chapter 13

7.6K 197 12
                                    


Mikaela Pov...

Nagkataka ako ng bumaba kami sa Forest park. Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

"So ano meron dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Unniversary kasi dito kaya I'm sure maraming games dito!"

"Bagong bukas kasi dito tsaka sabi nila maganda dito."

Hindi ko maintindihan kung bakit may nakarinig ulit ako ng boses lalaki pero ang pinagkaibahan lamang ay hindi na sumakit ang ulo ko .

"Tara pumasok na tayo?" Rinig kong sabi ni Novem.

Kaya ng makita ko siya magsimula maglakad. Dali-dali  na ako sumunod sa kaniya.

Bago ang entrance ay nagpalagay muna kami ng kiss mark.

"Good morning Ma'am and Sir   may specila offer po kami para sa mga couple na tulad niyo. Bibigyan po namin kayo ng promo bracelet. Ang kailangan nyo lamang ay makakuha ng tatalong star at kung manalo kayo ng tatlong beses may chance po kayo malibre sa lahat ng mga store nakapaligid sa buong area at pwede po kayo magsolo ng isang area basta mamili lamang kayo saan ang gusto niyo.."

Tumungo ako ng bilang sagot at agad din naman inabot ni Novem.

Hindi na ako nagtaka kung maraming tao sa loob. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at hindi sinasadya naagaw ang atensyon ko sa isang game .

"Tara du'on tayo?"

Mukhang napansin naman iyon ni Novem dahil hinila na niya ako papuntang sa lugar na iyon.

Sa tingin ko sa game na ito ay kailangan mo lang makipag-race gamit ang bike.

" Kumpleto na po ang mga contestant natin. "

Napasinghap  ako ng maramdaman kong nawala sa tabi ko si Novem. Nilibot ko ang paningin ko pero laking gulat ko ng makita ko siya nakasakay sa isa mga bike. Huwag mo sabihin sasali siya?

"Ayieeehh. Kuya ang gwapo gwapo mo!"

Napangiwi ako ng sumigaw at magtilian ang mga babae. Nahuli kong nakatingin sa'kin si Novem at bigla nalang kumindat. Hindi ko alam kung para sa'kin ang kindat na iyon pero..

"Ayiehh ... Nakatingin  siya sa'kin!.."

"Whaaaa...kuya akin ka nalang!!"

"Hayyyyy!! Kumindat siya sa'kin!!"

Hindi ko maiwasan mapatawa sa pinagsisigaw ng mga babae sa tabi ko
Maya-maya nagsimula na ang game  hindi ko maiwasan mapasigaw dahil nangunguna na agad si Novem.

"Whoooo! Go...Go Novem!"

Nagulat ako ng tumigil sa pagtili ang mga babae at marahas na tumingin sa'kin. Binigyan ko lang sila ng isang irap.

Hindi nagtagal may paparating na isa mga contestant pero hindi ko alam kung sino iyon. Maya-maya ng malapit na siya nagulat ako ng mapagtanto kung sino iyon.

"Si Novem.." Bulong ko.

Napatakip ako ng tainga ng tumili na naman ang mga babae.

Hindi ko ulit napigilan mapangiti at mapasigaw dahil hindi ko akalain na mangunguna na siya.

Pagkarating niya sa finish line bibigyan agad siya ng star kaya dali-dali ako pumunta sa kanya at niyakal siya.

"Grabe  ang galing mo naman!"

"Syempre ikaw ang inspiration ko."

Napatigil ako sa pagyakap sa kaniya at dali-dali na kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon