Special Chapter

8.5K 180 5
                                    

Chelsea Pov.

" Hoy panget saan ba tayo pupunta? " inis na sambit ko sakanya.

Nakacrossed arm ako habang nakaupo sa front seat at habang si Zhel tahimik na naglalaro ng robot niya. Napataas ang kilay ko ng napansin ko nakangisi si Novem, problema nito? May saltik yata ?

Napailing nalang ako sa naiisip ko. Pasamantala akong napasulyap sa bintana. Napakagat ako ng labi nang makakita ako ng buntis kasama yung asawa niya. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sobrang sweet nila sa isa't-isa. Napabuntong hininga nalang ako. Maya-maya nakaramdam ako ng paghilo kaya dali-dali ako sumandal sa upuan ko.

" Bakit Chelsea may problema ka? "narinig kong tanong sa'kin ni Novem. Huminga ako ng malalim bago ko siya naisipan tignan.

" Wala. Tsaka tumihimik ka nga d'yan nasusura ako sa boses mo!"sambit ko kasabay ng pagirap ko sakanya.

"Grabe ka naman sakin baby. Ganyan mo ba talaga ako paglihan? "

Napalaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. "WHAT? KAPAL TALAGA NG MUKHA MO! "

Hindi ko napigilan sigawan siya dahil sa totoo lang itong mga nakaraang araw kumukulo ang dugo ko kay Novem sa hindi ko malaman na dahilan.

Sa pangalawang pagkakataon inirapan ko siya pero mga ilang sandali tinawanan niya lang ako. Kaya sa sobrang inis ko hindi ko nalang siya pinansin at tinuon na lamang ang atensyon ko sa mga dinadaanan namin..

" Chelsea? "

"Chelsea? "

Tsk, bahala ka d'yan manigas ka sa kakatawag ! Mas lalo ko pa tinuon ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin. "Chelsea, naman eh. " sambit niya pa.

"Pssh Chelsea? "

Napairap nalang ako. Maya-maya naramdaman ko na lamang na tumigil na yung sinasakyan namin.

Kumunot ang noo ko. Seriously? Dito ba talaga kami pupunta? Sa dinadami ng dinaraanan namin eto lang pala?

" Nagpapatawa ka ba talaga Novem? Marami na tayong dinaanan na Mall pero bakit dito pa? Minsan hindi na kita maintindihan."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil nginitian niya lamang ako. "Novem, may saltik ka ba sa ulo? Baka kailangan mo ng magpatingin sa Doctor ?"tanong ko sakanya.

" Psh. Wala akong sakit tsaka mukhang ikaw ang dapat magpatingin sa doctor."

"WHAT? Tumigil ka nga Novem konting-konti nalang sasapakin na kita! "asik ko sakanya. Napailing nalang ako at naisipan nalang na bumababa na. Pagkababa ko tinungo ko agad ang pintuan sa likod upang maibaba ko na si Zhel.

" Ate nag-aaway ba kayo ni Kuya Pogi? "

Nginitian ko lamang siya tsaka umiling. " Hindi baby naiinis lang kasi si Ate sa pagmumukha ng kuya mo."

" Pero bakit naman po Ate? "

"Basta, bata ka pa. May mga bagay talaga na hindi mo pa maiintindihan.. " sambit ko. Napangiti ako ng tumungo siya tsaka ako hinila papunta sa loob ng mall.

Pagkapasok palang namin nakaamoy ako ng kakaiba. Nilibot ko ang paningin ko at napalunok ako ng maraming beses ng makakita ako ng lumpia.

" Bakit Chelsea gusto mo ba yun?" narinig kong sambit ni Novem. Tinignan ko lang siya ng masama tsaka inirapan. Lumunok ulit ako ng isang beses. Siguro tsaka nalang ako bibili kapag wala na ang ugok na ito kahit takam na takam ako.

"Bakit ayaw mo ba? "

Hindi ko nalang siya pinansin at nagtungo na lamang ng Toy Store.

"Ate si Kuya? "

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveWhere stories live. Discover now