chapter 6

8.3K 240 24
                                    

Myka POV.

Thankful ako dahil Saturay ngayon. Ilang araw ko din iniiwasan si Novem after nangyari ng pagsampal ko sa kanya.

Maaga ako nagising dahil may appointment sila mama at papa para yata sa resort namin  kaya ngayon ako nagbabantay sa cute cute kong kapatid.

"Zhel diyan ka lang  huwag ka lumayo." Sigaw ko sa kanya.

Kasulukuyan kasi naglalaro siya nagbola sa tabi ng dalampasigan habang ako busy sa pagrereview sa quiz namin sa monday. Bilis hindi ba?

"Aray.."

Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Zhel kaya dali-dali ako pumunta sa pwesto niya.

"Okay ka lang?'

Napakagat ako ng labi ng makita kong may sugat siya sa tuhod.
Malalagot ako kay mama nito. Napansin kong may mga paa sa harapan ko pero hindi ko nalang  pinansin dahil ang atensyon ko ay nasa kapatid ko.

"Sorry hindi ko kasi---"

"Laki ng mata mo hindi mo nakita?"

Napatunghay ako at laking gulat ko ng makita ko siya. Ano ang ginagawa niya dito?

"Sorry."

Napangiti siya at napakamot sa batok na tila nahihiya pero napairap ako dahil sa ginawa niya .

"Ano ginagawa mo dito?" Inis kong sabi sa kanya hanggang dito ba naman makikita ko ang siraulong ito.

"Ano ba ginagawa sa resort? Ofcourse outing with my friends.."

"An----.."

"Ate magkakilala ba kayo?"

Napasulyap ako kay Zhel. Napahampas ko ng noo ng napagtanto ko na nandito nga pala ang kapatid ko.

Dali-dali ko siya tinayo at pinagpag ang short niya.

"Hindi baby. Wala kasi kilala ang ate mo na pangit."


"Pangit?"

Tila napatingin siya kay Novem at tinignan ito ng maigi. Napailing nalang ako ng ngumiti si Novem kay Zhel.

"Hindi naman ate actually gwapo nga siya hindi tulad ng boyfriend mo mukhang Piggy !"

Hindi ko naiwasan mapatawa ng konti dahil sa inasta ni Zhel. Bahagya pa siya nakacross arm at umiiling.

"Piggy?"

Napairap ulit ako ng magtanong si Novem.

"Opo ..si kuya Piggy Nathan.. Kung hindi lang naawa si ate---"

"Tama na yan Zhel. Tara pasok na tayo sa loob."


Akmang hahawakan ko si Zhel sa braso ng tumakbo siya at pumunta sa likod  ni Novem.

"Naawa para saan ?"

"Huwag ka nga sismoso. Zhel tara dali?"  nang lalapitan ko ulit siya ay bigla pumunta si Zhel sa kabilang gilid.

" pero gusto ko makipaglaro kay kuya!"

Umiling lang ako at hindi sinasadyang napasulyap kay Novem na sobrang laking ngiti.

"Busy yan kaya tara na!!"

"Actually hindi naman ako busy."

Pinaglakihan ko siya ng mata pero wala na akong nagawa ng nagyehey na si Zhel.

"What is your name ba kuya?"

"I'm kuya Novem .. Ikaw"

" I'm Zhelorus Valdez."

Napangiti ako ng konti ng makita ko paano magpakilala si Zhel kay Novem.

" Nice name. So, sa'yo pala itong resort?"

"Yeah.." Bored kong sabi.

Napacross arm ako ng ngumiti siya sa sa'kin. Hindi mo ako mahuhuli or maakit sa ngiting yan.

"Tara kuya laro na tayo!!"

Wala na ako nagawa ng  maglaro na sila. Siguro sa pagkakataon na ito  hayaan ko muna si Zhel na maglaro sa Novem na iyon tutal ngayon lang naman nakipaglaro si Zhel sa ibang tao.

Kaya bumalik na ko sa bench na pinaguupuan ko kanina pero nakailang minuto palang lumipas ay halos hindi na ako  makacontrate  dahil sa tawa ng naririnig ko sa kanilang dalawa.

Napabuntong hininga nalang ako habang nagrereview. Napailing ako at hindi sinasadyang mapasulyap sa dalawa.

Hindi ko napigilan mapatawa ng makita ko tumatawa  si Zhel.  Grabe  ngayon ko lang nakita si Zhel na tumatawa ng wagas sa ibang tao.


"Feeling ko tuloy mag-ama sila tignan."

Napatigil ako sa pagtawa ng sabihin  ko ang katagang iyon. Bakit ba naisip ko ang salitang iyon? Gosh, kung ano-ano ang pinag-iisip ko.

Nagulat ako ng lumapit si Novem sa pwesto at nagtago sa likod ng bench.

"Hoy ano ba ginagawa mo diyan huh?" Inis kong sabi sa kanya baka kasi ano gawin niya lalo na may pagkamanyak pa naman nito.

"Shhh, Huwag ka maingay." pabulong ang pagkakasabi niya kaya hindi ko nalang siya pinansin.

"Ate ate nakita mo ba si kuya Novem ?"

Ngumiti ako pero bago pa ako makapagsalita ay lumabas si Novem sa pinagtataguan niya at ginulat si Zhel.

Halos mapatawa na din ako ng  nagharutan na sila.

"Baby halika dito may sasabihin ako.."

Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi niyang baby. Bakit napakafamiliar sa'kin yung pagkasabi niyang baby?

Baby I love you so much.

Bahagyang sumakit konti ang ulo ko pero nawala din agad. Bakit ba sa tuwing nasakit ang ulo may naririnig akong boses ?

Napasinghap ako ng batuhin nila ako ng basang buhangin.

"Aba!"

Napakagat ako ng labi at nag ready na batuhin din sila pero nakaiwas din sila.

Wala na ako nagawa ng tumakbo silang dalawa at binuhat ni Novem si Zhel. Napairap ako tsaka tumakbo  pero sadyang mabilis si Novem tumakbo kaya hindi ko sila naabutan.

Napatigil ako saglit upang magpahinga dahil napagod ako sa kahahabol sa kanilang dalawa na hindi ko naman din naabutan.

"Hahaha ate loser ka pala eh !!" kumunot ang noo ko ng binulungan  ni Novem si Zhel.

"Ate kita daw po yung cleavage niyo!!"

Napalaki ang mata ko ng sabihin iyon  ni Zhel. Shucks! Nakalimutan ko nga pala nakasando lang ako at nagawa ko pang yumuko.

Marahas kong tinignan si Novem dahil tumatawa pa siya.

"Ang manyak mo !!!"sigaw ko sa kanya. Kaagad ko sila hinabol pero laking gulat ko na pumasok sila sa cottage.

Hingal na hingal ako pumasok sa cottage pero laking gulat ko ng nakatingin sila lahat sa'kin.

"Grabe ka pre may chick's ka agad at guess what may anak na!"

Naiinis ako sa sinabi ng lalaking maputi at naka half naked pa. Buti nalang si Novem na kasando. Gosh ano ba pinagsasabi ko?

Naagaw ang pansin ko du'on sa lalaking  mukhang gulat na gulat  at  napangiwi ako ng nabasag niya ang dala niyang baso na siyang dahilan ng kinagulat ng lahat.


Parang sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko nalang ang sarili ko yakap-yakap ng lalaking iyon.



"Chelsea salamat sa Diyos at buhay ka."


BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon