[16] L o v e - H a t e

2.6K 68 9
                                    

"Gio Dray Min!" bigla siyang huminto. Galit na siya, halata naman kasi sa mukha niya. Nakainis talaga siya bigla bigla na lang nagbabago yung mood. KAya anytime kahit feel ko wala akong ginagawang mali meron. I always feel sorry. 


"Pwede ba kahit ngayon lang Yarumi layuan mo muna ako kasi ang gulo na ng isip ko! Kaya, pwede?!" para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"Pasensya ka na kasi gusto lang naman kitang pasayahin. Pasensya na kung habol ako ng habol kasi gusto lang naman na kahit paano mapansin mo ako. Kaya pasensya!" unti-unting tumulo ang mga luha ko.


Yung mga mata naman niya tila walang pakialam. "Ano iiyak ka na lang?"


Tapos iniwan na niya ako. Bakit na naman ba? Akala ko pa naman magiging masaya ang araw ko. Maglalakad na sana ako sa opposite direction kaso may naramdaman akong yumakap sakin. It's not Dray.


"Sssssh." napatunghay ako at para bang namilog ang mata ko sa sobrang gulat.


"R-Rain?" kumalas ito sa pagkakayakap sakin at ngumiti. Oh crap, bakit hindi na lang ganitong lalaki ang minahal ko?


"Sabihin mo lang kung uupakan ko na ang lalaking yun. Dahil sa tuwing nakikita kita pinapaiyak ka niya." niyakap ko siya at tuluyan nang ibinuhos ang luha ko sa kanya.

Rain's P.O.V

Hinaplos ko ang buhok niya habang nagpipigil ng luha. Dray bakit? Simula pa lang noon palagi mo ng sinasaktan ang babaeng minamahal ko.  

Hinawakan ko ang balikat niya habang patuloy pa din sa pag-agos yung mga luha niya.

"Kalimutan mo muna siya, kahit ngayon lang. Kaya kitang pasayahin, Ashley." parang nagulat naman ito sa biglaan kong pagtawag sa kanya ng Ashley. Pero, nasaan na nga ba yung dating Ashley na yun?

Iniabot ko sa kanya ang mga palad ko "Para san yan?"


"Hawakan mo. Bakit ayaw mo ba?" naka ngiting tanong ko sa kanya, nag aalinlangan pa sana siya kaso hinawakan din naman.

"Let me ask you one favor." seryosong sabi ko sa kanya at tumigil sa paglalakad.


"What?"

"What if I ask you, please never let go of my hand?" namilog na naman yung mga mata niya, para akong biglang natakot sa isasagot niya.

"Just joking." bago pa man ako masaktan inunahan ko na siya. Kahit ano man ang gawin ko, she'll let go of this hand.


Yumi's

Kinabahan naman ako kay Rain yun pala nagbibiro lang siya. Pero paano kaya kung totoo yun? Ay, naku Yarumi tigilan mo ang pagiging feeler mo!


"We're here." di ko namalayan na nasa may tabing ilog na pala kami. May hanging bridge din.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon