[12] - A y e s h a M i n

3K 94 35
                                    

"I don't like you get lost." ito na nga ba ang sinasabi ko, kung nakakatakot si Dray malamang mas nakakatakot ang isang 'to.

"Hoy godzilla wag ka naman ganyan sa girlfriend ko, diba bebe?" utang na loob ano pang masagawang tawagan ang kayang ibigay sakin ni Dray!? Pati ako nandidiri na sa mga pinagsasabi niya eh.

"Yeah, sweetiepie. What was your namings by the way?" halos magkanda pulu-pulupot na yung dila ko sa pagkakaroon ng bisaya accent itong katabi ko para naman mamatay na sa kakatawa.

"It's Ayesha Min." sabay alis niya sa harapan ko. Ayesha Min? Sounds familiar feeling ko na encounter ko na yung pangalan na yun dati. Ahh, baka naman kapangalan lang?

"Oy, galingan mo pa mamayang gabi ah?"

"OO NA! Litse, mababaliw ako sayo." iniwan ko na si Dray, kung alam ko lang na ganto yung mangyayari una pa lang di na ako nagpauto sa walang kwentang plano ng lalaking 'to.

Nasa sasakyan kami ngayon at katabi ko yung ate niya, si Dray nakatingin dun sa salamin na para bang sinasabi na kailangan ko na gumawa ng move. Napa sigh na lang ako at.

"Ayesha ang ganda hairstyle mo pa-alon alon. Saang parlor ka nagpa style?" kagaya ng sinabi ni Dray hinawakan ko ang buhok nito at inamoy-amoy.

"Bitch! What are you doing?"

"Woah, branded din itong bag mo sosyal naka hermes bag ka. Tapos ang earings mo pure gold!"

"Bitawan mo nga ako, bago kita itapon sa labas ng bintana." ang sama ng tingin niya at parang gagawin niya talaga.

"Ay teka Ayesha patay na buhok!"

"It hurts!" sigaw niya paano ba naman kasi ang napadami yung bunot ko ng buhok sa kanya.

"Hehehe, masakit?" tsk, alam kong para sa mga taong tanga lang ang ginagawa ko.

"Saan lansangan ka ba napulot ng kapatid ko!?" umakto ako ng parang nag-iisip.

"Teka saan nga ba? Ah tama! Dun lang sa labas ng waiting shade sa Misaki University. Bagay tayong mag sister-in-law Ayesha ganda ng fashion mo pero mas kabog kita!" sabay flips hair.

Ang kati na nga ng ulo dahil sa pesteng wig na 'to.

"STOP THE CAR!" sigaw niya at bigla na lang napa preno yung driver.

"I don't want to see your ugly face anymore! Bitch, get out!" ulol ka Dray paano na ako nito?

"Eh!? Manong tuloy ka lang po! Sister naman unang pagkikita pa lang natin ipinapakita mo na agad kung gaano mo ako kamahal. Wag ganyan nakaka tibo ka eh!"

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon