Chapter Twenty-Nine

6K 90 13
                                    

Chapter Twenty-Nine

 KC's POV

"Ano bang gagawin natin?" Clueless na tanong ko. Sinundo kasi ako ni Lance ng 3 o' clock sharp tapos nilagyan nya ako ng blindfold. Yung totoo? -__-

"Gagawa ng baby." Seryoso ang boses niya.

"Ang pervert mo talaga!" Kinurot ko siya sa braso.

"Stop it. Kapag hindi ka tumigil, pakakasalan talaga kita."

Sabi ko nga, titigil na ako.

"Sleep. It'll be a long drive."

Ang tagal bago kami dumating sa kung saan man. Sobrang namamawis na yung paligid ng mata ko. Which is yucky. Naramdaman ko lang na nandito na kami nang biglang ihinto ni Lance ang kotse niya.

Inalalayan ako ni Lance pababa ng kotse tapos pumaikot sa bewang ko yung braso niya nang makalabas kami kotse.

"Don't move." Sabi niya. Siguro naglakad kami for about thirty steps before niya ako pinatigil. "I'll remove your blindfold now."

Naramdaman ko na unti-unting lumuwag ang pagkakatali ng panyo sa likod ng ulo ko. Tinanggal ko agad yung tela mula sa mga mata ko.

A garden of blue roses greeted me.

"So, do you like it?" Nilingon ko si Lance.

"What?"

Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"This is for you, KC." Sabi niya sa gilid ng tenga ko. I could feel his breath.

"For me? How? I mean..." Nagtataka ako, paano niya 'to nabili? I mean, there's no doubt na mabibili niya 'to but where did he get the money from?

"Don't worry about that. I used my own money."

Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang masyadong nagiging mabilis ang lahat, parang nakakatakot.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon