Chapter 33:

78 0 0
                                    

Sa tindahan ng Porsche sa may Ortigas ay makikita si Quincy na manghang-manghang nakatayo dito habang pinagmamasdan ang mga naka-display na kotse sa paligid. Batid niyang tila mamahalin at magagara lahat ang mga nakadisplay na kotse sa naturang tindahan. Para tuloy bigla niyang pinangarap na sana ay sa kanya na lang ang isa sa mga kotseng naririto.

“Ay kailan kaya ako magkakaroon ng ganitong kagagandang oto?”, si Quincy sa napakamapangarap na tinig.

Sa gitna ng pamamasid at tila pangangarap ni Quincy sa mga naka-display na oto sa tindahan ay bigla na lamang may kung sinong yumakap sa kanya mula sa likuran. Nakangiti ay dinama niya ang pagyakap na ito ng kung sino mula sa kanyang likuran.

“O ano nakausap mo ba ang kaibigan mo?”, tanong ni Quincy sa kung sinong yumayakap sa kanya.

“Oo and guess what?”, tugon at pagdaka ay tanong kay Quincy na kung sinong yumayakap sa kanya.

“What?”, ang tila puno naman ng interes na tanong ni Quincy sa kung sinong yumayakap sa kanya.

“May stock sila dito ng Porsche 918 Spyder!”, ang masayang-masaya at punung-puno ng kasabikang tugon at pahayag ng kung sinong yumayakap kay Quincy.

“And?”, si Quincy na tila hindi ma-gets ang gustong sabihin sa kanya ng kung sinong yumayakap sa kanya.

“We have a new car na!”, ang masayang-masaya at excited na excited pang sabi at pahayag kay Quincy ng kung sinong yumayakap sa kanya.

Punung-puno ng saya at pananabik ay napalingon si Quincy sa kung sinong yumayakap sa kanya na walang iba kundi si Mary na bago niyang ginagantsong babae.

“Talaga? Ibig sabihin ba nun ay sa akin na rin ‘yun?”, ang masayang-masaya ay natanong ni Quincy kay Mary.

“Oo naman, babe! It’s yours na rin!”, nakangiti ay tugon at pahayag ni Mary kay Quincy.

Sa tuwa ay nayakap at nabuhat pa ng anong taas ni Quincy si Mary.

“Thank you, babe! Thank you so much!”, ang masayang-masayang pasasalamat ni Quincy habang niyayakap ng anong higpit at binubuhat-buhat pa si Mary.

Ilang sandali pa ng tila paglalambingan nina Quincy at Mary ay biglang dumating sa kinalalagyan nila ang kaibigan ng huli na Branch Manager sa naturang tindahan.

“Hi, Mary. Nasa labas na ang kotse.”, pahayag kay Mary ng kanyang kaibigan.

“Wow! Nakaka-excite naman! Come, babe! Tignan natin ‘yung kotse!”, masayang sabi at pag-aaya pa ni Mary kay Quincy.

Mabilis ay lumabas sina Quincy at Mary kasama ang kaibigan ng huli na Branch Manager sa naturang tindahan. Pagdating sa labas ay halos lumuwa ang mga mata ni Quincy matapos makita ang napakagarang kulay itim na Porsche 918 Spyder. Patakbo pa nga ay nilapitan niya ito at nang makalapit siya dito ay hinimas-himas niya ito na para bang ito ay isang babaeng kanyang pinakatatangi.

“Napakaganda, Mary!”, ang manghang-manghang sabi ni Quincy habang patuloy na hinihimas-himas ang naturang kotse.

“Try it, babe! Drive it for me!”, nakangiti at masayang-masayang pahayag ni Mary kay Quincy.

Dahil minsan na ring nakahawak ng kotse si Quincy dahil sa pakikisama niya minsan sa isang mayamang matrona ay tila sanay na rin siyang magmaneho ng kotse. Excited na excited ay kinuha ni Quincy ang susi mula sa kaibigang Branch Manager ni Mary at agad ay pumasok siya sa naturang kotse. Pagkapasok na pagkapasok niya sa naturang kotse ay agad niya itong ini-start. Medyo maingay ang makina nito. Halatang tipo ng kotse na pang-karera. Nang sa tingin niya ay ready na ito para imaneho ay ibinaba niya ang bintana nito upang tawagin si Mary.

“Hop in, babe! Let’s test this very beautiful car!”, ang tila pag-aaya ni Quincy kay Mary na sumama sa kanyang i-test drive ang bagong kotse.

Nakangiti at anong saya ay sumakay na rin sa kotse si Mary at siya ay yumakap pa nga kay Quincy.

“Drive it na, babe!”, masayang-masayang sabi ni Mary kay Quincy.

Bigla ay pinaharurot ni Quincy ang kotse at sila ni Mary ay masayang naglibot sa paligid ng Greenhills. Habang naglilibot sakay ng napakagarang kotse ay anong yabang pa ni Quincy na kumakaway-kaway sa kung sino-sinong nakakakita sa kanya. Ang feeling niya ng mga sandaling ito ay artista siya na pumaparada sa Greenhills para i-promote ang kanyang bagong pelikula. Mapapansin pa nga ang pagtitilian ng ilang mga kababaihan sa La Salle Greenhills habang nakikita siyang iminamaneho ang ganitong kagarang kotse. Para bang siya ay napagkakamalan ng mga ito na isang guwapong artista sa Hollywood.

“I really love this car, babe!”, ang masayang-masaya pang nasasabi ni Quincy kay Mary.

“Gusto mo ikaw muna ang gumamit at mag-uwi niyan?”, nakangiti ay tanong ni Mary kay Quincy.

“Talaga, babe? Puwede ko itong iuwi sa amin?”, ang hindi naman makapaniwalang natanong ni Quincy kay Mary.

“Of course! Sa ating dalawa ‘yan e! Kaya parang sa iyo na rin ‘yan! Basta iingatan mo lang ‘yan ha?”, masaya namang pahayag ni Mary kay Quincy.

“Of course, babe! Iingatan ko ang anumang galing sa iyo lalo na kung ganito kagarang kotse! Thank you, babe! I love you!”, ang tila pambobola namang sabi ni Quincy kay Mary sabay halik pa sa kasintahan.

“Now that I have made you happy. It’s your turn to make me happy. Bring me to some quiet place, babe.”, ang pilya namang ibinulong ni Mary sa tenga ni Quincy.

At iminaneho nga ni Quincy ang napakagarang oto sa kung saang gustong puntahan ni Mary.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now