Season Two: Fifth

4.6K 78 2
                                    

Season Two: Fifth

Four Years Later

"Jeez, woman! If I had known, sana hindi nalang ako sumama dito sa'yo pauwi." Reklamo ni Clay habang binababa niya ang isang kahon na puro gamit ko dito sa loob ng condo unit ko sa Makati. Yung condo unit na regalo sa akin ni daddy nung pasko, nung highschool ako. As you all know, dito rin nakatira ang ex-boyfriend ko, which, I DON'T CARE kung dito siya nakatira. Please.

"Sino ba naman kasi nag-sabi sa'yong sumama ka sa'kin pabalik?" Tinaasan ko siya ng kilay bago ko hinarap ang laman ng box na galing pa sa New York. Yes, I'm back in the Philippines for good. Masyado na rin akong nag-sawa sa New York so I decided to come back. Besides, I miss my home country.

"Hey! Nilagay ko yung halaman mo dito sa labas!" Sigaw ni Clay.

Halaman? Ah, that! Please remind me next time to throw that plant away. Hindi ko na kailangan nun.

"Clay!" Tawag ko sa kanya.

"What?"

"When's Flip coming here?"

"I don't know! Am I her keeper?" Masungit na sabi nito. Sus, palibhasa nag-away silang dalawa. Alam niyo, a lot can happen in four years. Tulad ni Clay at Flip. Sila na, two years ago. Para rin silang Alice at Thunder, and speaking of those two, busy sila ngayon. Kakapasa lang kasi nila sa board exams. I'm really happy for them!

For the last four years, I busied myself in the fashion industry. During the first few months na wala si Lance sa buhay ko, aaminin ko, it was a struggle but Clay has always been there for me, and Flip and my friends and family. I took a big u-turn with my life and I am no longer the old KC. The old KC who depends on people, the old KC who is meek and soft-spoken. I am now KC, the bolder and fiercer one. What... Hahaha! It seems like I'm promoting an album, but hell yeah, I'm not the old KC anymore, so rejoice and be merry! Wala na rin akong naging balita kay Lance, not that hindi nila sinasabi but because I did not bother asking. Kung may anak na ba sila ni Elise o kung ano man. The hell I care.

Pero aaminin ko, may mga pagkakataon at panahon na nakikita ko ang sarili ko na lunod sa katanungan kung bakit basta nalang siyang umalis ng ganun. Pero mukhang wala na rin naman akong magagawa dahil ginusto niya yun, at ako? Ako lang naman ang girlfriend niya noon, at si Elise? Yun ang babaeng pinakamamahal niya.

Napabuga ako ng hangin at sarkastikong ngumiti. Naalala ko yung sinabi ni Lance noon nung nasa New York pa kami. We're on that together? Tss. What an ass.

"Your cellphone's ringing for five minutes already, woman." Bungad ni Clay pagpasok niya sa loob ng condo ko. Kahit kailan talaga, panira ng moment eh. Tumayo ako para abutin yung cellphone ko na nakapatong sa upuan.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now