Chapter Thirty-Three

5.6K 88 8
                                    

Chapter Thirty-Three

"Anak, may bisita ka." Sumilip si mommy sa pintuan ng kwarto ko.


Bisita?

Si Lance?


Nah. Imposibleng pumunta yun dito.

"I'll be downstairs in a minute!" Sagot ko sa mommy ko. Nakakapagtaka naman. Sino ang bibisita ng 8 o' clock ng gabi sa bahay on a weekday? Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa study table at nagsuklay ng buhok bago ako lumabas ng kwarto ko at bumaba.

-

"Clay?" Nagulat ako ng makita ko si Clay na nakaupo sa sofa namin habang kausap si mommy. Napasulyap naman sa akin si mommy kaya tumayo siya.


"I'll leave you two alone. Niyayaya ko mag-dinner si Clay, pero kumain na raw siya." Sabi ni mommy bago lumakad patungo sa hagdan.

Lumapit naman ako kay Clay. "What brought you here?" Takang-taka na tanong ko.


Clay just shrugged. "I got bored."


Wow. So, ako na ang puntahan ng mga taong bored sa buhay nila, ganun?


"Very convincing ng reason mo ha." Biro ko sa kanya.

Natawa naman si Clay. Teka, napansin ko lang, may sugat siya sa gilid ng labi.

"Napaano yan?" Tanong ko sa kanya.


"What?"


"Yung sugat sa gilid ng labi mo."


"Nothing."


"Weh?"


"Yeah."


Hindi ako naniniwala. May problema siguro ang isang 'to. I mean, come on, hindi ka basta-basta pupunta sa isang bahay ng kakilala mo pag wala kang problema, not unless siguro kung namimiss mo siya pero sa case namin ni Clay at ako, mukhang malabo yun! Hahaha.


"Let's go outside." Bigla kong sabi tapos tumayo ako sa sofa bago nagpatiuna sa paglalakad.


Tahimik lang naman na sumunod sa akin si Clay. Habang naglalakad kami, nakatingin lang din ako sa langit. Ngayon nalang din ako nakapaglakad dito sa street namin. Minsan pala, nakakarelax din ang ganito. Hindi ka bounded lang sa isang maliit na lugar. Mas nakakatulong para ma-organize ang isip mo. Hay, ano kayang ginagawa ni Lance ngayon? Siguro naglalaro lang yun ng Xbox.

"A penny for your thoughts?"


Napapitlag pa ako ng may biglang magsalita sa tabi ko. Oo nga pala, kasama ko nga pala si Clay.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon