Chapter Eight

7.7K 120 2
                                    

Chapter Eight

KC's POV

Pagkatapos ng insidenteng yun sa bahay nila Lance ay naging pahirapan ang pagpasok ko sa school. Una, nahihiya ako kay Lance. Pangalawa, walang tigil sa pag-aasar sa akin si Alice. Buong araw para akong may kasamang recorder na paulit-ulit na kinukwento sa akin yung nangyari.

*FLASHBACK - LANCE'S HOUSE*

"Waa! Sorry!Agad na sinara ni Alice ang pinto at ako naman ay natulak ko bigla si Lance kaya bumagsak siya sa sahig.

"Hala, sorry, Lance!"

"Tsk." Sabi nito sabay tumayo at pumunta sa banyo.

Hala, ano ba yun kasi?

Bago pa ako abutan ni Lance sa sofa ay nagmamadali na akong lumabas. Naabutan ko naman si Alice dun na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Parang nakajackpot.

*END OF FLASHBACK*

Masakit man sa puso ay nakatayo ako ngayon dito sa harap ng classroom para i-announce ang mga dapat dalhin sa outbound trip namin sa Friday.

Isa lang din ang naiisip ko kapag sinasabi ang salitang outbound.

OUTBOUND = LANCE GO

I cleared my throat before speaking. "Guys, please take note of these things that are REQUIRED to be brought on Friday." And the list goes on and on and on and on. Pagkatapos ko magsalita ay napasulyap ako sa side ni Lance. As usual, nakatingin lang siya sa bintana. Tss. Weird.

Lunch time. Kasama ko sila Thunder, Mir, G.O. at si Alice. Si Alice na hindi nagsasalita dahil nandito si G.O., nako, dapat pala lagi ko nalang sinasama sila G.O., para matahimik ang buhay ko kay Alice. Hahaha, joke.

"Malapit na ang outbound..." Parang maiiyak si Mir nang tingnan ko siya.

"Oo nga! Excited na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Huwaaaaaa~ KC, di ako makakasama!"

Nagulat ako kay Mir. "WHAT?! Bakit?"

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now