[10] - S o r r y

3.2K 103 31
                                    


Naglalakad na ako ngayon pauwi ng mag-isa lang. Nakakainis naman kasi yung mga sinabi ko kay Dray kanina. Feeling ko kasi nasaktan ko siya. Stupid me!




"Miss! Hindi ka ba nag-iingat!?" sigaw ng isang lalaki, bahala siya sa buhay niya. Hell I care.




Hinawakan ako nito sa braso "Ganyan ka ba kabastos? Gusto mo bang mamatay!?"




Galit na pasigaw sakin nito. Asa naman siyang magpapakamatay ako, baka naman gusto niyang siya ang patayin ko? Badtrip!




"Buhay ako. Wag over acting. Bye." walang ganang sabi ko sa kanya. Matangkad at maputing lalaki yung nangharang, di ko matandaan ang mukha kasi di ko naman tiningnan. Wala ako sa mood lumandi dahil yung taong nilalandi ko galit! Yung boyfriend kuno ko.




-=-




Kanina pa akong nandito sa bahay at di ko alam kung kakausapin ko ba si Dray o hindi. Bahala na nga!




"Gutom ka na ba? Magluluto ako." sabi ko sa kanya, sorry Dray. I didn't mean it.




"Kumain na ako. Ayaw mo naman ng inuutusan kita pagdating sa gawain bagay diba!?" sabi niya sakin at napaka cold ng aura niya. His eyes, mas lalo itong naging cold. What the heck?




Nasaan na yung bakekang? Nasaan na yung sisigawan niya ako? Parang kagabi lang okay kami.




Bago siya umalis hinawakan ko ang braso niya. This is it. "Sorry about what happened a while ago. I didn't mean it."




"Didn't mean it? You mean it. You won't say those words if you don't." at saka niya ako iniwan. Napa sigh na lang ako dahil sa sobrang lungkot.




Ilang oras pa lang na alam kong galit siya di ko na kaya tiisin well in the first place it's my mistake. Stupid mouth!




"Dray sorry na kasi!" napapaiyak na ako--este naiyak na pala. Bakit kasi ganun? Di ko naman kasi ma gets yung buong storya niya nung bata pa siya.




Umakyat na ako sa taas at nakita kong may nakasabit sa pinto niya na 'Busy'



Kailan pa siya natuto maglagay ng ganun sa pinto?




Humiga na lang ako sa kama at nag daydream, pero joke lang. Pilit kong inaalala yung childhood memories ko na bigla na lang nawala na hindi ko alam ang rason. 



* * *




Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Tch, another day na galit si Dray! Nauna siyang umalis ng bahay na hindi man lang niyayabog ang pinto ng kwarto ko. Galing naman!




Papasok na ako sa gate ng university at halos ma la-late na pala ako. Pagpasok ko sa classroom wala dun si Dray, ay hindi pala nandun lang siya sa kabilang dulo ayaw niya lang siguro umupo sa tabi ko.




"May nangyari ba sa inyo ng Young Master mo slash boyfriend?" nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang taong katabi ko, si Bella the great. Madadagdagan na naman ba ang asungot ngayon araw?




Tiningnan ko lang siya at agad naman siya umayos ng upo. Mabuti naman at marunong siyang makuha sa tingin. Nagsimula nang mag discuss ang professor namin at talangbuhay na naman niya ang kinukwento! Sayang ang tuition ko, este scholar pala ako.




"Tumigil ka na nga walang kwenta naman sinasabi mo!" biglang napatahimik ang buong classroom sa sigaw ni Dray, sigh. He's really mad, I guess?




Padabog niyang isinara ang pinto susundan ko pa sana kaso "Wag mo ng sundan, wag ka na gumawa ng scandal dito sa school sa bahay mo na lang kausapin siya."




Sabi ni Bella sabay paputok ng chewing gum. Siguro nga tama siya.




Nakaupo ako ngayon sa canteen at tulad ng dating gawi kumakain. Nakita kong umupo na naman si Rain sa harap ko.




"Sorry." sabi niya, bakit siya nagso-sorry? Dahil ba dun sa kahapon?




"Ikaw pala yung bestfriend ni Dray dati." sabi ko sabay higop ng juice ko. Nakita kong nanlaki ang mata niya, what's the big deal?




"Alam mo na pala, then you hate me?" napatingin ako at bahagyang napatawa.




"What's the reason? Give me a valid reason, don't worry about what happened last time. It's nothing, besides it's my fault." bago ko siya iwan ngumiti muna ako, sigh.




Totoo naman ako yung may mali, pero paano kami magkaka-ayos kung ayaw naman niya tanggapin ang sorry ko?




Tiningnan ko ang cellphone ko at wala man lang text galing sa kanya, I miss him. Yung tikbalang na yun nakakainis! Pinapaiyak na naman niya ako.




May tumigil na kotse sa harapan ko, parang pamilyar-- "Sumakay ka na! Mukhang uulan."




"D-Dray?"




"Sasakay ka ba o hindi?" kumunot na naman yung noo niya parang umurong ang dila ko ewan kung bakit, guilty ba ako?




Nakita kong sinara na niya ang bintana at kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat, ayoko nito. 




Tumakbo ako para habulin si Dray "DRAY SAGLIT LANG! WAG MO AKONG IWAN DITO!"




Patuloy ako sa pagtakbo kaso parang hindi niya ako nakikita! O baka naman nagbubulag-bulagan siya?




Napapagod na ako, lumalakas lalo ang ulan "I told you! Don't leave me. Please, balikan mo ako dito natatakot ako."




Naramdaman ko ang bahagyang pagtila ng ulan at may mainit na bagay na lumapat sa balikat ko. "Bumalik ka, pero huli na! Natatakot na ako!"




Tumayo ako at niyakap siya, "Don't act like as if nothing happened."




Napatigil ako at napakakunot ang noo at saka ko siya sinapak sa ulo "WHAT WAS THAT FOR!?"




"Tinatanong mo!? Niloloko mo ba ako? Iniwan mo ako dito sa ulanan tapos hinabol kita pero---"




"Binalikan kita, okay!? Nandito ako!" tapos umirap siya, galit pa ba siya?




"Oo nandito ka! Alam mo bang nakakainis ka, kasi hindi mo man lang ako pinayagan mag explain. Tapos hindi mo pa ako pinapansin, nakakainis ka kaya tikbalang ka! Sorry na."




Nakita ko ang ngiti niya, it's not a fake smile. "Idiot! Nakakainis ka din bakekang. Sabi ko naman sayo ayokong nakakakita ng taong umiiyak lalo na kapag ikaw."




"Hindi na ba yan joke? Bati na tayo?"




"Oo nga kulit! Don't cry, you're still my Baby Princess. Pweh, tama na kakornihan mo!"




Kakornihan daw, siya kaya ang korni! "Okay let's end this!"




Niyakap ko siya at nabitawan niya ang payong. Ngayon parehas na kaming nasa ilalim ng ulan, he hugged me back.





"Don't make me mad again, because you are my everything."

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon