Chapter Thirty-Nine

5.9K 92 6
                                    

Note: Hi! This is a treat from me to you my lovely readers, I just got home from my capping ceremony while typing this update, I went home from my school kasi nga wala akong internet sa dorm, which sucks. Huhuhu </3

So ayun, salamat po sa mga nagbabasa andddd this chapter is dedicated to ImTheIcePrince, hello sa'yo! Pasensiya na at nadelay ng one chapter kasi di ako makaayos ng UD kahapon sobrang pagong ng internet ko sa Manila.

At dahil jan, mahaba ang chapter na 'to.

Godbless you all!!!

- Pepper

--

Chapter Thirty-Nine

KC's POV

Mag-hapon kong iniwasan si Lance, sorry, may karapatan din naman akong mag-inarte eh. Nakakainis kasi siya, sobrang protective na hindi mo malaman. -_- Kaya ayun, inubos ko nalang ang oras ko sa pag-s-stroll sa beach at nagpamassage at nagpaspa ako para hindi ko makakrus-an ng landas si Lance Gabriel Go. Bahala siya sa buhay niya.

6 o' clock na ng gabi, at dahil December, mabilis dumilim. Wala pa akong balak na bumalik sa bahay nila G.O., mamaya nalang siguro, pero baka kasi hanapin nila ako. Bahala na. Lumapit ako sa may shore at naupo doon bago binuksan ang kaninang binili kong chips at calamansi juice.

Napahinga nalang ako ng malalim. Ang babaw siguro kung bakit ako naiinis kay Lance, pero ewan ko, basta nainis ako bigla sa kanya.

Ang babaw din naman kasi ng dahilan.

Bakit ka pa nagpunta sa Boracay kung hindi ka din pwede magsuot ng ganun diba?

Man, what a birthday. -_-

"Hey..."

"Get away, Lance." Akala ko si Lance yung tumawag sa akin.

Humarap ako sa kanya dahil naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko, pero mali pala ako, hindi pala si Lance yung umupo sa tabi ko kaya napaurong ako palayo. Sino ba 'to? Close ba kami?

"Sorry, alam kong nagulat kita pero kanina ko pa kasi napapansin na malayo ang tingin mo." Medyo nakangiti na sabi nito, tila nabasa niya ang nasa isip ko.

Tiningnan ko naman siya. Isa lang ang masasabi ko: ANG DAMI NIYANG TATTOO. Ano bang akala niya sa katawan niya? Papel? Tss. Hindi naman sa ayoko sa mga taong may tattoo, in fact, maganda ang tattoos pero kasi kapag sobrang dami na, parang hindi na siya magandang tingnan at toxic yun sa dugo, sa pagkakaalam ko.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now