[48] - B a t t l e O f P r i d e

921 19 4
                                    

Rain's POV

Habang naghahanda ako ng kakainin ko ngayong tanghali biglang nagtext si Trixy na pupunta daw siya dito sa bahay ko kaya dinagdagan ko na ang niluluto ko.

"Sir, nandito na po ang bisita niyo." ngumiti lang ako sa katulong ko at pinuntahan na si Trixy sa salas.

"Anong nangyari sayo? Bakit pugtong pugto yang mata mo?" hindi ko mapigilang hindi magtanong dahil naluluha luha ang mata niya pero ngumingiti ang mga labi niya.

"Iniwan na niya ako. Masakit pero sa tingin ko ito na yung tamang panahon na tanggapin kong wala na siya. Wala na ang taong mahal ko." naawa ako sa kanya pero hindi ko mapigilang hindi ngumiti, sa puntong 'to natauhan na siya. 

"Haay! Natauhan ka na din sa wakas. Maganda ka naman madaming magkakagusto sayo." ngumiti ako sa kanya at bahagya siyang napatawa.

"Talaga? Pero Rain, ipaglaban mo din si Yarumi ha? Out na ako sa larong ito. It is a battle between you and Dray. You must fight fair kung sino man ang pipiliin niya at alam kong yun din ang gusto ni Ayesha. Time wll heal our hearts. As time goes by, alam kong mahahanap ko ang taong mamahalin ko ng higit pa sa naibigay ko kay Dray. Wag ka mag-alala bago ako umalis, I will fix everything."

"That's the right thing--" bago pa ako matapos magsalita nagsalita na muli si Trixy at nagsimulang umagos ang mga luha niya.

"Noon, diba tinanong mo ako kung gaano ko na katagal kakilala si Dray simula noong nagkabalikan kami? It's not even an hour, it's just fucking minutes. Dahil pakiramdam ko wala na yung dati pero dahil sa martyr ako I kept on thinking na kagaya padin ng dati. Hindi ko man lang napansin na kahit anong bagay ang gawin ko para sa kanya parang layo ng isip niya. Ang mga bagay na yung ang nagsimula ng inggit ko kay Yarumi. But later on, I realized wala ako dapat ikagalit sa kanya. It's not her fault na minahal siya ni Dray. There's another path for me, right?"

 

Wala akong masabi, nagbago ang tingin ko sa kanya. Ngayon naririnig ko ang side ni Trixy, niyakap ko siy blang isang mabuting kaibigan.

"Gusto mo bang rumenta ako ng lalaki para sayo?" tumigil naman siya sa pag hikbi at sinapak ang ulo ko.

"Hindi na kailangan kasi baka sila pa ang rumenta sakin." 

Napatawa na lang ako. "Hindi mo man lang ba ako papalamunin ha? Rain Yang?"

 

"Halika may niluto ako." nagtatalon talon siyang pumunta sa dining hall. I admire her dahil kaya niyang i-endure ang lahat ng sakit. 

Habang kumakain tahimik lang kaming dalawa pero binasag niya ang katahimikan. "Nasaan si Yarumi?"

"They're together."

"Paano mo nalaman?" umakto akong kunwating nag-iisip. When I was about to pick her up nakita kong sumama siya kay Dray. At ang alam kugn huli nilang pinuntahan ay sa bridge.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon