chapter 11

9K 239 35
                                    


Myka Pov.

Naglalakad ako papunta sa building ng business ad .. Ilang araw na din kasi ako hindi nakakapasok simula yung nangyari about sa kotse na iyon.

Napabuntong-hininga nalang ako. Kailangan ko pala magpasalamat kay Novem sa pag-comfort niya sa'kin.

"Mykaaaaaaaaa!!"

Nagulat ako  ng may sumigaw at laking gulat ko ng tumakbo siya papunta sa pwesto ko at niyakap ako ng mahigpit na halos hindi na ako makahinga.

"Myka bakit ngayon ka lang? Ano ba nangyari sa iyo at tatlong araw kang absent?"

Pahigpit na pahigpit ang yakap niya sa'kin kaya hindi na ako makahinga ng maayos.

"B-bibitawan m-mo n-na a-ko  .. H-hindi na ako makahinga .!  Cristal .. P-parang a-awa mo na."

"Opps .. Sorry hehe..*peace sign*"

Halos naghahabol na ako ng hininga dahil sa pagkakayakap niya sa'kin .. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita ulit ..

"Ewan ko sa'yo .. Nasan na si Marie?"

Nagtaka ako ng ngumiti siya ng nakakaloko  na halos mapunit na ang bunganga sa sobrang laki ng ngiti niya.

"Ayiehhhh.m kasama niya yung .. New boyfie niya .. Kilig much!!" Halos nagtatalon na siya dahil daw sa sobrang kilig kaya napairap nalang ako sa kinilos niya.

"Teka nga lang . Masyado kang Oa sa kilig-kilig much mo dyan eh. Sino naman yan new boyfie niya huh?"

"Hindi ka maniniwala si .. Si  Dominic yung lagi-lagi kasama ni Jonathan ayy ayiehh!''

Napanganga ako  ng marinig ko ang sinabi niya. Yung isang kambal na si Dominic at domino?

Napaisip ako saglit napagtanto ko na ilang araw na din pala hindi nagtetext at tumatawag si  Nathan. Ano naman kaya ang pinagkaka-abalan  nun?

Cring ... Cring

"Sus .. Tara na nga .."  Sabi ko sa kaniya sabay hila sa kaniya.

Mabilis naman  lumipas ang oras at  eto na lunch time na. Marami din ako hinabol na activity na ginawa nila nitong nakaraang araw. Total half day namin ngayon at naisipan namin na meet yung new boyfriend ni Marie. Magkikita kami sa isang restaurant na malapit lang sa school.

Pagkaupo palang namin nag-order agad kami para sa lunch.

Hinihintay din namin sila  Maria. Tsaka nagtext din ako kay Nathan na sumama  kay Dominic pero pang-hanggang ngayon hindi pa siya nag-rereply.

Hindi ko sinasadya mapatingin mismo sa pintuan ng restaurant at lakong gulat ko ng makita ko siya .. Kasama niya yung dalawang couple na weird at pinagkamalan pa ako si Chelsea .

Napatingin naman sila tatlo sa direksyon namin.  Nginitian naman ako ng babaeng kasama niya.

Lumipat ang paningin ko kay Novem pero agad naman siya umiwas sa mga tingin ko.  So ano naman meron sa kaniya at umiiwas sa mga tingin ko ?

Sabagay mas mabuti  pa na umiwas siya sa'kin ngayon dahil ayoko din naman sa kaniya  pero may dahilan kasi ako ngayon upang lapitan siya .. Kailangan ko parin magpasalamat sa kaniya dahil hindi niya ako iniwan sa mga oras na takot ako.


"Hi babe?"

Nawala ang atensyon ko ng may humalik sa pisngi ko at may sumulpot sa tabi ko.

Ngumiti ako kay Nathan na may  ngiti sa kaniyang labi.

"Miss me ?"

Tumungo ako bilang sagot hindi ko nama maitatanggi na miss ko siya dahil may pinagsamahan naman kami.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveWhere stories live. Discover now