Chapter 52:

69 0 0
                                    

Bago pa ganap na magtanghali ay makikita sa T.G.I.Fridays sa may Robinson’s Galleria sina Davis at Karina na masayang kumakain dito ng maagang tanghalian. Habang kumakain ay sinusubuan pa nga ni Davis ng pagkain si Karina. Si Karina naman ay anong sayang kinakain ang pagkaing isinusubo sa kanya ni Davis.

“Is it delicious? I love it here when I’m craving for steak!”, tanong at tila pagsesenting sabi ni Davis kay Karina.

“Yes! Yes! It’s so masarap!”, ang natugon ni Karina sa tanong ni Davis na tila ba hindi alam kung ano ang dapat sabihin sa Inggleserong kausap.

“Ma-sa-rap? What is it? Is it a Tagalog word for delicious?”, ang tila puno ng kuryusidad na tanong ni Davis kay Karina.

“Yes! Yes! It is the Tagalog word for delicious!”, tarantang tugon ni Karina sa tanong ni Davis.

“Ma-sa-rap is delicious. What about beautiful? What is the Tagalog word for beautiful?”, si Davis na tila nawiling magtanong kay Karina ng tungkol sa lengguwahe nito.

“Beautiful. Beautiful is Maganda in Tagalog.”, nakangiti namang natugon ni Karina na tila ba naliligayahan sa pagiging interesado ni Davis sa kanilang lengguwahe.

“You are very Ma-gan-da, Karina!”, bigla ay pamumuri ni Davis kay Karina gamit ang Tagalog na adjective.

Parang labis namang kinilig si Karina sa pamumuring ito sa kanya ni Davis na tinagalog pa talaga ang adjective upang maintindihan niya.

“Thank you, Davis…”, ang kilig na kilig na pasasalamat ni Karina kay Davis.

Parang tumingin naman ng pilyong tingin si Davis kay Karina.

“But I know a word in Tagalog that I’m dying to tell to you, Karina.”, nakangiti ay pahayag ni Davis kay Karina.

“What is it, Davis?”, ang tila nae-excite na tanong naman ni Karina kay Davis.

Bigla ay hinawakan ni Davis ang mga kamay ni Karina at siya ay tumitig dito ng seryosong pagtitig na tila ba makikita sa mga mata niya ang sobra-sobrang sinseridad.

“Ma-hal ki-ta, Karina. Ma-hal ki-ta.”, ang napakaromantikong pagsasaad ni Davis ng pag-ibig niya kay Karina sa lengguwaheng Tagalog.

Parang labis namang kinilig si Karina sa ipinahayag itong sa kanya ni Davis. Naluluha ay napatitig din siya ng buong sinseridad sa banyagang kaharap.

“Mahal din kita, Davis! Mahal din kita!”, ang naluluhang pagpapahayag din ni Karina ng damdamin niya para kay Davis.

Bigla ay hinaplos-haplos ni Davis ang luhaan pero napakaganda paring mukha ni Karina. Si Karina naman ay dinama ang bawat paghaplos ni Davis sa kanyang mukha. Maya-maya pa ay nakita na lamang nila ang sarili nila na unti-unti nang nagkakalapit ng mukha na para bang sila ay napipintong magkahalikan. At hindi nga nagtagal ay tuluyan na silang nagkahalikan.

“I love you, Karina.”

“I love you too, Davis.”

At muli ay naghalikan sina Davis at Karina.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now