Chapter 67:

71 0 0
                                    

Lipas na ang hatinggabi at nasa kalagitnaan na ng madaling araw. Sa mga panahong ito ay makikita ang batang kapatid ni Punk na si Jenny na tila takot na takot na naman sa kung ano o sa kung sino. Makikita ang kanyang labis na panginginig habang nakatingin sa kung ano.

“Parang awa niyo na po! Huwag po! Huwag po!”, ang takot na takot na nasasabi ni Jenny sa kung sino.

“Sandali lang ito, Jenny! Huwag ka nang pumalag pa. Sandaling-sandali lang ito. Pagkatapos nito ay bibigyan kita ng kendi.”, ang tila pagpapakalmang sabi ng kung sino kay Jenny.

Maya-maya pa ay makikita ang paglapit ng tila isang nakakakilabot na anino ng kung sino papunta sa kinalalagyan ni Jenny.

“Parang awa niyo na po! Tama na po! Tama na po! Parang awa niyo na!”, si Jenny na tila todo ang pagmamakaawa sa kung sinong papalapit sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakalapit na ang kung sinong it okay Jenny. Sa sapilitang paraan ay dinamba nito at niligkis si Jenny pahiga sa isang kama. Nang maihiga na sa kama ay pinupog nito si Jenny ng halik mula sa leeg pababa sa iba pang bahagi ng murang katawan ng bata.

“Huwag po! Tama na po! Tama na po! Tama na po! Parang awa niyo na po!”, si Jenny na patuloy na nagmamakaawa habang siya ay nililigkis at pinupupog ng halik ng kung sino.

“Tumahimik ka! Gusto mong magalit ang Tatay, ha Jenny? Gusto mo bugbugin kita pati na ang nanay at kuya mo, ha? Huwag mong uubusin ang pasensiya kong bata ka! Sasamain ka talaga sa akin! Tumahimik ka na! Putang…”, galit na wika ng kung sino kay Jenny na tila biglang natigilan sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Di kalayuan sa kamang kinalalagyan ni Jenny at ng kung sino ay kapwa nila namataan ang isang anino na tila mas lalo pang nakakakilabot kesa sa anino ng kung sinong tila may masamang balak kay Jenny. Makikita sa aninong ito ang kalagiman at tila simbolo ng…KATAPUSAN!

“Kailan niyo pa ginagawa ang kademonyuhang ito sa sarili niyong anak, ha? Kailan pa? Kailan pa???”, ang galit na galit na tanong sa kung sino ng nakakakilabot na anino.

Parang nabosesan naman at nabatid ng kung sino ang katauhan sa likod ng nakakakilabot na aninong bigla na lamang sumulpot sa naturang lugar.

“Punk!”, galit na pagtawag ng kung sino sa nakakakilabot na anino na tinawag nito sa pangalang…PUNK!

At bigla na lamang ay bumukas ang ilaw sa madilim na lugar na kanilang kinalalagyan, dahilan upang magkita-kita ang mga kanina’y anino lamang na imahe na nasa paligid ni Jenny. Bigla ay nabatid na ang nakakakilabot na anino ay walang iba kundi si Punk at ang anino ng kung sinong tila may masamang balak kay Jenny ay walang iba kundi ang kanilang amang si Mang Poldo. Kapwa nagkatitigan ang mag-ama nang magkakilala at magkita sa kauna-unahang pagkakataon matapos mapawi ang kadiliman sa kanilang kinalalagyan.

“Bakit ‘tay? Bakit niyo na gawa ang kademonyuhang ito sa sarili niyong anak? Bakit…???”, si Punk na naluluha na habang nagtatanong sa ama.

Mula sa ekspresyon ng pagkagulat ay napangisi si Mang Poldo na para bang isang demonyong ngumingiti sa tao ng isang nakakalokong ngiti.

“At ano ba ang pakialam mo kung gawin ko ito sa kapatid mo? Ano ang karapatan mong makialam? Ni hindi kita totoong anak para panghimasukan ang bagay na ginagawa ko sa sarili kong anak! Maging ang iyong putang nanay ay walang magawa para mapigilan ako! Kaya bakit ko naman kailangang magbigay ng paliwanag sa iyong bastardo ka kung bakit ko ginagawa ang ganito sa sarili kong anak! Makabubuting huwag ka na lang makialam pa, Punk! Kung ayaw mong samain ka sa akin ng husto! Sige na! Lumayas ka na sa harap kong bastardo ka!”, ang bigla ay pagalit na sigaw at bulyaw ni Mang Poldo kay Punk.

Parang nagpantig naman ang tenga ni Punk sa sinabing ito sa kanya ni Mang Poldo. Mula sa naluluha at nakakaawang mga mata ay naging parang mga mata ng demonyong nakahandang pumaslang ng kahit sino ang mga mata niya.

“Ano ang sabi mo? Hindi mo ‘ko tunay na anak? Kung ganon sino ang tunay kong mga magulang? Sino? Sino???”, ang galit na galit na tanong ni Punk kay Mang Poldo.

“Bakit hindi mo tanungin sa puta mong nanay kung sino talaga ang tunay mong ama? Sige na! Lumayas ka na sa harap ko at baka kung anupa magawa ko sa iyo! Layas!”, tugon ni Mang Poldo sa pagalit din at nakakainsultong tinig.

Sandali ay napapikit si Punk at sa kanyang pagpikit ay pilit niyang inalala ang mga magagandang sandali sa pagitan nila ni Mang Poldo kung meron man. Pero imbes na mga magagandang alaala ang maalala niya ay ang mga masasamang alaala sa piling ng kinikilala niyang ama sa loob ng maraming taon. Naalala niya kung paano siya nito bugbugin ng husto sa kanyang murang edad. Naalala niya kung paano nito walang awang ginugulpi ang kanyang ina kapag ito ay umuuwing lasing o di kaya ay mainit ang ulo dahil natalo sa sugal. Naalala niya kung paano ito nagiging pabigat sa kanila at kung paano nito siya ipinagtutulakan na humanap ng trabaho at pagkakakitaan sa kanyang murang edad. At naalala niya ang natatakot na mukha ng kanyang nakababatang kapatid na si Jenny na ang demonyo palang ito ang dahilan. Sa isipan niya ay tila sobra-sobra na ang pagpapahirap sa kanilang mag-iina ng demonyong si Mang Poldo na kahit paano ay kinilala at itinuring niya ring ama na dapat igalang at sundin. At sa puntong ito na nalaman niya ang katotohanan na hindi pala ang demonyong ito ang tunay niyang ama ay tila wala nang dahilan pa upang pigilan niya ang matagal na niyang pagnanasa…

“O ano bakit hindi ka pa lumayas? Gusto mo bang tadyakan pa kita palabas, ha? Putang ina mo!”, galit na bulyaw parin ni Mang Poldo kay Punk sa patuloy nitong pananatili sa lugar na kinalalagyan nila ni Jenny.

Mula naman sa pagkakapikit ay dumilat si Punk at sa kanyang pagdilat ay makikita sa kanyang mga mata ang kadalasang tanawin tuwing siya ay papaslang ng taong ipinapapaslang sa kanya ng sindikatong kinabibilangan niya. Ang tanawin ng…KATAPUSAN!

“DEMONYO KAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”, ang dumadagundong sa lakas na sigaw ni Punk.

Pagkasabi ni Punk nito ay agad niyang binunot ang baril niya mula sa suksukan ng kanyang pantalon at walang anu-ano ay niratrat niya ng bala nito ang katawan ng demonyo niyang ama-amahan na si Mang Poldo. Ubos na ang bala  sa magasin ng kanyang baril nang tumigil siya sa pagkalabit ng gatilyo nito at pagratrat sa katawan ni Mang Poldo. Matapos ang ginawa niyang pagratrat sa demonyong ama-amahan ay bumagsak ito sa lupa na duguan at halos luray-luray na ang buong katawan. Makikita sa mga mata ni Punk ang tila sobra-sobrang satispaksiyon habang nakikita niya ang tanawing ito kung saan sa kanyang harapan ay nakahandusay ang duguan at wala nang buhay niyang ama-amahan. Ang nakababata naman niyang kapatid na si Jenny ay nagsumiksik na lamang sa isang sulok ng naturang lugar dala ng matinding takot sa napakalagim na bagay na nasaksihan. Bigla naman ay dumating sa naturang lugar ang kanilang inang si Aling Josie at gayun na lamang ang pagkasulasok nito matapos makita ang napakalagim na tanawin.

“A-ano itong ginawa mo sa tatay mo, Punk??”, ang gimbal na gimbal na tanong ni Aling Josie kay Punk.

Parang nasisiraan naman ng ulo ay tumingin si Punk sa ina habang nakangisi.

“Tapos na, inay! Tapos na ang pagtitiis natin at pagdurusa sa kamay ng demonyong iyan! Tapos na…”

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now