[15] U n t i t l e d

2.7K 69 27
                                    

Yarumi's 

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" nakakainis lang ha, kanina niya pa ako sinisigawan dahil dinala ko siya dito sa Mall.

"Tadaaa. Mamili ka ng gusto mo basta wag yung sobrang mahal baka di ko na afford." tiningnan niya ako na parang nagtataka. Bobo talaga nito.

"Kaya kong bumili. Kahit itong buong Mall kaya kong bilhin."

"Yabang mo. Ay, ito dito tayo. Mamili ka ng neck tie ng gusto mo, within 5 seconds." ngumiti ako sa kanya at nagsimula ng magbiglang.

"One."

"Teka bakit 5 seconds lang? Alam mo naman high standards ako."

"Two."

"Aish. Oo na, ito na."

"Three."

"Four-"

"Oh ito na. Walang bawian yan ah?" sabi niya sakin at ako naman ngumiti. Pinili niya yung tie na kulay itim na may highlight na konting gray.

"That one, suits your personality." sabi ko sa kanya at hinila na siya papuntang counter.

"Oh anong meron kung ito ang pinili ko." ang bobo niya nakakainis ah. Kanina pa 'to.

"Kasing itim ng budhi mo yang neck tie kaya kung dadami pa yang tanong mo, yang tie na yan ang gagamitin ko mismong pang bigti sayo."

"Aba! Kung makapag salita ka parang ikaw yung amo." tinaasan ko siya ng kilay. Nakakatuwa kasi yung expression, priceless.

Teka, ang tagal naman ng pila. "Bata umalis ka na, ibabayad mo samin barya? Hindi ito sari-sari store na pwede mong bigyan ng samdamakmak na barya." naiiritang sagot ng sales lady sa batang parang 6 years old lang.

Aish. "Hoy pangit na babae dyan sa counter."

Agad naman nanlaki ang mga mata nito at sinamaan ako ng tingin. Yung ibang tao nag aalisan na at lumipat na ng ibang counter. Aalis na din sana yung bata.

"You. Little. Child. Stay. There." Napaurong naman yung bata.

"Alam mo Miss, kung yang dinakdak mo at sinermon mo sa bata ay pinagbilang mo ng barya malamang kanina pa tapos yan." sabi ko at tiningnan siya ng masama.

Kinuha ko ang hawak na isang boteng barya ng bata na tig li-limang piso. "Bilangin mo yan."

Hinawakan naman bigla ni Dray yung kamay ko at binigyan ng cheke ang babae "Yan na yung bayad ng batang yan. At isama mo na 'to. Bilisan mo. Keep the change."

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon