[11] - P r e t e n d

3.2K 94 36
                                    

Naglalakad kami pareho sa ulanan, nang magka holding hands. Ewan kung paano nangyari basta bigla na lang.

“Bakekang! I have a request!” maka bakekang wagas, lamang pa naman ako dun ng sampung paligo.

“Ano yun!? Siguraduhin mong matino yan!” at napatigil ako sa paglalakad. Dapat lang talaga matino ‘to kundi magrarambol na naman kami dito sa ulanan.

“Pretend like an idiot woman. I think that role suits you well.” ano daw!? Nakatanggap naman agad siya ng isang malakas na batok mula sakin.

“So sa tingin mo tanga-tanga ako? I don’t want to!” sabay kalas ng kamay niya sa kamay ko, pero agad naman niya akong hinabol.

“Please, cooperate with me! Simple lang naman ang gagawin. Halika uuwi muna tayo dun ko na i-explain.”

-=-

“ANO!? NABABALIW KA NA BA? KASI AKO HINDI PA!” napalakas yata yung boses ko, para naman kasing tanga yung gagawin ko.

“Maupo ka muna! Ganito kasi yan, diba sabi ko nga dadating na naman yung kapatid kong babae kapag nalaman niyang wala pa akong girlfriend hanggang ngayon ipapakasal niya ako sa kung kani-kanino lang.”

Parang ang gulo! “Diba sabi mo nga girlfriend mo ako hanggang valentines? Oh di pag sinabi mong girlfriend mo ako tapos ang laro!”

“Sige na nga sasabihin ko na ang totoong rason! That’s for my revenge.” revenge?

“Revenge? For pete’s sake may mga tao pa bang gusto gumawa ng ganyan ngayon?” sabi ko at sabay irap sa kanya, nakita ko naman napakunot yung noo niya. Okay Yarumi stop.

“Gusto ko kasing pasakitin ang ulo niya kapag nalaman niyang ganun ang girlfriend ng kapatid niya.” tapos nag smirk siya, am I that useful?

“Fine! Ano na ang Plan A at Plan B?” umayos ako ng upo at kumuha ng ballpen at isang maliit na notebook, para naman hindi butler yung trabaho ko eh! Girlfriend na nga tapos great pretender pa!

“Okay ito yung plan A dadating siya sa Thursday morning kailangan prepared na ang lahat pupunta tayo ng shopping mall para mamili ng mga gagamitin mong damit. Tapos sa gabi ng Thursday night mag se-set ako ng dinner kasama ang kapatid ko at tayong dalawa. With that, uumpisahan mo na ang misyon mo kailangan ang accent mo pang bisaya tapos ang English mo ay English kalabaw. Maliwanag?”

Nagsusulat ako at bigla na lang napatigil at ngayon ko lang na realize kung ano ang mga pinagsasabi niya. “Anong ibig mong sabihin na mamimili ng damit?”

“Malamang! Kapag ba ganyan ang itsura mo paniniwalaan tayo sa plano natin?” sabi ko nga hindi! Ang taray siya na nga yung tutulungan ko!

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon