Season Two: Sixteenth

4.7K 99 6
                                    

Season Two: Sixteenth

Alex's POV

Pinaligo ko muna ang kapatid ko, baka mamaya ay matuluyan pa yun ng lagnat, mahirap na. Alam kong sobrang busy niya sa shop at maraming nakaline-up na projects. Kahit hindi naman magsabi sa akin ang isang yun, ramdam na ramdam ko na may malaking problema yan. Nahihiya lang sigurong mag-sabi.

"Kristina..." Marahan kong tawag sa kanya kasabay ng pagkatok sa labas ng pintuan niya.

May tatlong segundo rin siguro bago niya binuksan ang pinto, pumasok ako roon. Siya naman, nag-indian sit lang sa harap ng TV at kahit hindi ko siya tinitingnan ay alam kong wala sa pinapanood ang atensyon niya.

"Alam mo, pwede mo naman kasi akong kausapin." Sabi ko sa kanya at naupo sa tabi niya. "Kapatid mo pa rin ako, Kristina. At kung may magdadamayan man sa mga problema, tayong dalawa na yun." Dagdag ko sabay ginulo ang buhok niya.

Napansin ko na nilalaro niya ang remote na hawak niya.

"Masama ba na ayoko munang marinig ang side ni Lance, kuya?" Mahinang sabi niya habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa remote control.

"Depende. Pero bakit naman ayaw mong malaman?"

Nagkibit-balikat siya. "Pakiramdam ko kasi, kapag nalaman ko yun, mas lalong lalaki ang problema namin."

"Do you think na ang pagtakas mo sa realidad na yun ay mas makakatulong? Didn't it na mas lalo pa kayong nagkakagulo?"

"Hindi ko na maintindihan, kuya. Si Alice, bigla-bigla nalang nagalit sa akin... Parang ako yung lumalabas ng may kasalanan sa lahat. Pero, kuya, hindi naman kasi ganun kadali eh. Four years, kuya. Hindi ba pwedeng mag-adjust muna ako?"

Humugot ako ng malalim na hininga. "May dahilan si Alice... Lance transferred to our university, and they, we've witnessed what really happened to the guy, Kristina..."

Nakita kong kumunot ang noo ng kapatid ko.

"Which is what?" Tanong niya.

"I don't think na ako dapat ang sumagot niyan. Ask, Lance. It's the best way to know everything."

"Pero natatakot ako."

"Walang mangyayari kung palagi kang pangungunahan ng takot, Kristina. All you have to do is be ready and open your heart to all the possibilities. Dahil ang magiging eksplanasyon ni Lance, it could either make or break the two of you. Tandaan mo, acceptance is the key."

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon