Chapter 1

15.7K 313 31
                                    

Meet MikaelaValdez  POV.

"Hoy babae ang bilisan mo nga ang bagal bagal mo."

Napailing nalang ako ng hilain ako ni Cristal. Halatang excited sila ano?

"Oo nandyan na."

Tamad akong sumunod sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, ang sabi naman daw niya sa sikat na lugar.

"Hoy!Ano ba Myka kanina ka pa. Huwag ka nga kJ"

Napatigil ako sa paglakad at tinitigan silang dalawa. Anong bang problema nilang dalawa sa'kin?

Napa-irap nalang ako at nakisabay na din sa paglakad nila.

Wala kasi akong gana para gumala ngayon. Kaya eto ako at napilitan lang makisama sa kanilang dalawa. Matagal ko na din naman sila kaibigan kaya kailangan dapat kong pakisamahan siya.

"Alam mo girl. Kailangan mo naman lumabas naman. HINDI YUN PURO BOYFRIEND MO NALANG ang iniisip mo. "

Napairap nalang ako ng sabihin iyon ni Marie.

"Oo nga ano .. Eto na nga lang ang last day ng vacation natin kasi may pasok na bukas. Bakit parang ayaw mo pa? I hate you puro boyfriend nalang kasi ang iniisip mo!"

Napatawa ako sa inasta ni Cristal kahit kaylan talaga napaka childish nito.

Hmmp!

"Ewan ko sa'yo!" asik ko sa kanya.

Hinawakan ko ang mga braso nila at hinigit patungo sa pupuntahan namin.

Nagtaka naman ako ng makita ko ang mga pupuntahan namin.

"Eto ba sinasabi nyo? " tanong ko  sa kanilang dalawa.

"Oo bakit?" Cristal

"Sikat kaya ngayon ang park ito." si Marie.

Kumunot ang noo ko. Bakit feeling ko  nakapunta na ako dito?

Ang weird nanaman ng iniisip ko ...

"Familiar kasi sa'kin yung lugar "

Napatungo nalang silang dalawa at sala tumakbo  papunta sa entrance.

Nagtaka nalang ako sa inasta nila. Naging kasanayan ko na ang ugali nila kaya parang wala na ang mga ginagawa nila sa'kin.

"Ma'am free kiss mark po."

Napatingin  ako sa nagtanong sa'kin  at halata naman na isa siya sa mga nagtratrabaho dito.

Tumungo nalang ako at nagpalagay ako sa pisngi ko.

Napalingon ako sa likod ko at bahagya akong napanganga ng makita kong wala na silang dalawa sa likod ko.

Napakabit-balikat nalang ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at napadako ang tingin ko sa mga nakahera na bike..

"Siguro maglibot-libot muna ako."

Kaya tinanong ko sa nagbabantay kung nagpaparent sila kaya nang malaman ko pwede ay nagparent nalang ako.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kwintas ko. Gumaan ang pakiramdam ko sa lugar na ito at hindi ko maintindihan kung bakit.

Nilibot ko ang  ang paningin ko sa buong paligid at sa bawat nadadaanan ko ay hindi ko napigilan ngumiti ako nang makita ang mga batang kasama ang magulang nila.

Namimiss ko tuloy kapatid ko.

Nalibot ko ang buong lugar at masasabi konh tama nga sila Cristal at Marie. Maganda nga dito at  hindi nakakapagtaka dahil magaganda yung mga puno.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveWhere stories live. Discover now