Season Two: Eight

4.4K 81 3
                                    

Season Two: Eight



Naalimpungatan ako sa nag-d-doorbell. Kinapa ko pa ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. Ugh. Anong oras na ba? Wala pa ring tigil ang doorbell. Jeez! Sino ba yun at kung makadoorbell eh parang ngayon lang nakakita ng doorbell? For goodness' sake! It's just 9 o' clock in the morning at bandang 4 na ng umaga ng makauwi ni Thunder. Please.



Inaantok pa ako habang naglalakad papunta sa pinto.



"Do you know what time is it?" Maaskad na tanong ko pagkabukas ng pinto. My eyes are half-open, namumugto ito dahil sa puyat at sa pag-iyak.



"Good morning, hot stuff." And there came that familiar voice again.



My eyes flew wide open ng makilala ko kung sino ang nagsalita.



"What are you doing here?"



"I thought you might want to go out? Sunglight's good for you. Ang putla putla mo na." Sinipat ako ni Lance mula ulo hanggang paa only to realize na nakashort shorts ako at oversized shirt.



"KC?" Sabat ng isang boses.



Sabay kaming napalingon ni Lance sa pinanggalingan niyon.



"Jase?" Gulat na sambit ko. "I thought you'd be arriving in the afternoon?"



"Got off a little early. So I asked Flip for your address. And here I am." Lumapit naman sa akin si Jase at binigyan ako ng light kiss sa cheeks.



Napatingin ako kay Lance. Dumilim ang mukha niya, jaws clenched and is that jealousy that registered on his face? I shook my head. I must be dreaming.



"Oops." Napaatras si Jase at humarap kay Lance. Napansin ko na magkasing tangkad lang pala sila. "My bad, dude. I'm Jase, by the way. KC's friend." He extended his hand, pero tiningnan lang yun ni Lance at tumango.



"Lance, dude. Kristina's... Boyfriend."



And that left my jaw hanging open.



-



"So is he the one you've been talking about in New York?" Tanong ni Jase sa akin.



Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now