Chapter 46

7K 211 10
                                    


Mikaela pov.

Halos napayuko dahil sa nararadaman kong pagsikip ng dibdib ko. Pagkarating ko kasi sa hospital agad ako pumasok sa loob at tinanong sa mga nurse kung nasan ang room ni Zhel. Halos nakalimutan ko na si Novem dahil sa pagmamadali ko.

Nang nakakuha na  ako ng sapat na hangin sa katawan dahan-dahan ko binuksan  yung pintuan  kung nasan  room ni Zhel.

Napakagat ako ng labi ng makita ko si zhel na mahimbing na natutulog  kasama sila Papa at mama. Napabuntong hininga ako habang papunta ako sa pwesto nila.

"Ma,Pa?"sambit ko habang tinatapik-tapik ko ang balikat nila Papa at mama. Maya-maya naalipungatan si Mama at laking gulat ko ng salabungin niya ako ng yakap.

"Buti dumating ka nam" Kumunot ang noo ko ng sambitin iyan ni Mama lalo na ng mapansin kong humihikbi na sta sa bawat pagsalita niya. Kumalas ako sa pagkakayakap kay mama at marahan ko siya tinignan.

"Ma bakit ano po ba talaga sakit ni Zhel?"sambit ko at napasulyap sa higaan ni Zhel na mahimbing parin natutulog.

Napansin ko ang paggalaw ni Papa hanggang sa mapatingin ito sa pwesto ko kaya agad ko siya nginitian. Nguniti sa'kin si Papa pero bakas ang lungkot sa mata niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba dahil sa ngiting iyon.

"Ma  Pa ano po ba sakit ni Zhel? Sa totoo lang po kinakabahan ako sa mga tingin niyo."sambit ko. Nagkatinginan sila sa isa't-isa kaya iba na ang  naramdaman ko sa mga tingin nila.

"Anak, kasi."

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ng hindi maituloy ni mama kung ano man ang sasabihin niya. Tumingin ako kay papa upang siya na  mismo ang magsabi pero umiwas lang siyang tingin sa'kin. Kaya wala ako nagawa kundi antayin na lamang kung ano sasabihin ni Mama.

"Ma ano po ba sakit ni Zhel ?"

"Anak kasi si Zhel. Masyado kami naging busy ng umalis ka sa bahay at hindi namin napansin ang ilang araw na pala nilalagnat si Zhel at nitong lunes lang inaapoy na siya ng lagnat kaya agad namin siya sinugod sa hospital. "

"Tapos ano na po? Ano sabi ng doctor sa kalagayan ni Zhel ma?"

Nagtaka ako ng hindi agad nakaimik si Mama. Hindi ko alam pero naguguluhan na ako sa kinikilos nila papa at mama-na para bang may tinatago sila sa'kin na hindi nila masabi.

"Kasi anak may dengue si Zhel at  nasa. Stage 1. Kailangan niya masalinan ng dugo."

Napanganga ako ng sabihin iyon ni mama .. Seriously Dengue ? Kailangan salinan ng dugo pero hindi lang ako mapakaniwala na sa sobrang bibo at lusog ni Zhel, hindi ko akalain na dadapuhan  si Zhel na ganuon sakit.

"Oh? Bakit parang hindi parin  niyo  sinasalinan  si Zhel ng dugo. Kung sino man ang kamatch sa iyong dalawa edi magdonate kayo." sambit ko upang mapanatag man lang ang kalooban nila. Pilit ako ngumiti sa kanilang dalawa  pero agad din nawala ang ngiti ko ng napahagagulgol si mama at niyakap nalang siya ni papa.

"Iyon nga ang problema anak dahil ilang araw ka na namin hinintay ng mama mo."

"What? Ano ibig nyo sabihin---" hindi ko agad  natuloy sasabihin ko ng may pumasok sa isip ko ang isang bagay na hindi makapaniwala.

" Shucks, anong type blood niya?"

Halos nanginginig ang labi ko habang hinintay ko ang sasabihin ni Papa.

"Type B.."

