chapter 4

8.3K 231 14
                                    


Myka POV.

Ilang araw na lumipas simula nangyari sa canteen. Iniiwasan ko  si Nathan dahil hindi ko maintindihan  ang mga sinabi niya sa'kin.

Naglalakad ako papuntang waiting shade. Siguro maghihintay muna ako ng jeep tsaka maaga pa naman.

Nakaramdam ako ng takot ng makarinig ako ng tawanan ng mga kalalakihan.  Hapon na at wala pa akong kasama dito naghihintay.

Napayuko nalang ako para kahit papaano hindi nila ako mapansin. Halo-halo ang naramdaman ko sa mga oras na ito. Ang tanging pag-asa ko ay sana may dumaan na jeep or ano.

Nakiramdam ako sa presensya nila pero laking pasalamat ko ng  lumampas sila sa pinaroroonan ko.

"Omg .. Thank you."

Napangiti ako ng mawala na ang takot sa dibdib ko pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari...

Napadaing ako sa sobrang sakit nararamdaman ko sa braso ko. Napatingin ako sa kamay na marahas na  nakahawak sa braso ko.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo BABE?"

Nanginig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses  niya. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko  o hindi pero wala na magagawa dahil nasa harapan ko na siya ngayonm

"Bakit mo ako iniiwasan HUH?!!"

Hindi ko alam kung ano gagawin ko ng makita ko siya halos manginig na ang buong katawan ko sa sobrang takot.

"H-hind--"

"Anong hindi !! HINDI MO ALAM KUNG ANO PWEDE KONG GAWIN SA'YO KAPAG INIWASAN MO AKO!!"

Halos narindi  ako sa sigaw niya pero habang tumatagal padiin ng padiin  ang hawak niya sa braso ko.

"A-ano b-ba n-nangyayari sa'yo ? Busy lang ako."

"BUSY SAAN ? YUNG LALAKI SA CANTEEN!! HUWAG MO AKO SUBUKAN."


Hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya. Hindi naman siya ganito dati pero ngayon parang iba siya.

Halos mamilipit na ako sa sakit  nararamdaman komHindi ko alam kung ano pwede kong gawin. Basta ang alam ko lang nasasaktan ako sa ginagawa niya kaya hindi ko naiwasan umiyak dahil sa ginagawa niya.

"A-ano b-ba nasasaktan ako.''

Pagkasabi ko sa kanya .. Awtimatikong binitawan niya ang braso ko at mukhang gulat na gulat sa ginawa niya. Hindi ko na siya pinansin dahil nakatingin ako sa braso ko namumula ngayon. I'm sure pasa ang abot ko nitom

"S-sorry.."

Akmang hahawakan niya na ako ay umatras na agad  ako dahil sa takot  na sa pwede niya pa gawin sa'kin.

Nang nakakuha ko ng pagkakataon ay tumalikod na ako sa kanya pero hindi pa ako nakalalayo ng yakapin niya ako mula sa likod.

"I'm sorry babe. Hindi ko sinasadya.Pease patawarin mo ako, huwag mo ako iwan."

Hindi ako nakaimik ng ibaon niya ang mukha sa leeg ko. Hindi ko siya magagawang hiwalayan dahil may pangako ako sa mga magulang niya bago sila mamatay pero sa ginagawa niya ay nagkakaroon lang ako dahilan upang hiwalayin siya.

Wala na ako nagawa para hindi siya patawarin dahil  naawa ako sa kalagayan niya.

"Fine. Sorry din dahil iniwasan kita. Natakot lang ako dahil sa ginawa mo sa cateen."

"Sorry babe I love youm Hindi ko na ulit gagawin iyon.."

Nakahinga naman ako ng maluwag tsaka humarap sa kanya at niyakap siya.

Pagkatapos na nangyari kanina ay siya  na ang naghatid sa'kin sa bahay.


Pagpasok ko palang sa bahay agad ako sinalubong ng magaling ko kapatid. Ang cute cute pa naman.

"Ate bakit nandito na naman yan pangit na yan?"

Napatawa ako sa sinabi niya. Wala parin pinagbago hanggang ngayon ayaw niya parin kay Nathan. Ewan ko ba sa batang ito.

Napasulyap ako kay Nathan na kasalukuyan nakangiti kay Zhel.
Kaya napangiti din ako ng hawakan niya sa ulo si Zhel tsaka ginulo ang buhok niya.

Napailing nalang ako. Alam naman niya ayaw sa lahat ni Zhel na ginugulo ang buhok niya.

"Fine .. Ang cute mo Zhel maging good boy ka kay ate mo ah? Sige una na ako babe may gagawin pa kasi ako." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Ngumiti lang ako habang paalis na siya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan na siyang nakaalis.

"Ate you know what? Ang pangit talaga iyon tsaka feeling ko ang pangit ng ugali nun!?"

Ngumiti lang ako sa kanya  at hinawakan anv magkabilang balikat niya.

'' Ikaw talaga  kung ano-ano ang sinasabi mo. Ang bata mo pa ang dami mo na alam." Natatawa ko sabi.

"Sus ate big boy na kaya ako .. May muscle na ako oh .. Tignan mo"


Napatawa ako ng ilabas niya yung braso niya at tila pinapakita ang muscle niya.

Kahit kailan talaga .. Si Zhel lang ang nakakawala ng sakit ng loob ko.

*******

Naglalakad ako papuntang faculty's room dahil ako nautusan ibigay lahat ng report namin.


Nag-aayos lang ako ng mga papel na nakalagay sa iisang folder ng makarinig ako ng ungol  ng babae .


Kumunot ang noo ko ng marinig ko iyon? Kaya sinundan ko ang pinagmulan ng ungol na iyon hanggang sa napapunta ko sa stock room dahil hindi ako mapakali kung ano ba nangyayari.

Dahan-dahan ko binuksan ang pinto pero laking gulat ko ng makita ko ang nangyayari sa loob.

Halos kabahan ako ng sobra dahil baka makita nila ako. Sa dinami-dami ng lugar bakit dito pa nila naisipan mag-ano.

Hindi ko inaasahan dahil first time ko makakakita ng ganun. Ang paraan ba naman nakaluhod ang babae sa tapat ng ano niya-YUCK.. Bakit ko ba pinapaliwanag ang nakita ko?

Masyado pang sensitive ang mga mata ko. Bakit ba madali lang sa ibang babae na ibigay sa ang pagkababae nila sa lalaki? Ganun ba kababaw ang utak niya?

"Novem!! Ugh, ang galing mo talaga!"

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pangalan ng lalaking iyon pero imposible.

Umiling lang ako sa kinatatayuan ko at sinasabi sa sarili ko na hindi totoo ang narinig ko. Hindi ko alam kung ano ba nararamdaman ko. Bakit feeling ko nasasaktan ako sa nakita ko?

Pero hindi ko inasahan ng marinig ko ang boses ng babae kasunod ang boses niya , feeling ko tuloy kilala ko na ang boses niya ..

"F-faster ..N-novem!!''

Halos marindi na ako sa sigaw ng babae  at dahan-dahan umatras pero  nagulat ako ng nasanggi ko ang floor map at nahulog sa sahig.

Dali-dali ako tumakbo dahil baka makita nila ako.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon at kusa nalang tumulo ang mga luha ko.

Naguguluhan ako bakit ganito sa pakiramdam ng makita ko si Novem na ginagawa ang kadumal-dumal na bagay


Bakit parang may mali?

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon