Chapter Twenty-One

6.2K 93 5
                                    

Chapter Twenty-One

Alice's POV

"Hello! Earth to KC!" Kumakain kami ng barkada ngayon sa cafeteria at si KC ay kanina pa nakapatong ang ulo niya sa table.

Ang kwento niya kasi kanina, naabutan daw sila nina Tita Sarah ni Lance na gabi na umuwi. Hindi raw niya alam na ngayon pala ang uwi ng mga ito.

"Anong base ba, KC?" Tanong ni Mir.

Napaangat ng ulo si KC at tumingin kay Mir. "Base?" Clueless na balik-tanong nito. "Hindi ko alam pero may sinabi si Lance about jackpot?"

Sabay-sabay namang natawa yung tatlong lalaki at nag-high five.

"Ano ba kasi yun?" Impatient na sabi ni Bessy.

Tumikhim si Thunder. "Alam mo kasi, Kristina, ang jack---" Hindi na natuloy yung sinasabi ni Thunder dahil pinalo ko siya ng tray. "Aray naman, Alice!" Sabi nito at hinimas himas yung nasaktang braso.

"Wag kang makinig sa mga yan, bessy!"  Humarap ako kay Thunder. "At ikaw naman! Wag kang masyadong pasimuno nang kalokohan."

Sumipol sila G.O. at Mir. "Naks, may namumuo."

"Ano?!" Sabi ko sa kanila.

"Wala, may namumuong bagyo sa pacific ocean diba, G.O.?" Baling nito sa kaibigan.

Nagulat kaming lahat ng tumayo si KC.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mir.

"Hahanapin si Lance. See you all later!" Tumalikod na ito at naglakad na palayo.

"Masama na ang tama nun." Komento ni G.O.

Mukhang tinamaan na nga si Bessy kay Lance. I just hope na hindi siya saktan ni Lance, kasi hindi rin naman din natin masabi kung anong pwedeng mangyari in the near future diba?

---

KC's POV

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon