chapter 2

10.4K 249 18
                                    


Mikaela POV..

"Omg .. Saan mo naman nasungkit iyon ah?" Tanong sa'kin ni Marie ..

Pagkatapos kasi umalis ni Novem kanina pa sila tili ng tili at tinatanong nila kung paano kami nagkakilala.

Ang sabi ko dahil wala lang pero kasi nakakainis dahil paulit-ulit sila sabi ng sabi na gwapo daw.

Hindi ko naman maiitanggi na gwapo siya dahil para sa'kin iba ang dating parang ..parang kilala ko na siya ?

Hindi ko alam kung nagkita na ba kami. Napaka-pamilyar niya  kasi sa'kin.

"Bakit ka kasi bigla kang nawala.. E'di sana kasama mo'rin kaming nakilala siya."

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng reaction at sagot na ibibigay ko sa dalawang ito.

"Ewan ko sa'inyo. Nababaliw na kayo. Gusto ko ng umuwi."

Nauna na ako sa kanila dahil kung ano-ano nalang ang pinagsasabi nila sa'kin.

"Hoy, Myka ka! Mahiya ka nga, may boyfriend ka na, sa'min nalang siya okay?" 

Narinig ko sumigaw si Cristal. Tinaas ko nalang ang kamay ko habang naglalakad papalayo sa kanila.

"Oo .. Sayong-sayo na!" Sabi ko sa kanilang dalawa. Narinig ko tumawa silang dalawa.

Napairap nalang ako.

Maaga naman kami nakauwi sa bahay. Sa totoo lang malapit kami sa dagat at may sarili kaming resort.

Sa kabila ng maraming ginagawa ng magulang ko ay maswerte ako kahit busy sila ay abibigyan parin nila ako ng oras.

Kaya proud na proud ako na sila ang magulang ko.

"Mama, nandito na po ako!"

Pagkapasok ko sa bahay. Mabilis ako nagtungo sa kwarto at mabilis na humiga sa kama.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas nandito na ako sa kwarto ko.

Hinawakan ko ang singsing na ginawa kong pendat ng kwintas ko.

Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung sino  nagbigay sa'kin nito ..

Mahal na mahal kita...

Napabalikwas ako ng may narinig ako boses sa isip ko..

"Saan nanaman galing yun?"

Napailing nalang ako tsaka humiga muli sa kama ko.

Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa pumasok sa isip ko yung lalaki kaninam

Mukha siyang inosente pero feeling ko may kakaiba sa kanya.  Sa hindi ko malaman na dahilan.

"Bakit kaya siya nawalan ng alaala?"

Napatanong ako sa sarili ko.Naalala ko sinabi niya sa'kin kanina na nawalan siya ng alaala. Mahirap kaya mawalan ng alaala? Paano nalang kung hindi  niya maalala yung taong mahal niya?

Paano nalang yung babae?

Kawawa naman pala siya kung wala siya maalala sa nakaraan niyam

Napabuntong hininga nalang ako. Sana hindi ko maranasan ang gaanong sitwasyon. Ang hirap ng sitwasyon kapag ganun.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may bumukas ng pintuan at pumasok ang cute na kapatid ko.

"Ate!!  I miss you, bakit ngayon ka lang?"

Napangiti ako ng nag- pouted  siya sa harapan ko kaya hindi ko matiis na pisilin ang malambot niyang pisngi.

"Ate naman ang sakit.."

Napatawa ako ng makita kong namula ang pisngi niya.

"Sorry na baby. Bakit ka nga pala nandito?"

Napakamot siya sa batok niya. Hindi ko alam kung bakit napa-matured ng kilos nito. Ewan ko ba kila mama at papa kung saan ba ito pinaglihi. Four years old palang at ganito na kung makaasta.

"Umm.. Ate tulungan  mo nga ako  kunin yung juice sa refrigerator. Hindi ko kasi maabot."

Napanguso naman ako sa paraan ng pagsabi niya sakin. Napakainosente.

"Sige pero kiss mo muna si ate." 

Hinanda ko na yung pisngi ko na hahalikan niya. Mukhang nagdalawang isip pa siya kung hahalikan niya pa ako o hindi ..

Napatawa nalang ako sa kinilos niya.
Maya-maya naramdaman ko hinalikan  niya ako. Kaya agad ko siya hinigit at binigyan ng kiliti.

"Hahahahaha ...ate ... T-tama n-na... Hahaha .. I h-hate y hahahaha ... Stop it .. Hahaha .."

Hindi ko tinigil ang pagkiliti ko sa kanya dahil nakakatuwa lang siya tignan. Halos mangamatis na ang itsura niya sa sobrang pula ..

Ang saya ko at may ganito ako kapatid na kagwapo.

***************

First day ng 1st sem namin ngayon .. Kakagraduate ko lang ng isang taon ng High school  pero same parin ang school ang pinapasukan ko  dahil kumpleto sila ng Elementary, high school at college.

Business administration ang kinuha ko. Parehas din kaming tatlo nila Cristal at Marie.

Kaya ng nagsimula ang first subject at wala kami ginawa dahil siguro first  day palang pero yung second subject ay nagkataon nagpakilala kami sa isa't - isa.

Medyo boring nga eh.

Kaya ngayon ay naisipan namin maglibot kaming tatlo sa buong building ng business administration. Malaki ang school na ito kaya  kapag bago ka lang ay mahihirapan ka hanapin ang daan kung saan ka pupunta dahil sa sobrang lawak.

May nakasalubong kaming grupo ng mga babae at hindi sinasadyang may narinig ang dalawang kong kasama ..

"Wait .. Tama na narinig ko? New student sa business administration ? "

Nairap nalang ako ng dumali na naman ang pagiging gossip girl ni Marie.

"Yup.Fourth year. So, graduating na pala siya ?"

Hindi na ako nakisali sa usapin  nilang dalawa dahil hindi naman ako interesado sa pinagusapan nila.

Ano naman ngayon kung may new student?  Wala parin naman pinagbago kung may bago o wala.

Hindi naman importante iyon ..

Napagdesisyon namin pumunta muna sa canteen pero laking gulat namin ng may malakas na tilian at maraming tao na para bang may pinagguguluhan sila.

"Omg , Ano meron?" Tanong naman ni Cristal.

Napairap na naman ako ng mapansin kumikinang yung mga mata niya. Kahit kailan talaga masyadong mababaw yung romantic sa katawan

Konting  bagay kinikilig na.

"Tara tignan natin ?" Yaya ni Marie.


Tatanggi sana ako pero hinigit nila akong dalawa at pumunta kami sa pwesto na para makita namin kung ano o sino ang pinagkakaguluhan nilang lahat.

Pero laking gulat ko ng makita ko pinagkakaguluhan nila ..

B-bakit siya  nandito?

"S-siya  ba iyon?"

"Oo siya nga si ano..."

Halata din sa boses ni Marie at Cristal ang pagkagulat dahil miski silang dalawa hindi magawang  matapos yung sasabihin nila .


Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin siya sa direksyon namin...

"S-si .. N-novem.?"




BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveWhere stories live. Discover now