Chapter 36:

84 0 0
                                    

Sa isang parlor sa Purok Dos, makikita na nakatambay dito ang magbestfriend na sina Karina at Kriselda. Kasalukuyang nagbabasa ng magazine si Karina habang si Kriselda naman ay kasalukuyang inaayusan ng buhok ng baklitang hairdresser na si Seldah.

“Ang ganda-ganda naman ng buhok mo, sis! Nakakainggit! Kaya siguro love na love ka ni Papa Quincy!”, ang tila pambobolang sabi ni Seldah sa inaayusang si Kriselda.

“Atsus! Nambola ka pa! Huwag kang mag-alala! Bibigyan kita ng malaking tip kapag napakaganda mo ng husto ang pagkaka-rebond sa buhok ko.”, ang napapangiti at napapailing namang nasabi ni Kriselda sa baklitang hairdresser.

“Don’t worry, sis! Chicken feed lang sa akin ang pagre-rebond! After ng rebond ay magiging mala-beauty queen ka na! Say mo?”, ang tila pagyayabang naman ni Seldah kay Kriselda.

“Pero alam mo, Seldah! Naba-bother na ako kay Quincy ko! Ilang araw na kasi siyang hindi naliligaw sa tapsilogan e. Feeling ko tuloy ay pinagtataguan na niya ako.”, ang tila pangungumpisal ni Kriselda ng kanyang pagkabahala sa baklitang hairdresser.

“E bakit naibigay mo naibigay mo na ba ang bandila ng Bataan kay Papa Quincy? Yummy ba? Papalicious ba?”, ang sunod-sunod ay natanong naamn ni Seldah kay Kriselda habang namimilog pa ang mga mata.

“Hindi pa anoh! Hindi pa naman kami umaabot sa puntong ganon e. Sa tapsilogan lang nga ang ligawan namin at unawaan. Pero kahit na hindi ko pa nabibigay ang Bataan ko sa kanya ay labis parin ang nangungulila kapag ganitong di ko siya nakikita.”, tugon at paliwanag ni Kriselda kay Seldah.

“Sabagay! Kung ganong kapogi ba naman ang boylet e. Kahit ako ay mababaliw din at mangungulila ng bonggang-bongga! Ayy! Naaalala ko tuloy ang guwapong-guwapong mukha ni Papa Quincy!”, si Seldah na tila naiintindihan ang pangungulila ni Kriselda kay Quincy.

Si Karina naman ay tahimik lang na nagbabasa ng magazine. Sa magazine ay tila walang sawa niyang tinitignan ang mga magagandang damit pambabae na sa pakiwari niya ay hindi bababa sa limang libong piso ang presyo. Kasama ng mga damit pambabae ang mga sapatos at bag na pambabae rin na maipagpapalagay na mahigit sa limang libo rin ang presyo. Namimilog pa nga ang mga mata ni Karina habang nakikita kung gaano kagaganda ang mga damit, sapatos at bag na ito.

“Kailan kaya ako magkakaroon ng mga ganitong kamamahaling gamit? Mga damit na talaga namang elegante! Mga sapatos na talaga namang pang-class ang pagkakayari! Mga bag na talaga namang pagkamamahal! Kung mayaman lang sana ako…”, si Karina na tila nangangarap na namang maging mayaman.

Sa gitna ng pangangarap na ito ni Karina sa buhay sa alta sociedad ay bigla niyang naalala ang huling pagkikita nila ni Ryan. Naalala niya ang pangako sa kanya ni Ryan na balang-araw kapag sikat na artista na ito at mayamang-mayaman na ay hihingin nito ang kamay niya upang siya ay pakasalan. Bahagya siyang napapangiti sa alaalang ito, pero mapapalitan ng lungkot ang mga ngiti niya kapag naiisip na tila hanggang pangarap na lamang ang lahat para sa kanila ni Ryan. Batid niya kasing kapwa sila nito dukha at naghihikahos sa buhay at ang pangarap ni Ryan na maging isang artista at maging napakayaman ay tila suntok sa buwan. May parte ng puso niya na gustong maniwala sa mga pangarap ni Ryan para sa kanilang dalawa, pero may parte rin ng puso niya na nagsasabing kahangalan lang ang lahat at mas tamang siya ay maging praktikal na lang. Pero kahit na paano niya pa itanggi ay hindi niya matatakasan ang katotohanang kahit paano ay naaakit rin siya sa taglay na kapogian ni Ryan. Sa pakiwari niya ay tila ba si Ryan ang pinakapoging lalaking nakilala niya. Kung hindi lang sana mahirap si Ryan. Kung mayaman lang sana ito at may kapasidad na magbigay ng magandang kinabukasan at buhay. Kung ganon lang sana si Ryan ay alam na alam niya sa sarili niyang si Ryan na ang masasabi niyang ideal man at prince charming na kay tagal na niyang hinahanap sa kanyang buhay. Pero sa realidad ay isa lamang dukhang tulad niya si Ryan. Kahit pa nga napakaguwapo nito at tila ba papangarapin ng sinumang babae. Para sa kanya ay tila ba hindi praktikal ang mahulog sa guwapo. Mas maituturing parin na makahulugan ang pumili ng isang lalaking may kakayahang magbigay sa kanya ng isang magandang hinaharap. At sa muli na namang pagkakataon ay hindi napigilan ni Karina ang mapaluha matapos maisipa ang lahat ng ito.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now