Chapter 24:

81 0 0
                                    

Kinagabihan ay makikita na naman ang magkakaibigan na sina Vincent, Ryan at Quincy na nag-iinuman na naman sa may looban ng kanilang compound. Sa kanilang pag-iinuman ay mapapansin na si Quincy na naman ang bangka ng usapan sa kanyang todo-todong pagyayabang tungkol sa kanyang bagong ginagantso at pine-perahang babae na si Mary Cane.

“Mga pare, sobrang yaman pala talaga ng Mary Cane na ‘yon! Alam niyo bang special treatment siya sa alinmang mall at hotel na mapuntahan namin! At mga pare! Ibinibigay niya talaga ang anumang maibigan ko! Putsa, mga pare! Mukhang titiba ako sa isang iyon!”, si Quincy na buong pagyayabang na namang nagkukuwento sa mga kaibigan.

Pero parang tahimik lang na nakikinig sa kanya sina Vincent at Ryan na kapwa matamlay at walang gana habang umiinom ng beer.

“Mga pare, ngayon ko lang napagtanto na masakit pala talaga kapag tinanggihan ka ng babaeng gustong-gusto mo…”, ang bigla ay nasabi ni Vincent sa mga kaibigan sa kay tamlay na tinig.

“Wow! Hohoho! Ano ‘to? Ano ‘to? Si Vincent Villanueva ay nagdadrama na rin ngayon at nagsesentimyento tungkol sa pag-ibig? Puta! Mukhang nagkahawahan na kayo ng kabaduyan ni Ryan ha!”, ang tila pangangantiyaw na sabi naman ni Quincy kay Vincent.

Parang nagulat naman si Ryan sa biglang pagsesentimyentong ito ni Vincent ng tungkol sa pag-ibig.

“Ows! Vincent! May iniibig ka na ring babae? Kailan pa? Bakit parang hindi ko alam iyon? At sino naman ang babaeng iyon?”, ang tila nagugulat naman at puno ng kuryusidad na natanong ni Ryan kay Vincent.

“Ay naku, pare! Huling-huli ka na sa balita! Kagabi nagsesentimyento ang isang iyan tungkol sa pag-ibig. May nakilala daw siyang isang babae sa handaang pinuntahan natin kagabi na labis daw na nagpatibok sa puso niya! Akalain mo! Ang isang taong kasing bato at kasing misteryoso ni Vincent ay marunong din palang magmahal. At sa babaeng unang beses niya pa lamang nakikita’t nakikilala! Kaya ngayon ay senting-senti na rin ang datingan ng isang ito na katulad mo, Ryan! Ay dalawa na ang kaibigan kong nagpapakatanga sa pag-ibig!”, ang natatawang pagkukuwento ni Quincy kay Ryan.

“Ang sabi niya sa akin ay dapat daw nagpakatotoo na lamang ako at hindi siya pilit pinaniwala sa mga kabarberohan kong kuwento… Pero paano nga ba ako makakabawi sa kanya? Paano ko nga ba muling makukuha ang loob niya? Paano ko nga ba siya mapapaniwala na malinis na talaga ang hangarin ko sa kanya? Na totoo talagang siya’y…MAHAL ko! Paano…???”, ang tila natatanong ni Vincent sa kawalan.

“Edi gamitin mo ‘yang charm mo! Alam mo, pare! Guwapito ka naman e! Konting ayos lang ay tulad namin ni Ryan, artistahin na rin ang datingan mo! Dehins mo na kailangan pa ng masyado pagpapa-impress. Konting papungay lang ng mga mata. Konting ngiti lang. Konting kindat lang. SWAK! Hulog na hulog na sa iyo ‘yun! Gayahin mo ang mga diskarte ko, pare! Charm! Only charm! Pure charm! Just plain charm and nothing more!”, pagpapayo ni Quincy kay Vincent na may kasama pang pagyayabang.

“Puro ka naman kalokohan e! Hindi si Cristina ang tipo ng babae na madadaan sa paganon-ganon lang!”, inis namang nasabi ni Vincent kay Quincy.

“Edi ligawan mo na lang siya at suyuin sa paraang makikita ka niya bilang ikaw talaga! Bilang tunay na ikaw na nagmamahal sa kanya!”, pagpapayo ni Ryan kay Vincent na tila mas may kuwentang magpayo kesa kay Quincy.

“Sssshhh! Hindi mo nga mapasagot si Karina sa mga ganyang diskarte mo e. Nakuha mo pang ipayo na ganun din ang gawin ni Vincent. Ano para mabusted din siya kagaya mo?”, ang tila pangangantiyaw naman at pang-iinis ni Quincy kay Ryan.

“Hmmm… Pero parang nabigyan mo ‘ko ng ideya dun, Ryan ha! Pero paano nga ba? Paano nga ba?”, si Vincent na tila gustong ikonsidera ang payo sa kanya ng kaibigang si Ryan.

Panandalian ay tila napaisip si Vincent sa kung ano nga ba ang dapat niyang gawin. Sa gitna ng pag-iisip na ito ni Vincent ay biglang dumating ang kapitbahay nilang Intsik na may-ari ng junkshop dala ang isang luma at tila sira-sira nang kariton.

“O kayo na bahala dito ha. Gawa niyo panggatong kung gusto niyo. Wala na ‘to kuwenta. Wala na.”, ang nasasabi pa ng Intsik sa magkakaibigan habang inilalapag sa isang sulok ng compound ang luma at sira-sirang kariton.

Bigla naman ay napatingin sa kariton na ito si Vincent at siya ay tila may kung ano namang naisip.

“Hmmm… Mukha talagang may nakukuha na ‘kong ideya ha!”, si Vincent na tila may kung ano na talagang naiisip na ideya upang suyuin muli ang tila nawalan ng tiwala sa kanyang si Cristina.

At mula sa pagiging malungkot ay tila biglang naging napakasaya ng itsura ni Vincent.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now