Chapter 48

7.3K 190 14
                                    


Chelsea Pov..

Napalunok ako sa mga ngiting binibigay niya. Halos maramdaman ko na ang paglamon sa'kin ng kaba dahil sa mga oras na ito masama ang kutob ko sa tingin pinupukol niya sa'kin.

"A-ano b-ba ang kailangan mo, Nathan?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagkakautal ko.

Napangiti siya ng mala-demonyo sa'kin tsaka sandaling tumingin sa mga labi ko. Nang mapansin kong unti-unting lumalapit sa'kin  ang mukha niya ay agad ko siyang tinulak.

"Ano ba  problema mo Nathan!" Inis na pahayag ko sakanya. Kahit kinakabahan ako ay sinikap ko parin maging matatag at kumuha ng pagkakataon ng humakbang ngunit laking gulat ko ng hilain niya ako at naramdaman ko ang isang bagay na lumapat sa labi ko.

Napapikit ako hindi dahil sa nagugustuhan ko kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko sa pagkahalik niya sa'kin. Pakiramdam ko nalalasahan ko na ang dugo mula sa pagkakahalik niya sa'kin. Unti-unti na ako nawawalan ng hangin sa katawan  dahil sa pagkakahalik niya at hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha  ko.

Ang s-sakit..

Napaupo ako ng humiwalay siya sa pagkakahalik sa'kin at hindi ko mapigilan ang paghikbi. " Di'ba sinabi ko sa'yo kapag nakita ko kayong magkasama nung WALANGHIYANG LALAKING IYON AY HINDI AKO MAGKAKAMALI NA PATAYIN SIYA !!!"

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya. Lakas loob ako tumunghay upang tignan siya." N-nababaliw k-ka na ba?'' Mahinahon na sambit ko sakanya. Mga ilang sandali nagulat ako ng tumawa siya.

" Hahahaha...."

Napakunot ang noo ko  ng tumigil siya sa pagtawa at laking gulat ko ng hawakan niya ng marahas ang dalawang braso ko kaya hindi ko napigilan mapatayo.

"Oo, baliw nga ako. BALIW NA BALIW SA'YO MIKAELA."

"A-ano ba N-nathan. N-na sa-saktan ako. "Sambit ko. Nakatingin siya ng seryoso sa'kin kaya napagtanto ko ngayon ay parang hindi na siya yung kilala kong Nathan. Nag-iba na siya.

"Nathan, Ano ba nangyayari sa'yo? Bakit ka nagkakaganyan ? Hindi ka naman ganyan dati ah?"

Matagal  niya ako tinignan  habang nalahawak sa braso ko. Napakagat ako ng mariin at pilit maging matatag kahit sobrang sakit na. Mga ilang sandali ay binitawan din niya ang pagkakahawak sa braso ko.

"Tinatanong mo kung bakit ako nagkakaganito? Hindi ba halata ako nalang ang mag-isa sa buhay lahat sila iniwan ako pati ba naman ikaw iiwan ako? Anong klaseng tao ka? "

"Mahal kita Mikaela  pero bakit napakadali para sa'yo na iwan ako at ipalit sa walanghiyang lalaking iyon? Di'ba nangako ka sa'kin at kay Inay , Itay na hindi mo ako iiwan? Pero ano ginawa mo NAKIPAGHIWALAY KA SA'KIN DAHIL SA LALAKING IYON."

"H-hindi mo naiintindihan Nathan. Hindi mo intindihan ang tunay kong pagkatao na hindi talaga---"

"Na hindi ikaw si Mikaela at ikaw talaga si Chelsea? Sh*t , matagal ko na alam simula nung naging tayo. Alam ko na ang lahat-lahat."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan na mainis at magalit dahil alam niya pero bakit? Bakit parang hindi parin sapat ang mga sinabi niya upang magkaganito siya?

Napasinghap ako ng hilain niya ako.

"Saan  tayo pupunta?"sambit ko.

"Sa lugar na wala yung lalaking iyon-na tayong dalawa lang .."

"Tek---"

Napangiwi ako ng may lumipad na kamao sa mukha ni Nathan. Sa sobrang gulat ko napahawak ako sa bibig ko habang nakatingin sa nakahigang Nathan.

"Ano ginagawa mo dito?!"

Napalaki ang mata ko ng mabosehan ko ang tapng iyon huwag mo sabihin si-..

"N-novem?"

"IKAW NA NAMAN !! ILANG BESES KA BA MANGINGIALAM SA LAHAT NG GUSTO KO HUH?"

Napakapit ako sa braso ni Novem ng sumigaw si Nathan.  Halos halo-halo na ang nararamdaman  ko dahil  sa takot na nararamdaman ko. Kaya habang maaga pa sana makaalis na kami sa lugar na ito.

"Hindi ko gusto  pakialaman lahat ng gusto mo. Alam ko minahal mo si Chelsea pero alam mo naman sa simula palang ay hindi mo na siya pag-aari."

"TUMAHIMIK KA, DAHIL KAHIT ANO MANGYARI HINDI MO SIYA PAG-AARI. OO IKAW ANG NAUNA PERO AKIN PARIN SIYA."

Naramdaman ko ang paghakbang ni Novem  pero dahil hawak ko siya sa braso ay nahirapan ako pigilan siya.

"N-ovem, huwag mo na siya patulan .. Please. Umalis nalang tayo." pakiusap ko kay Novem. Maya-maya naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni  Novem kay kahit papaano naging panatag ang kalooban ko. Hahakbang palang ako ng magsalita si Novem.

"Oo hindi ko pa nga siya pag-aari pero ito tandaan mo ako ang mahal  niya at hindi ikaw."sambit ni Novem. Sinumulan na niya humakbang at tinalikuran si Nathan kung kaya't ganun rin ang ginawa ko.

Mga ilang sandali ng hindi pa kami nakakalayo ng laking gulat ko ng makarinig ako ng putok ng baril. Halos nakaramdam ako ng takot ng tumingin ako sa pwesto ni Nathan na sa ngayon  may hawak ng baril. Parang bumangal ang pagtakbo ng paligid ko habang pilit ko sinusulyapan si Novem .

Napatakip ako sa bibig ko ng may makita akong dugo sa balikat niya.

"H-indi.."bulong ko sa sarili ko. Sa pangalawang pagkakataon narinig ko muli ang pagputok ng baril kung kaya't dali-dali ako yumakap mula sa likod ni Novem.

Napapikit ako ng mariin  hanggang sa naramdaman ko ang sakit na tumama sa katawan ko. Napangiti nalang ako ng mapakla ng napagtanto ko ang sarili ko na nakahiga sa sahig.

"C-helsea.."

Napasulyap ako kay Novem na ngayon ay napapadaing sa sakit na nararamdaman niya. Nginitian ko lamang siya hanggang sa nakagulo na ang buong paligid. Unti-unti na nanlalabo ang mata ko. Sa huling pagkakataon ay nakita ko lamang si Novem umiiyak habang hawak niya ang kamay ko.


Sa mga ilang sandali ay wala na ako naalala sa sumunod na nangyari.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon