chapter 28

7.1K 208 22
                                    


Hi @PinkBunso  this chapter is dedicated for you . Nakita ko kasi yung request mo sa'kin kanina lang  sa Seducing the Campus Prince.. Kaya sana basahin mo rin ang part two niya .. Maraming salamat dahil iniintindi mo ang ma wrong grammar ko ..hihi

Matagal mo pala nirerequest yun .. Hihi pasensya na po ..

Novem pov .

Napabalikwas ako ng makarinig ako ng tunog. Kumunot ang noo ko ng makita sila mom ,dad , kenizke at yung girlfriend niya at yung iba kong kaibigan. Teka lang ano ba ginagawa nila dito at nandito sila lahat ?

"Ang ingay mo kasi babe !" Sambit nung girlfriend ni kenizke.

"Eh bakit ako ! Eh ikaw nga ito kilig na kilig parang ewan.."

Napahilamos nalang ako ng mukha dahil mukhang magaaway na naman yung dalawa.

"So ano ginagawa nyo lahat sa kwarto ko?" Tanong ko. Lumapit si Mom and dad sa'kin.

"Anak wala ka bang naalala ngayon araw ?" Tanong sa'kin ni mom.

"Bakit ano bang meron ngayon ..?" Hindi ko maiwasan magtaka dahil sa kinikilos nila. "Mom ano po ba meron at nandito sila lahat?"

"Iho .. Grabe parang ikaw pa ang matanda sa amin ng mommy mo   dahil pati birthday mo nakalimutan mo na .."

Napataas ang dalawang kilay ko .. Dali-dali ko kinuha yung cellphone.. Napalaki ang mata ko ng makita ko kung ano date na ngayon.

Its june 08.

Napahampas ako ng noo dahil sa kakaisip ko kay Chealsea  pati birthday ko nakalimutan ko .. Fuck ang tanga ko talaga ..

"Ano ka ba naman bro alam namin nasaktan ka sa mga nangyari pero huwag mo naman kalimutan ang special day mo.."

Tinignan ko ng masama si Kenizke dahil sa sinabi niya kaya napatawa siya habang naiiling na tinataas ang dalawang kamay.

"I'm sorry mom and dad pero nakalimutan ko talaga. " sambit ko.

Hindi ko maiwasan mapakamot ng batok dahil sa kahihiyan na pati birthday ko nakalimutan ko.

"Okay lang anak basta ngayon araw na ito kalimutan mo na ang lahat tungkol kay Chelsea at isipin mo muna ang sarili mo okay?" Sabi ni Mom.. Hindi ko maiwasan ngumiti. Alam ko nag-aalala lang sila sa'kin kaya sa ngayon susundin ko muna sila.

"Gandang ngiti natin bro ah .." Tinignan ko na naman ng masama si Kenizke pero alam ko naman na nagbibiro ako dahil tinatawanan ko lang siya.

Pagkatapos  nila  ako pinagbabatukan at binati  ng happy birthday  napagdesisyon  namin na  mag-hang out na magbabarkda.

Papunta palang ako sa kotse ko  ng tawagin ako ni mom.

"Anak ayos  ka lang ba mukhang kakaiba ang mga ngiti mo." Tanong sa'kin ni mom. Agad sumilay sa'kin ang isang ngiti..." Masaya lang po ako dahil  hindi niya talaga iniwan .."

Kumunot ang noo ni mom ng sabihin ko iyon. " Ano ibig mo sabihin anak?"

"Mom ..maniwala ka man sa hindi. Hindi niya po ako iniwan,buhay na  buhay po si Chelsea. " nakangiting sabi ko kay mom. Nagtaka ako ng lumungkot ang mukha niya sa'kin.

"Bakit mom hindi po kayo naniniwala ?"

"Hindi sa ganun anak pero alam kong sobr----"

"Hindi mom totoo ang sinasabi ko buhay siya. Sinusubukan ko nga po na ipaalala sa kanya lahat pero alam ko naman na si Chelsea dahil kamukhang-kamukha niya at nararamdaman ko na siya talaga iyon."

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveWhere stories live. Discover now