang bigat-bigat ng mata ko"

May inabot 'to saking papel at nagsimula ko na itong basahin. Di pa man nagtatagal bigla na lang tumulo ang mga luha ko at nabitawan ko ito.

"Hahaha, ano 'to?" bigla akong tumawa na parang wala sa sarili.

"Unti-unti ng kumakalat ang virus sa kabila mong mata, mahirap itong pigilan huli na ang lahat para operahin ito mas lalong magiging delikado unless.., may mag donate sayo"

"Matagal pa naman 'to bago kumalat diba? Magagawa ko pa lahat ng gusto ko"

"Hindi ko alam pero ang alam ko lang ay maaari kang mawalan ng paningin" patuloy sa pag-agos ang luha ko at parang umurong yung dila ko, wala. Walang ibang tao ang dumadamay sakin kundi si Bella.

Ang taong inakala ko na hindi ako iiwan hanggang sa huli wala na, masaya na kasama ng iba.

"Bella, ang unfair"

"Ha!? Tara sa labas"

Sinakay niya ako sa wheelchair at dinala sa isang park. "Bukas kaya makikita ko pa yang mga batang naglalaro na yan?"

Nakita ko na naman siyang umiiyak, ang duwag niya "Oo naman, bakit hindi?"

"Sana nga, pero alam kong mawala man yung mga mata ko ikaw ang magsisilbing bagong mata ko"

"Oo ba! Ako yung taong di ka iiwan" niyakap niya ako, sa kabilang banda nakita ko na naman sila ang saya-saya samantalang ako ito umiiyak at natatakot sa bukas.

"Y-yumi. Ipikit mo ang mga mata mo, takpan mo ang mga tenga mo. Ayokong nakita kitang nasasaktan"

"Bella, paano? Kung mismong yung parte ng mga katawan ko ayaw kumilos kasi hindi ko matanggap na bumalik na yung dating may ari sa kanya. Bumalik na yung tunay na Baby Princess, sabit lang ako"

"Yumi hindi, sasaya ka ulit gaya ng dati"

"Sana di na nga ako nag pumilit"

Napahawak ako ng mahigpit kay Bella at bumibigat na naman yung mata ko...,

"YARUMI!!"

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon