Chapter 17:

109 1 0
                                    

Halos lagpas na ang hatinggabi nang matapos ang handaan. Nang makauwi ang tatlo ay nagkasundo pa silang mag-inuman sandali sa may looban ng compound na tinutuluyan nila. Pero nang makarating sila sa compound ay sina Quincy at Vincent lang ang makikitang nag-iinuman. Sa hindi nila malamang dahilan ay bigla na lamang umalis si Ryan at nagtungo sa kung saan. Habang nag-iinuman ay panay na naman ang pagyayabang ni Quincy kay Vincent tungkol sa bago niyang biktimang babae na walang iba kung hindi si Mary na panganay na anak ng may-ari ng bahay na si Mr. Cane.

“Pare! Da best ang babaeng nayari ko kanina! Pucha, pare! Mestisang-mestisa! At palaban, pare! Kung narinig mo lang kung paano umungol habang binabayo ko, pare! Puta! Da best! At ang pinakamaganda sa lahat ay tila tinamaan sa akin ng todo ang lekat! Mukhang malaki-laking pera ang mahuhuthot ko sa isang ito, pare! Anak ng milyunaryong Kano e! At mukha pang sunod sa luho! Pag sinusuwerte ka nga naman, pare! Hahahahahahaha!!!!!!!”, ang buong pagmamayabang na kuwento ni Quincy kay Vincent.

Pero tila hindi naririnig ni Vincent ang mga kuwento ng pagyayabang ng matalik na kaibigan. Dahil sa mga sandaling ito ay si Cristina parin ang naiisip niya habang siya ay lumulaklak ng beer.

“Pare, ganun pala talaga kapag tinamaan ka ano! Alam mo ‘yung feeling na dati-rati ay baduy para sa iyo ang mainlove pero biglang-bigla ay naniniwala ka na dito? Parang magic, pare!”, ang tila wala sa sariling nawika ni Vincent kay Quincy.

Labis namang natawa at napahagalpak pa ng halakhak si Quincy matapos marinig ang mga sinabing ito ni Vincent.

“Bwahahahahahahaha!!!!!!!! Ano nangyari sa iyo, pare?! Nababaliw ka na ba?!”, ang tawang-tawang usisa ni Quincy sa tila nasisiraan na ng ulong kaibigan.

“Hindi, pare. Pero oo na rin siguro. Kasi, pare… Nakita ko na siya! Ang babaeng gusto kong mahalin ng habang buhay…! Ang babaeng tanging may kakayahang magpatibok sa puso ko ng ganito…!”, ang tila hibang na talagang wika ni Vincent kay Quincy.

“Pucha, pare! Malala na ‘yan! Ikaw! Si Vincent Villanueva na pinakabato sa lahat ng taong nakilala ko ay naiinlababo ngayon sa isang babaeng tila ngayon niya lamang nakilala?! Iba ito! Isa itong malaking himala! Sinapian ka na ata ng masamang engkanto habang nandun tayo sa mansion na iyon!”, ang natatawa namang pangangantiyaw ni Quincy kay Vincent.

Pero tila hindi pansin ni Vincent ang pangangantiyaw sa kanya ni Quincy, dahil wala siyang ibang nasa isip kundi si Cristina. Ang kanilang mala-pelikulang pagtatagpo kanina. Ang bawat detalye ng mukha ni Cristina na paulit-ulit niyang naaalala at nakikita sa kanyang isipan. At ang nararamdaman niya para dito na tila isa nang…PAGMAMAHAL!

Samantala, nang gabing ito ay hindi makatulog si Cristina. Siya ay patuloy lamang nakahiga sa kanyang kay lambot na kama at nakatingin sa kisame ng kanyang silid na napapalibutan ng ilawang chandelier. Pero hindi  sa mga naturang ilawang chandelier nakatuon ang kanyang buong atensiyon kundi sa isang tila kay tamis na alaaalang kanina-kanina lamang naganap.

“Ang cute-cute niya…! Para siyang si Diether Ocampo…! Alam ko… Nararamdaman ko… Siya ang lalaking kanina ay nagpagaan ng nararamdaman ko… Siya ang lalaking kanina ay nagpadama sa akin na ako ay tunay na bituin talaga na buong layang lumilipad… Magkikita pa kaya kami uli by special chance…? Pero paano kung ilusyon ko lamang siya…? Paano kung ang katotohanan ay malapit na akong makasal at matali sa isang taong kailanman ay hindi ko kayang matutunang mahalin…? Paano..???”, ang nasasabi ni Cristina sa isipan habang dinadama ang magkahalong saya at lungkot na kanyang nararamdaman. Saya dahil tila nakita na niya sa wakas ang lalaking nais niyang pagtuunan ng kanyang pag-ibig at pagmamahal. Lungkot dahil tila isang maganda at matamis na pangarap lamang ang lahat sa kanila dahil sa katotohanang siya ay nakatakda nang makasal sa isang lalaking hindi niya minamahal…

Samantala, sa pag-alis naman ni Ryan ay nagpalakad-lakad siya sa paligid ng Pineda dahil sa tila kung anu-anong mga bagay-bagay na gumugulo sa isipan niya. Habang naglalakad-lakad siya ay nakatingin parin siya sa calling card ni Genelyn. Labis siyang naliligayahan na baka ito na ang suwerteng matagal na niyang hinihintay. Na sa wakas ay maari na ring mabigyang katuparan ang pangangarap niya na maging isang artista. Pero nakakaramdam siya ng pagkalito at pagkawalang gana kapag naiisip niyang maaring ang kapalit ng pagkakaroon niya ng pagkakataon na maging artista ay ang pakikipagrelasyon niya sa banyagang babae. Alam niyang kung tutuusin ay dapat pa siyang maging masaya at maramdamang siya ay anong suwerte dahil sa dinami-dami ng mga lalaking nagkakandarapa kay Genelyn ay siya ang napili nito. Pero hindi ganon ang nararamdaman niya dahil ang pagmamahal sa puso niya ay walang ibang pinaglalaanan kundi ang pinakatatangi niyang babae na si Karina. Batid niyang kumpara kay Genelyn ay talong-talo at walang-wala si Karina. Pero kung sa kaibuturan ng puso niya ikukumpara ang dalawa ay si Genelyn ang talong-talo at walang-wala dahil tanging si Karina lamang ang talagang champion sa puso niya sa lahat ng panahon. Sa gitna ng tila kalituhang ito ni Ryan ay naisipan niyang magtungo sa tapsilogang pinagtatrabahuhan ni Karina. Papasara na ang tapsilogan nang makarating dito si Ryan at nakita niyang si Karina ang nagsasara nito. Labis pa nga itong nagulat nang makita ang kanyang pagparito doon.

“O Ryan! Gabing-gabi na ha! Magsasara na kami! Kaya hindi kita puwedeng pagsilbihan pa at pagbilhan.”, ang nawika ni Karina kay Ryan.

“Pero hindi iyon ang ipinunta ko rito, Karina!”, ang bigla ay sabi ni Ryan kay Karina.

“Kung ganon ay ano, Ryan?! Ano’t narito sa dis oras na ito ng gabi?!”, inis na tanong ni Karina kay Ryan.

At bigla ay tumitig si Ryan ng makahulugang pagtitig sa babaeng labis na tinatangi.

“Wala ba talaga akong pag-asa sa iyo kahit na konti lang, Karina?”, ang bigla ay natanong ni Ryan kay Karina.

Napapailing at nagsisimula nang mairita ay nagsalita si Karina.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi tayo puwede! Kapwa tayo mahirap at kapwa walang-wala sa buhay! Mahihirapan lang tayo pareho pagdating ng araw! Naiintindihan mo naman iyon hindi ba?”, ang tila naiinis na tugon at paliwanag ni Karina kay Ryan.

“Pero paano kung pagdating ng araw ay maging artista ako at maging napakayaman, Karina?! Mamahalin mo na ba ‘ko?”, muli ay tanong ni Ryan kay Karina.

Napapabuntung-hininga na parang pinipigilang magalit ay nagsalita si Karina.

“Ewan ko, Ryan! Ayokong isipin ang bagay na hindi nangyayari. Ayokong isipin ang isang posibilidad pa lamang at wala pang kasiguraduhan. Wala tayong karapatan na mga dukha na kumapit sa isang pangarap lamang. Dahil sa sitwasyon natin ay dapat tayong lagi nang maging totoo at maging praktikal.”, ang tila naguguluhang tugon ni Karina kay Ryan.

Bigla naman ay hinawakan ni Ryan ang dalawang kamay ni Karina at ito ay tinitigan niya ng napakaseryosong pagtitig.

“Ipinapangako ko, Karina! Balang-araw ay magiging artista ako at magpapakayaman sa propesyon na iyon! Tapos kapag nangyari na iyon ay muli akong lalapit sa iyo upang hingin ang iyong kamay at alukin kang magpakasal at makasama ko ng habang buhay! Makasama ko sa isang buhay na masagana, marangya at masaya! Ipinapangako ko iyon, Karina! At ito ay pangako ng isang taong labis na nagmamahal sa iyo…”, ang tila pangangako ni Ryan ng mga bagay na gusto niyang gawin para sa pinakamamahal at pinakatatanging si Karina.

Pagkasabi ni Ryan nito ay naglakad na siya palayo kay Karina. Si Karina naman ay nalulungkot at naluluhang pinagmamasdan ang paglalakad palayo ng lalaking tila labis-labis ang pagmamahal sa kanya.

“Napakasarap sanang mabuhay sa mga pangarap mong iyon, Ryan… Napakasarap sana…”, ang naluluhang nawika ni Karina habang pinagmamasdan ang paglalakad palayo ni Ryan.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now