Chapter Twenty-Five

7.5K 88 2
                                    

Chapter Twenty-Five

 

 

KC's POV

Tumigil yung sasakyan ni Lance sa tapat ng isang building.

"Nasaan tayo?" Tumingin ako kay Lance. Hay, ito talagang isang 'to, kung saan-saan ako dinadala. As if naman na wala kaming klase, tapos ginamit pa niya si mommy para lang mapaexcuse ako sa afternoon classes namin.

Hindi niya ako sinagot, bumaba na siya ng kotse at naunang maglakad. Kita niyo? Hindi ko alam kung bakit ako nagmahal ng isang lalaking SOBRANG GENTLEMAN. Pakipaalala nga ulit sa akin kung bakit ko siya nagustuhan, please. Wala na din naman akong choice kundi sumunod sa kanya.

"Lance! Sandali!" Lakad-takbo na ang ginagawa ko para lang maabutan si Lance. Sobrang bilis maglakad. Grabe.

Pag-abot namin sa may reception area ay may sinabi siyang kung ano sa babae sa likod ng counter, naiwan kasi ako sa may entrance habang hinihingal. 

"Faster, slowpoke." Nakalapit na ulit pala siya sa akin, hinawakan niya ako sa braso at hinila papasok ng building patungo sa elevator na may mga pintong kulay gold. Tahimik lang kami habang nakasakay sa elevator. Nakasandal si Lance sa left side ng elevator at ako ay nakatayo sa gilid. Napatingin ako sa kanya. He just smirked.

Bumukas na yung pinto ng elevator at nauna na siyang lumabas. Nagbuga ako ng hangin para hipan ang bangs ko sa sobrang nawiweird-an talaga ako dito kay Lance. Sumunod na ako sa kanya palabas, tinahak namin ang isang mahabang hallway nang bigla siyang tumigil kaya tumama ang noo ko sa likod niya. 

"Aray!" Reklamo ko sa kanya. Lumipat ako sa gilid niya at may kung ano siyang pinindot sa may gilid ng pinto.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now