Chapter 30

7.1K 253 37
                                    

Mikaela Pov...

"Myka okay ka lang ba ?"

Hindi ko parin maintindihan kung bakit pati sa paniginip ko nakikita ko si Novem.

Naguguluhan ako.

"Myka. "

Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Tama  ba na hayaan ko nalang siya sumuko  sa'kin ng kusa?

"MYKAAA!!!!"

Napasinghap ako  ng sigawan na ako ng dalawa mismo sa taenga ko. Tinignan ko silang dalawa ng  masama kaya napatawa silang parehas. Minsan naiisip ko silang dalawang ay palaging panira ng moment.  

Kitang may iniisip pa yung tao.

"Ano ba problema mo Myka?"
Tanong sa'kin ni Cristal habang kumakain ng hamburger niya.

"Kanina pa kaya kami nagkukuwento dito tapos hindi ka pa nakikinig. Masyado kang lutang eh. Sino o ano ba talaga ang iniisip mo." Tanong din ni Marie sa'kin. Hindi ko alam kung tama ba sabihin ko sa kanila  yung nangyari kahapon sa amin ni Novem pero naguguluhan ako.

Napabuntong hininga ako tsaka  sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako masaya ng sabihin niya aalis siya pero diba dapat maging masaya ako dahil wala siya ? Pero talagang may part sa'kin na ayoko siyang umalis.

Tumingin ako sa dalawa dahil  napansin ko ang mga kakaibang tingin nila.

" Bakit ganyan ang mga tingin nyo huh?" sambit ko habang nakataas ang isang kilay ko.

"Siguro may tinatago ka sa amin ano?!"

Kumunot ang noo ko ng sabay sila magtanong sa'kin na para bang may nagawa akong kasalan dahil sa way ng pagsasalita nila.

"Siguro naguguluhan ka sa nararamdaman mo para sa isa."

"O Di kaya mas mahal mo yung isa pero yung isa hindi mo mahal ano ?"

Napahilamos ako ng mukha dahil sa mga pinagsasabi nila. Napangiwi ako ng parehas nila hampasin yung lamesa at unti-unti nila nilalalapit ang mukha nila sa'kin  kaya wala ako nagawa kundi umatras.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa. Napalunok ako ng maraming beses ng tignan nilang akong dalawa ng masama.  Ano ba nangyayari sa kanilang dalawa?

"Ano Myka umamin ka  sa amin sino ang mas mahal mo si Nathan o si Novem?"

Napabuga ako ng hininga at inirapan  silang dalawa. Kahit kailan talaga wala silang magawa sa buhay.

"Mga baliw  na ba kayo ? Kahit kailan talaga walang kwenta ang mga pinagsasabi nyo!" Inis na sabi ko sa kanila. Napasimangot silang dalawa at bumalik sa pagkakaupo nila.

"Ano ba naman yan Myka akala namin  matatakot ka."

"Kaya nga sayang effort natin Cristal."

Napailing nalang ako at bahagya nagcrossed arm sa kanilang  dalawa.

"Hi babe.
"

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Nathan ng napansin ko hahalikan niya ako umiwas ay agad ako kaya kumunot ang noo niya.

"Uhmm... Myka alis na kami huh?"

"Oo nga naalala pala namin na may pupuntahan kami."

"Ano bakit hindi niyo ako isama " naiinis na sambit ko sa kanilang dalawa. Nginitian lang nila ako at nagsign na kailangan  daw nila umalis. Napailing nalang ako ng umalis na sila sa Canteen.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon