chapter 3

8.8K 225 7
                                    


Myka POV..

"Si N-novem?."

Hindi ako makapaniwala na binanggit ko ang pangalan niya. Alam ko nakatingin siya sa direksyon namin kaya nakaramdam ako ng kaba.

Kakaiba ang tingin na binibigay niya sa'kin.

"So .. Bakit kaya siya lumipat dito?"

Napaiwas ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Cristal.

"Tama ka girl! Kaya pala todo kilig ang mga babae ngayon,g wapo ba naman saan ka pa?"

Hindi na ako nakisali sa usapan nila dahil hindi ko magawang maging interesado .

"Ikaw Myka ? May alam ka ba kung bakit dito nag-aral si Novem?"

Nagulat ako ng tanungin nila ako ... Mas kinabahan ako ng nakatitig sila sa'kin.

"Huh? H-hindi ko alam."


Kumunot ng bahagya ang mga noo nila dahil sa sagot ko. Masyado ba akong halatang kabado?

"Anong nangyari sa'yo?"

"Oo nga para ka natatae.."

Parehas sila napatawa dahil sa hindi ko malaman na dahilan.

Maya-maya naramdaman ko nalang ang mabigat na bagay na pumatong sa balikat ko.

Napangiti ako ng makita ko siya ..

"Bakit n'yo pinagtatawanan yung girlfriend ko?"

Napakagat ako ng labi ng sabihin niya 'girlfriend' hanggang ngayon nagagawa niya parin ako pakiligin.

"O ikaw pala Jonathan kasi si Myka sobrang pula ng pisngi!!" Sabi ni Marie hanggang ngayon walang tigil sa pagtatawa.

Kapag wala lang si Jonathan. Kanina ko pa ito sinuntok sa pagmumukha...

"Tama si Marie. Tignan mo ang mukha ng girlfriend mo." sabi ni Cristal sabay turo sa pingi ko.

Napatingin ako kay Jonathan. Napangiti naman ako ng kinindatan niya ako. Kahit kailan talaga ang kulit niya.

"Syempre sa gwapo kong ito? Mamumula yan sa sobrang kilig. Ikaw ba naman may gwapo'ng boyfriend?"

Napairap ako sa sinabi niya ng hindi ko natiis ay siniko ko siya sa tagiliran niya.

"Ouch. Sakit naman yun babe. Ang harsh mo talaga."

Napailing ako habang siya namimilipit sa sakit.

"Yan kasi. Masyadong ma-proud sa sarili!"

"Tama ka Cristal. Feeling gwapo kasi ang pangit -pangit naman . "

Tumawa nalang ako sa inasta ng dalawa hanggang sa nag-asaran na sila lahat.  Napabuntong- hininga ako.Buti nalang at nawala na ang kakaibang kaba nararamdaman ko kanina.

Napadako ang tingin ko kay Nathan.


Masaya ako kapag nakikipagbiruan siya pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya magawang mahalin kahit isang taon na kami.

Hindi ko sinasadya napadako ang paningin ko sa pwesto ni Novem. Hindi ko alam kung bakit humugot ako ng malalim na hininga ng makita siya'ng wala sa pwesto niya kanina.

After ng vacant namin. Sumunod naman ang isang subject. Nakalumbaba lang ako habang nakatingin sa professor namin busy sa laptop niya.

Bakit ba hindi maalis sa isip ko kung ano ang dahilan kung bakit dito nag-aral si Novem.. Ang buong akala ko babalik ulit siya sa america?

Geez ... Bakit ko ba iniisip ang gan'un bagay? Kailan pa ako nacurious sa buhay ng iba?

Dumating ang lunch.  Napag-kasunduan namin ni.. hindi kasi ako sanay sa endearment na babe. Hindi ko malaman na dahilan kung bakit hindi ko siya matawag- tawag na babe.

" Ano ba gusto mo?"

"Same ng katulad ng dati.."


Ngumiti ako sa kanya at tumungo naman siya bago siya tumalikod.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng nakalis na siya.

Hindi ko ba alam kung ano nangyayari sa'kin. Ilang araw na ako ganito simula ng makilala ko si Novem. Ano ba meron siya at ganito ang effect niya sa'kin.

Hindi ko sinasadya napadako ang tingin ko sa pintuan ng cateen .

Kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya pero nakaramdam ako ng pagkirot ng dibdib ko ng makita ko siya may kasamang babae and guess what!

Naghaharutan pa .


Umiwas ako ng tingin at patago napahawak sa dibdib ko. Katulad nito ang weird sa pakiramdam. First time ko maramdaman ang ganitong feeling.

"Ano problema?"

Napasinghap ako ng marinig ko ang boses ni Nathan ..

"Ahh w-wala naman."

Hindi ako tumingin sa kanya dahil natatakot ako na baka mahalata niya ako na aatract ako sa lalaking iyon!

"Sino ba siya? Mukhang bago lang siya pero ang yabang .. "

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

" Huwag mo nalang siya pansinin .."

Marahas siya tumingin sa'kin at laking gulat ko na hinampas niya ang lamesa.


Halos kinakabahan ako sa ginawa niya. First time ko makita siya nagkaganyan. Kahit matagal na kami parang feeling ko hindi ko pa siyang kilala.

"Huwag pansinin? Try mo lumapit sa kanya. Hindi mo alam kung ano pwede ko gawin. Subukan mo Mikaela."

Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng takot dahil talagang hindi ko pa siya lubos na kilala.

Hindi ko maintindihan kung ano ba meron ugali siya. Basta ang alam ko ay nakakatakot siya pero ginawa ko parin sumagot sa kanya.

"O-oo ." nauutal ako sumagot sa kanya pero napangiwi ako ng suntukin niya na ang lamesa at iniwan na niya ko mag-isa .

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papaano umalis siya.Ano ba meron sa kanya ngayon at nagkakaganito siya?

Hindi ko naiwasan napatingin sa mga tao sa paligid at halos sila ay nakatingin sa'kin. Hindi ko inaasahan na mapadako ang paningin ko na nakaupo sa dulo kasama ang babae niya.

Naramdaman ko ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.


Ano ba ginawa mo sa'kin Novem? Bakit ganito ang epekto mo sa'kin?

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveWhere stories live. Discover now