Season Two: Fifteenth

4.7K 94 4
                                    

Season Two: Fifteenth

"Oo, papunta na ako. Wait lang. Traffic dito sa C-5... Alright, bye!" 

Ano ba, mga isang oras na ata akong nandito sa C-5. Hindi ako makaexit papuntang Pasig kasi doon ang bahay nila Mir. Buti nalang at naisipan ng barkada na mag-get together ngayong Saturday, miss na miss ko na talaga sila. At oo, hindi pa kami nagkikita nina G.O. at Mir simula ng umuwi ako dito kaya excited na talaga akong makita sila, at ang kanilang itsura! Hahaha! Although nakikita ko naman sila sa mga pictures, pero iba pa rin kapag personal, diba?

Finally, after gazillion years later, umusad na rin ang mga sasakyan. This is one of the reasons kung bakit ayoko rin bumalik sa Pilipinas, the never ending traffic. Kahit saan ka lumiko o dumaan, asahan mo na ang traffic. Sa New York, meron din naman, pero hindi ganito ka-grabe. Yung tipong puputi na ang mata mo bago gumalaw.

"Wow! Akala namin hindi ka na dadating." Sinalubong ako ni Mir at G.O. ng mahigpit na yakap, grabe! Ang tatangkad na nila, parang dati mga three inches lang ang tangkad nila sa akin, ngayon parang nasa 6-feet na ang height nila. Hindi ko na ma-reach!



"Miss na miss ko na kayoooo!!" Sambit ko habang magkakayakap kaming tatlo.

"Kami rin!"

"Hep! Awat na. Kain muna tayo!" Anunsiyo ni Alice.

"Hindi ba natin hihintayin si---" Singit ni Thunder.

Hindi na pinatapos ni Alice magsalita ang boyfriend. "Hindi na, ano ka ba, nagugutom na ako!"

Habang kumakain kami, ang dami naming napag-usapan. Hindi rin pala nagkatuluyan si G.O. at Sarah Alvarez. Nagsawa daw ito dahil pakiramdam niya, pinapaasa lang sya ng babae. Kaya ngayon, focus muna siya sa architectural firm. Sa firm din na yun nagwowork si Kuya. Mukha namang mataas na ang posisyon nilang dalawa dahil big time ang sasakyan ni G.O.

"Ikaw, KC, kamusta ka sa New York?"

I was about to answer ng maunahan ako ng kung sino man na nagsalita sa may pintuan.

"I'm sorry, I'm late."

Tumayo si Thunder at sinalubong ang bagong dating.

"Lance!"

Nanigas ang likod ko at napatigil ako sa paghiwa sa steak ko sa narinig kong pangalan. Bakit hindi sinabi ng barkada na pupunta siya dito?

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now