[47] - L a s t D a t e?

1.1K 22 13
                                    


Dray's P.O.V


Habang inaantay ko ang resulta kung ano man nangyari base sa detective na kinuha ko hindi parin mapalagay ang kalooban ko at pakiramdam ko si Trixy ang may gawa ng lahat. Alam kong mali na sisihin ko siya pero sa tingin ko yun ang totoo.


Alam ko ang daming ko mali sa mga nangyari, masyado akong nagpadala sa mga bagay na hindi naman dapat. Sobrang gulo, gusto ko man ibalik ang dati kaso medyo mukhang malabo na ang lahat. I can see through her eyes na mahal niya si Rain, ang tanga ko lang para sayangin ang mga pagkakataon na ibinigay niya sakin.


Pumasok na sa pinto na si Gary which is my detective. "Shan Trixy Mae Ferrer, your girlfriend."


"No, soon to be my ex." saka ko kinuha ang coat ko at iniwan si Gary na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

Dumaan ako sa ospital kung san ko dinala kanina si Yumi pero nakita kong naka park ang sasakyan ni Rain doon, mukhang hindi na niya ako kailangan sa mga oras na 'to na siya na naman muling ikinasakit ng dibdib ko.


Dumiretso na lang ako sa bahay nila Trixy, madami na siyang nagawang hindi maganda pero naging parte siya ng buhay ko at di ko maitatanggi na minahal ko din siya ng sobra.


"Nasaan siya?" tanong ko sa isa sa mga maid niya.


"Nasa kusina po sir." hindi ko na pinatagal ang usapan at agad ko siyang pinuntahan. Marahan ko muna siyang sinilip at kita kong balisang balisa siya.


Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari sa kabila ng pang-iiwan niya sakin pero ayaw ko na din siyang paasahin ng paasahin dahil ayaw kong masaktan siya ng sobra. She deserve someone better than me, maganda siya at may pinag-aralan na halos lahat ng lalaki ay hahanapin sa isang babae pero Yarumi got my heart.

She faced me "D-Dray."


I want to see her for the last time, at least. Alam kong masyadong biglaan at harsh pero ito lang ang alam kong paraan to end everything between the two of us so I gave her a smile.


"W-what's with your s-smile?" kita ko na agad ang lungkot sa mga mata niya. I don't want to say sorry, dahil alam kong hindi sapat yun dahil alam ko magmamahal din siya ng iba.


"You're stuttering young lady, let's end everything about us." komportable kong sabi sa kanya.

"I love you Dray." gusto kong sabihin sa kanya na, oo alam kong mahal mo ako pero hindi na ito tama pero mas mahihirapan ka.

"I don't love you anymore Trixy. I love you but in a different way not the love that I shared with Yarumi before and until now."


Kita ko kung paano siya nasasaktan, I know being friends for the two of us will work on the future.

"I-I'm s-sorry." yun ang huli kong narinig bago ko siya iwan. Masakit din naman sa part ko pero kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon namin parehas lang din kami hindi magiging masaya.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon