Season Two: Eighteenth

4.9K 78 0
                                    

Season Two: Eighteenth

"Wake up, mommy!"

"Hmm.." I turned over to the other side at hindi pinansin yung boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Mommy!"

"Five minutes..."

Mukha namang naintindihan ng kung sino mang makulit na nilalang na yun ang hiling ko at hindi na siya nagsalita ulit, pero sa di kalayuan, may naririnig akong mga nagbubulungan at hagikgik ng isang bata. Lord, minumulto na ba ako? Please, Saturday naman po eh. Let me sleep some more. Sobrang napuyat lang po talaga ako kagabi.

"Rise and shine, babe! It's a beautiful Saturday morning!"

Naramdaman ko na may humila sa akin patayo. Antok na antok akong tumingala para tingnan kung sino yun.

"Lance..."

"Get up, you sleepyhead! Aalis tayo!"

"Goodness! It's a Saturday, I'm going back to bed." Sabi ko sa kanya sabay bumalik sa pagkakahiga. Who would want to wake up so early in the morning on a Saturday?

Please.

"What will I do if mommy doesn't get up, Danica?"

"Mommy! Please wake up na, or else, daddy will kiss you!"

Bahala kayong magkapatid diyan, sleep is more precious to me now, kahit mahal ko kayong dalawa. Hihi.

"Come on, Kristina..." Sabi ni Lance.

Naramdaman ko na lumubog ang may dulong bahagi na parte ng kama ko.

"Five minutes nalang." Usal ko.

Maya-maya, may isa pang sumampa sa kama ko at tumalon-talon. Jeez! Hindi talaga magkakaila na magkapatid ang dalawang 'to, kung hindi mo alam na adopted si Danica, mapagkakamalan mo talagang magkapatid silang dalawa dahil kapag sa kakulitan, pantay na pantay ang lebel nilang dalawa.

"Alright! Tatayo na ako!" Gulong-gulo pa ang utak ko ng bumangon ako sa kamay at tumingin sa kanilang dalawa na ang lapad ng ngisi sa akin.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon