Season Two: Twenty-Second

4.8K 76 3
                                    

Season Two: Twenty-Second

Nagkayayaan ang barkada na mag-night out dalawang gabi bago dumating si Lance. Sayang nga at wala siya, ayan tuloy, he's missing all the fun! Sa totoo lang, nag-aalala na din ako dahil buong araw siyang hindi tumawag, naisip ko nalang na baka sobrang busy at pagod dahil business summit pala iyong pinuntahan niya sa Japan.

Pumunta kami sa isang bar malapit sa opisina nila Thunder at Alice. It's a jazz bar, casual drinking at talagang kwentuhan ang ambience ng lugar na yun.

"Parang ang tagal na nating hindi nagkitang lima." Kwento ko at sumandal sa upuan.

"Ikaw kasi, masyado kang busy eh." Sabi ni Mir na natatawa habang iniinom ang inorder nilang tequila shots.

"Busy na busy kamo kay Lance!" Tawang-tawa na sabi ni Alice. "Nasaan nga ba ang boyfriend mong yun?"

"Ha? Di ba Alice sabi--- Aray! Bakit ka ba naniniko?!" Medyo badtrip na sabi ni Thunder.

"Naku, bessy!" Kinaway-kaway ni Alice ang kamay niya sa harap ko. "Huwag mong iniintindi si Thunder at isang linggo na yang mulat." Umiiling-iling na sabi ni Alice.

Natawa ako sa kanila.

"Excuse me."

Napatingin kaming lahat kay G.O. na tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa sulok ng bar kung saan hindi masyadong naabot ng ilaw.

"Saan pupunta yun?" Tanong ko sa kanila.

"Baka mag-si-cr." Sagot ni Mir bago binalik ang atensyon sa kumakantang babae sa stage.

"Ikaw napakaingay mo!" Naulingan ko na sabi ni Alice kaya bahagya akong lumingon sa kanya.

"Sorry!"

"Surprise nga yun!"

"Alin ang surprise?" Singit ko.

Gulat na napalingon sa akin si Alice at Thunder at sabay na umiling.

Napakunot ang noo ko sa inakto nilang dalawa. Mukhang may something o nag iimagine lang ako?

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon