Season Two: Nineteenth

5K 70 2
                                    

Season Two: Nineteenth

"Mrs. Elise Dela Cruz?" Tanong ni Lance doon sa nurse sa lobby ng hospital. 

"Hold on for a moment, sir." Tugon ng nurse sa amin then she typed something on her computer then scrolled past a few pages of admission data. "ICU, Unit 4A, sir. Just take the left wing elevator, 4th floor." Sabi niya matapos sulyapan ang monitor ng computer.

"Thanks." Sagot ni Lance.

Naglakad na kaming dalawa patungo doon sa elevator na sinasabi ng nurse. No one dared to speak nang nasa loob na kaming dalawa. Para bang pinagbagsakan kami ng langit at lupa. Why would Elise be in an ICU? Hindi talaga ako makapaniwala. It was just two weeks ago and she was all lively nang kausapin niya ako, although napansin ko nga yung pagbabago sa kanya physically, but I didn't expect for something like this to happen.

Nang makarating na kami sa sinasabing unit ng ICU kung nasaan naroon si Elise, nakita namin ang Governor sa loob ng ICU na nakasuot ng protective gown. Si Elise ay nakahiga sa hospital bed nito. Nakapikit at may nakalagay na oxygen sa ilong nito. Napansin ata ni Governor Dela Cruz na nasa labas kami ni Lance at nakamasid sa kanya kaya sumulyap siyang marahan sa amin, at maya-maya ay lumabas na ito.

"Felix." Sabi ni Lance at sinalubong namin ito. "What happened?"

Sumulyap sa akin ang Governor at marahang ngumiti. Kaya nginitian ko rin siya.

Hindi muna niya sinagot ang tanong ni Lance, bagkus ay dumiretso siya sa may mga benches at naupo roon. Mabuti na lamang at walang tao sa corridor na ito masyado kaya kahit papaano, may privacy kaming tatlo.

"She passed out earlier... The doctors said it was brain hypoxia... The cancer cells metastasized already to her heart and brain, matagal na pala niyang tinigil ang pag-inom ng maintenance medicines niya. Hindi niya sinabi sa akin yun." Pain and disappointment is evident in his (Felix) voice, pero mas nangingibabaw ang sakit doon.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman ko at naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak ni Lance sa kamay ko, dala marahil ng gulat.

"Mr. Dela Cruz?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita, then we saw a nurse.

"What is it?" Tanong ng Governor at tumayo.

Hindi namin narinig kung ano ang pinag-usapan nila at pumasok ulit sila sa loob ng ICU unit. Naiwan kaming dalawa ni Lance doon. He shifted his hand from my hand at inakbayan ako.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now