Natigilan ako sa narinig ko .. Imposible.

Bakit type B. Paanong nagmatch kami? Tumingin ako kay mama na kasulukuyan na umiiyak habang hindi makatingin sa'kin ng diretsyo.

"Ma,ano ibig sabihin nito ? Diba , sinabi nyo anak nyo si Zhel kaya paanong hindi nyo kamatch si Zhel? Ma at Pa?"

Tumingin ako sa kanilang dalawa na may bakas sa mga mata nila na kalungkutan. Napabuntong hininga ako.

"Sabihin nyo ma pa?Ano pa ang hindi nyo sinasabi sa'kin totoo after 5 years nung nakita nyo AKO?"

Hindi ko napigilan ang mapasigaw dahil naiinis ko sa kasinungalingan  nilang dalawa. Alam kong may utang na loob ako sa kanila pero sana man lang sinabi nila sa'kin ang totoo hindi iyon nagmumukha akong tanga.

"Ma anak ko ba talaga si Zhel?" Sambit ko. Sa pagkasabi ko iyon saktong pagbukas ng pintuan pero hindi ko pinansin  dahil ang atensyon ko ay kila mama at papa.

"Chelsea." Narinig kong sambit ni Novem pero hindi ko parin siya pinansin kahit na hiniwakan niya ang braso ko. Unti-unti na naninikip ang dibdib ko dahil dahan-dahan na bumagsak  ang luha ko- kanina ko pang pinipigilan.

"ANO MA SABIHIN NYO SA'KIN ANG TOTOO ANAK KO BA TALAGA SI ZHEL!!"

Pasigaw na ako sa sobrang inis ko. Paulit-ulit ko kinakagat ang labi ko dahil sa sakit na  nararamdan ko.

" Chelsea tama na." narinig kong sambit ni Novem pero hindi ko parin siya pinansin.

Natahimik sila mama at papa na pinagmamasdan kami ni Novem. Napapalakas narin ang paghikbi ko. Maya-maya  may nakaagaw ng atensyon ko. 

"Excuse me po Mrs at Mr valdez. Kailangan na po masalinan ng dugo yung pasyente habang hindi pa po lumalala ang sakit niya. May nakita na po ba kayo na  donor ng bata o nasan na po ba ang tunay na mother ng pasyente? "

Umiwas ako ng tingin sa nurse at tumingin muli kila mama at papa.

"Mikaela--"

"Don't call me Mikaela. Alam kong alam nyo ang tunay na pangalan kong Mama."

"Chelsea--"

"Shup up Novem."

Hindi ko muna pinansin ang pagkahalukipkip ni Novem dahil sa pagsagot ko sakanya.

"Fine Chelsea I'm really really sorry dahil matagal na namin gusto magkaanak. Masaya ako dahil naranasan namin magkaroon ng anak kaya s---"

"Sorry? Masyado kayong selfish Ma! Okay lang po sana kung sinabi nyo agad sa'kin ang totoo. Kahit malaman ko ang totoo tuturing ko parin kayo na tunay na magulang . Nagpapasalamat din po ako saiyo dahil naranasan ko rin ang may ina at ama kaya sana. Sana manlang sinabi nyo sa'kin totoo."

Napahagulgol  ako pagkatapos ko sabihin lahat ng hinanakit ko. Lumapit sa'kin si mama pero agad ako umatras kaya napatigil siya. "I'm sorry Chelsea anak. Oo totoo anak mo si zhel dahil nung time na dinala ka namin sa hospital naka survive kayong dalawa ng anak nyo.  Sana mapatawad mo kami ng papa mo hindi  namin gusto  magsungaling sa'yo ayoko lang namin mawala ka."

Napalunok ako at napahugot ng hininga kasabay ang pagpikit ng mata ko. Hindi ko na tinignan sila mama at papa pati si Novem hindi ko na tinapunan ng tingin.  Tumingin ako sa nurse at nagsimula na ako maglakad.


"Halika na nurse ako yung tunay na ina ng bata at magkamatch kami ng type blood."

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon