Chapter Twenty-Seven: Moment Of Truth

6.7K 93 8
                                    

Chapter Twenty-Seven

Note: Eto, note ulit ako. As I am typing this update, sobrang lakas ng ulan at hangin dito sa Cavite. Hindi ko alam kung matatawag bang blessing in disguise na maaga akong umuwi kahapon at hindi na ako nakapasok kanina sa school, I hope you guys are all okay, especially sa readers na taga Visayan Region. Just keep on praying, the sun will shine soon. Godbless you all and stay safe! :)

Dedicated to BitchCee :)

Last guys, your comment also about this chapter! :)

Love, Paminta :)

--

TWO DAYS LATER | DAY OF CELESTIAL NIGHT

"Maupo ka nga, KC. Utang na loob." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kuya ko na naglalaro ng PSP sa couch. "Ako yung nahihilo sa'yo eh. Tsk." Dugtong niya ng nakakunot ang noo.

Napabuntong-hininga ako. Sungit talaga ng isang 'to. Pareho-pareho ni Lance. Tss.

Tumingin ako sa orasan, ten minutes nalang magseseven o' clock na. Malapit nang dumating si Lance. Mas lalo tuloy akong kinakabahan!

=_=

"KC, hija, why don't you sit down? Magugulo ang damit mo." Inalalayan ako ni mommy paupo sa single-seater sofa.

Sa totoo lang, kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko rin alam kung bakit. Para bang may fireworks sa loob ng sikmura ko, kinakabahan ako na hindi ko maexplain. Alam niyo naman na ayoko talaga pumunta sa Celestial, pero iba na ang sitwasyon ngayon.

"KC, nandito na si Lance."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si daddy na papasok sa bahay kasunod si Lance.

Ayan na naman ang puso ko. Daig pa ang may karera ng kabayo. Bakit ba ganito ang epekto sa akin ng Lance Go na 'to? -___- I hate the feeling but I love it as well. Ano daw? Medyo magulo.

"Good evening." Magalang na bati ni Lance. Napasmirk ako. Sus! Kapag sa akin, lagi akong binubully.

"Lance, take care of my princess, okay?" Bilin ni daddy bago kami sumakay sa kotse ni Lance. Tinapik pa siya nito sa balikat. Wow, close na close na ata sila.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now