[8] - D a t e

3.5K 96 27
                                    


"Prince? San mo napulot yun?" sabi niya na medyo natatawa pa. Korny ba? Cute kaya.


"Walanghiya ka! Slow mo! Tinawag mo akong Baby Princess kaya tatawagin kitang Prince." lumapit siya sakin at naramdaman kong may nilagay siya sa buhok ko.

"Gusto ko na lagi mong susuotin yang clip na yan. Okay?" kinapa ko naman ito, mamaya ko na lang titingnan paguwi.


"Yes Master! Thank you." hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming naglakad.


Di ba uso ang sasakyan sa kanya kapag namamasyal? Lagi na lang lakad!


"Hey! Piggy back ride again?" offer niya sakin, yehey! Bakit ako aarte go lang!


"Sure! Go piggy." masaya kong sambut habang nasa likod na niya ako.

"Hoy di ako piggy! Ikaw nga yung piggy bigat mo kasi." nagulat naman ako pero agad din nakabawi, baboy na ba ako? 


Dray's P.O.V


Hindi naman siya mabigat ang gaan nga eh. Kumakain pa kaya 'tong si Yarumi? Nakayapos siya sa leeg ko ngayon. Nakakatuwa talaga siya, hindi man kagandahan but I find her interesting. She also reminds me of someone.


Yung mga katangahan niya sa buhay natutuwa ako dun. She's not a woman but definitely a child. Hindi ko ma gets ang takbo ng utak niya. Basta ang alam ko lang 17 years old siya. Yarumi Ashley Kang ang buo niyang pangalan di ko alam kung saang lupalop ng mundo nang galing ang babaeng yan.


"Hoy bakekang! Nandito na tayo." sabi ko sa kanya at binaba ko na siya.


"Soccer field ang date natin?" napakunot yung noo niya. Tss, ang hilig niya magreklamo daig pa niya ang isang tunay na Young Lady.


Ako yung Young Master pero kung umasta siya ako yung Butler. She can do what she wants.


"Uhhm, yeah soccer field. May playground dun sa kabilang side. Sabi mo diba nakalimutan mo ang childhood memories mo, kaya gusto kong maramdaman mo kung paano ulit maging bata." hinawakan ko ang cheeks niya at pinisil ko ito. Ang cute ng girlfriend ko. Natawa na lang ako sa iniisip ko, what the heck am I doing? 


"Ahmm, okay! Tara!" hinawakan niya ako sa kamay at hinila patakbo dun. Nakakatuwa siyang panuorin.


Umupo ako sa isang bench at kinuha ang cellphone ko. Para siyang bata, sabagay sabi nga niya diba wala siyang childhood memories.


*click


"Hoy bakit mo ako kinukinan ng picture?" sabi ko nga ang lakas ng senses niya. Tch, nakakahiya tuloy. Pero hindi ko ito pinahalata sa kanya, mag assume pa ng sobra yang bakekang na yan.


"Asa ka, bakekang ka kaya! Yun oh yung mga bata yung kinukunan ko! Assuming ka." napa-pout siya at napakamot sa ulo. Disappointed ang hitsura. Priceless.


Kinuting-ting ko ang cellphone hanggang siya na yung ginawa kong wallpaper. Sabagay sabi ko nga girlfriend ko siya.


"Ice cream?" napatunghay akong bigla ng may iiabot siya sakin ice cream. Alam ba niya kung ano ang makapagpapasaya sakin?


"Thank you!" masigla kong tugon sa kanya dahil paborito ko ang ice cream, hindi ang palagi babae ang may paborito sa ice cream.


"Napaka iresponsable mong boyfriend dapat ikaw yung bumibili ng pagkain natin." para siyang bata na nagdadabog. Umiiral na naman ang pangongonsensya niya sakin.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon