Chapter 35

7.2K 207 36
                                    


Mikaela Pov..

Pagkatapos ko inumin yung beer ay ramdam na ramdam ko ang mainit na alcohol na dumaloy sa lalamunan hanggang sa sikmura ko.

Nakatingin lang ako sa baba habang pinipigilan ko ang mga luhang gusto na makawala. Napabuntong hininga ako bago ako pumikit.

Napamulat ako sa sobrang gulat ko ng may humawak sa kamay ko. "Okay ka lang ba ?"

Napasulyap ako kay Jeffrey tsaka ko siya nginitian. Tumungo nalang ako bilang sagot sakanya. Sa totoo lang ang bigat sa pakiramdam na kailangan mo na talaga tanggapin ang mga bagay na hindi na mapapasayo.

"Hey jeff turn mo na. Truth or dare ?" Sambit ni Leanne. Narinig kong napatawa si Jeffrey at bahagya napakamot sa batok.

"Para maiba naman , uhmmm ... Siguro Dare nalang."

"Uhmm ano kaya ? Ah! Lapitan mo ang taong gusto mo mapalapit sa'yo at i explain mo kung bakit."

Napatungo nalang ako habang tinitigan ang mga beer sa baba. Ngayon gabi parang gusto ko maglasing para kahit paano gumaan lang ang pakiramdam ko at mawala ang sakit nararamdaman ko kahit saglit lang.

"Kailangan ko pa ba lapitan eh katabi ko na nga ?"

Napatunghay ako ng sabihin iyon ni Jeffrey. Hindi ako sigurado kung ako ba tinutukoy niya o hindi.

"Si Mikaela. Gusto ko siya makilala pa ng lubusan at mapalapit sa'kin  kahit kakakilala lang namin. Alam ko sa sarili ko na napakagaan ng pakiramdam ko kapag nasa tabi ko lang siya  dahil para sa'kin ayoko siya masaktan dahil lang sa lalaking pinakawalan siya at sinukuan. Pwes I'm sorry nalang sa lalaking walang kwenta at pabaya dahil hindi niya alam kung sino ang pinakawalan niya."

Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Jeffrey . Oo, nagkaintindihan kami kagabi dahil hindi ko napigilan sabihin sakanya lahat ng sakit nararamdaman ko pero hindi ko alam kung para kanino ang lahat ng sinabi niya.

Napangiwi ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Kaya Mikaela hayaan mo ako pumasok sa buhay mo dahil hindi ko naman hinihiling na  maging boyfriend mo ako dahil gusto ko lang tulungan ka at gisingin ang sarili mo mula sa nakaraan."

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko dahil hindi ko alam kung tanong ba iyon para sagutin. Basta ang alam ko lang naguguluhan ako sa mga sinabi niya. Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari ng halikan niya ako sa noo at ang pagyakap niya sa'kin kasunod ng pagbulong na siyang dahilan para magstock sa utak ko.

"Tutulungan kitang kalimutan siya."

Hindi ko alam ang irereact ko. Basta ang alam ko lang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Omg sweet! Kilig much ! Hihi!" Narinig kong sambit ni Leanne kasabay ang  malakas na tili kaya naagaw ang antensyon ko dahil sa kanya.

"So tapos na? Kaya pwede iikot natin. "

Napakunot ang noo ko ng sumingit si Alexsandra kaya hindi ko naiwasan mapasulyap sa pwesto nila saktong nagtama ang paningin namin Ilang minutes din kami nagtitigan ni Novem pero ng hindi ko na nakaya  ng way ng pagtitig niya sa'kin ay agad ako umiwas sa mga titig niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Sa totoo lang hindi ko kayang tumagal sa lugar na ito ng kasama siya.

"So it's my turn na. Truth na ako ..."

Wala nagsalita sa amin dahil siguro hindi nila alam kung ano tatanungin nila kay Alexsandra  hanggang si Kenizke  na ang nagsalita ..

"Gaano mo kamahal si Novem?"

Bigla kumirot ang puso ko ng sabihin iyon ni Kenizke kaya agad siya hinampas ni Leanne at bahagya na tumingin sa'kin na may lungkot sa mga mata. Ngumiti lang ako at binulong na okey lang ako.

"Hahaha. Tinatanong pa ba yan .. Syempre mahal na mahal dahil simula pa ng bata kami mahal na mahal namin at isa't-isa at may pangarap kami para sa amin dalawa. Diba baby?"

Halos nabingi na ako ng sabihin niya iyon kaya ramdam na ramdam ko ang sakit mula sa puso ko. Napakagat ako ng labi ng naramdaman ko uminit ang gilid ng mata ko.

Huminga ako ng malalim para pagaanin ang loob ko. Hindi ko inaasahan ng halikan nalang bigla ni Alexsandra si Novem kaya sa huli hindi ko napigilan umiyak mismo sa harapan nila.

Ang sakit lang makita na mismo  pa sa harapan  ko sila naghahalikan  at guess what pangalang beses pa. Ang saklap lang talaga.

Napasinghap ako ng pumunta sa harapan ko si Jeffrey at pinusan ang mga luha ko sa pisngi.  Nginitian niya agad ako.

"Nasasaktan ka na nga bakit patuloy mo parin sila pinapanood ?"

Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya pero laking gulat ko ng higitin niya ako at kaladkarin paalis sa lugar na iyon. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at parang ang bagal ng takbo ng oras habang kinakaladkad niya ako sa lugar kung saan hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ngayon ay sobra akong nasaktan sa mga nangyayari.

Napatigilan ako ng  tumigil siya sa paglalakad at dali-dali siya humarap sa'kin.

"Alam ko masakit pero sana man lang huwag mo  gawing tanga ang sarili mo.. Oo, alam ko ang nararamdaman mo dahil minsan din ako naging tanga sa harapan ng taong mahal ko pero minsan kasi nakakasawa na kapag lagi-lagi mo ginagawa."

Hindi ko naiwasan mapahagugol dahil sa sinabi niya.

"Siguro nga ang tanga ko pero kasi hindi mo naman mapipigilan ang puso mo masaktan hindi ba?" Sambit ko. Bahagya niya ako tinitigan  at napabuntong hininga.

Lumapit siya sa'kin at hiniwakan ang balikat ko." Oo hindi mo mapipigilan ang puso mo na masaktan pero minsan gamitin mo rin ang utak mo kung ano ba talaga  ang dapat mo gawin."

Napailing ako." Pero sa--" agad niya ako pinigilan sa sasabihin ko ." Diba, sinabi ko sa'yo kanina tutulungan kita kalimutan siya."

Napatungo nalang ako ." Sa paanong paraan? Paano kung hindi-----"

"Shhh..." Nagulat ako ng ilagay niya ang daliri niya sa labi ko.

"Ako bahala okay? Basta simula ngayon kalimutan mo na siya dahil hindi siya deserving sa'yo .."

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveWhere stories live. Discover now