chapter 27

7.3K 228 24
                                    


Mikaela Pov..

"Ate mukhang nagkakamali ka. Hindi po ako si Chelsea."

"Sus ano ka ba? Huwag ka nga magbiro ng ganyan ." nakangiti niyang sabi sa'kin . Nagulat ako ng tumabi siya sa'kin at pinagmasdan ako kaya medyo nailang ako.

"Kamusta na kayo ni Novem?''panimula niya.

Umiling ako."Ate aaminin ko napagkakamalan din ako na si Chelsea pero hindi talaga ako siya .. " sambit ko .

"Pero feeling ko imposible .. Dahil kamukhang-kamukha mo siya nagulat nga kami na hindi siya pumunta sa kasal dahil sumama siya kay Novem tapos hindi namin inaasahan na maaksidente kayo." malungkot na pahayag niya.

Hindi ko inaasahan na ikakasal pala si Chelsea pero bakit naman hindi si Novem yung pinakasal niya ?

"Pasensya na kung napagkamalan kita si Chelsea pero sa totoo lang kamukha mo siya eh ang kaso may pinagkaiba lang kayo ng style sa pangangatawan." Sabi niya habang tinitignan ang buong katawan ko. 


"Alam mo nagkaroon ng anak sila Novem at Chelsea." Sambit niya.

Napatungo nalang ako. Kaya pala pati si Zhe eh napagkakamalan niya na anak ko.

"Pero nabuhay ba ang anak nila?". Hindi ko maiwasan magtanong sakanya.

"Sa tingin ko hindi dahil two months palang ang dinadala niya bago nangyari yung car accident na iyon .. Tsaka nakakalungkot lang dahil namatay si Chelsea at si Novem naman nagkaroon ng amnesia .." Sambit niya.

" Hindi ko nga alam kung paano nalang kung bumalik ang alaala ni Novem sa paanong paraan niya kaya ito tatanggapin ?" Dagdag niya.

Napayuko nalang ako. Sa sinabi niya sa tingin ko sobrang nahihirapan si Novem dahil hindi niya matanggap na nangyari iyon sa pinakamamahal niya. Well hindi ko naman siya masisisi kung bakit piliy niyang pinipilitan na ako talaga si Chealsea.

"Ashh .. Kanina pa pala ako nagdaldal dito .. I'm Shiela and you are?"

"Mikaela.."maikling sambit ko sabay abot sa kamay niya.

" Sigurado ka ba na hindu ikaw si Chelsea ?" Tanong niya ngumiti ako.

" Oo hindi talaga ako si Chelsea .."

"Pero teka lang nakakapagtaka naman yata. Ano naman ang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya.

"Huwag mong sabihin nakilala mo na siya ?"

Napabuntong-hininga ako at marahan na tumingin sakanya. Mukhang nabasa niya ang mga tingin ko sakanya dahil bigla siya napatili.

"Omg .. Huwag mo sabihin nagkita kayo?" Tanong niya. Tumungo lang ako sakanya.

"Sa totoo lang nakilala ko na siya ng wala pa siya maalala sa lahat ng mga nangyari. Sa totoo lang naging close din kami dahil iisa lang ang school ng pinapasukan namin." sambit ko.

Nakatingin lang siya sa'kin habang inaantay ang sasabihin ko.

Napabuntong-hininga nalang ako." So kaya ako nandito dahil pinapakita niya kung paano sila nagkita ni Chelsea sinabi ko naman sa kanya na hindi talaga ako si Chelsea pero ayaw niya maniwala.."

"Ang ibig sabihin ba bumalik na yung alaala niya?" Tanong niya. Tumungo lang ako.

" Bakit ayaw niya maniwala eh nakilala nyo naman ang isa't-isa bago bumalik ang alaala niya ?"

"Sa totoo lang, sa kinikilos niya ngayon parang hindi niya naalala na matagal na niya kilala. Hindi ko nga alam kung ano dahilan kung paano bumalik ang alaala niya."

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon