Chapter Twenty-Eight

5.7K 87 3
                                    

Chapter Twenty-Eight

Alice's POV

"Alice, ba't parang gusto mong lapain yung mga babaeng nagpapapicture kay Thunder?"

Napalingon ako kay Mir. Katabi ko na pala siya. Kanina ko pa din hinahanap si bessy, pero bigla nalang silang nawala ni Lance. Saan kaya dinala ni Lance Sungit Go ang bessy ko?

"Ha? Hindi ah!" Nag-iwas ako ng tingin kay Mir. Eh ano naman kung maraming nagpapapicture kay Thunder? Bahala siya sa buhay niya. As if naman na gusto ko talaga siyang maging partner?

=_=

"Alice, shall we dance?" Nag-angat ako ng tingin at napamaang nang marealize ko kung sino yung nagyaya sa akin.

Gilbert Ostin FREAKING Esquivel! Or G.O. for short! Oh my gosh, this is a dream come true!!!

"S-sure." Sabi ko bago ko inabot yung kamay niya.

Slow dance eh. Best celestial dance ever! Waaaaah. Grabe ang sarap talaga sa feeling kapag kasayaw mo yung dream crush mo!

Grabe parang buhol-buhol na yung intestines ko sa loob ng sikmura ko! Oh my, pigilan niyo ako baka malusaw ang tuhod ko.

"Ehem..." Napadako ang tingin ko sa nag-ehem. Isa siyang napakalaking asungot sa buhay ko!

"G.O., pare." Tinapik ni Thunder si G.O. sa balikat.

"Of course, dude." G.O. let go of my waist.

Ay, Thunder! Patatamaan talaga kita sa kulog! I swear! Moment na namin ni G.O. 'to eh! -___-

"Akala ko ba ako ang date mo?" Tanong sa akin ni Thunder.

Umismid ako sa kanya. "Bakit kung kani-kanino ka nagpapapicture? Tss."

"Nagseselos ka ba?"

"Ako? Hahaha! Joke ba yan?" Sabi ko tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Nagseselos ka nga." Affirmative na sabi niya.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon