Chapter 20:

96 0 0
                                    

Papalamig na ang hapon, makikita si Vincent na naglalakad sa hallway ng isa sa mga gusali sa Assumption College San Lorenzo. Patingin-tingin pa siya sa bawat pintuang nadadaanan niya habang naglalakad. Tila tinitignan niya kung ano ang pangalang nakapaskil sa mga pintong nadaraanan niya.

"Hay! Nasaan na ba 'yon?! Ang sabi ni Quincy ay dito lang daw sa 2nd floor 'yun ha!", ang naiinis nang nawiwika ni Vincent habang patuloy na naglalakad at patingin-tingin sa mga pinto.

Sa gitna ng pangyayaring ito ay naalala pa ni Vincent ang paghingi sa kanya ni Quincy ng pabor kaninang umaga. Hiniling sa kanya ni Quincy na kung maaring ibigay niya sa nakababatang kapatid ng bagong siyota ang isang kuwintas na hiniram daw ng siyota nito sa nakababatang kapatid nung nakaraang gabi. Dahil wala namang trabaho sa araw na ito si Vincent ay pumayag siya sa gusto ni Quincy. Ngunit ngayon ay nagsisisi siya sa ginawang pagpayag dahil tila mahirap hanapin ang lugar na pinapapuntahan sa kanya kung saan niya isasauli ang naturang kuwintas.

Ilang sandali pa ng paglalakad ni Vincent ay tila nakita na ni Vincent ang hinahanap. Sa itaas ng pinto ay nabasa niya ang nakapaskil na auditorium. Marahan ay binuksan niya ang pinto at siya ay pumasok sa loob. Sa pagpasok niya sa loob ay nabatid niyang isang tila maliit na teatro ang napasukan niya. May background music pa nga ng mga tugtog na pang-ballroom dito. Dahil medyo may alam sa ballroom dancing, naisipan ni Vincent na sumayaw habang tinutugtog ang mga tugtog na pang-ballroom na para bang siya ay isang Dance Instructor.

Samanatala, nang mga sandali namang ito ay makikitang naglalaakad si Cristina sa may hallway ng kanilang paaralan. Habang naglalakad ay mapapansing tila malalim ang iniisip ni Cristina.

"Ano ba ito? Bakit naiisip ko parin siya? Bakit parang hindi na siya mawala sa isipan ko?", ang nabubulong sa sarili ni Cristina habang parang wala sa sariling naglalakad.

Ilang sandali pa ng paglalakad ay nakarating na si Cristina sa pupuntahan. Ito ay sa parehong lugar na napuntahan ni Vincent. Sa auditorium! Pagpasok niya sa loob ng auditorium ay labis siyang nagulat dahil nabatid niyang may kung sino dito na kasalukuyang nagsasayaw at isinasayaw ang mga tinutugtog na pang-ballroom sa paligid ng naturang lugar. Marahan ay tumayo si Cristina sa isang sulok upang panoorin ang pagsasayaw ng kung sino. Habang pinapanood niya ang pagsasayaw na ito ng kung sino ay napansin niyang tila may aking dunong sa pagsayaw ang kung sinong ito. Kita niya ang pagkapino ng mga galaw nito. Dahil mahilig din siya sa mga sayaw na pang-ballroom ay hindi niya namamalayan na nagsisimula na ring umindak ang kanyang katawan habang nanonood sa ginagawang pagsasayaw ng kung sino. Saglit pa nga ay nakita niya na lamang ang sarili na sumasayaw na rin at tila palapit sa kinalalagyan ng kung sinong sumasayaw. Nang makalapit siya sa kung sinong sumasayaw ay bahagya pa silang nagkabangga. Dahilan upang sila ay magkatinginan bigla. At sa kanilang pagkakatinginan ay gayun na lamang ang pagkagulat ni Cristina. Dahil ang kung sinong nagsasayaw na ito ay walang iba kundi ang lalaking nakita niya sa may hardin kagabi. Si Vincent!

Gayun na lamang din ang pagkagulat ni Vincent matapos makita sa tila hindi inaasahang pagkakataon at sandali ang babaeng nakatagpo niya kagabi sa hardin at tila laman ng ngayong ng mga pangarap niya. Pumikit-dumilat ang mga mata niya sa isiping baka siya ay nangangalumata lamang. Pero hindi siya nangangalumata o namamalikmata. Nasa harapan nga niya ang babaeng biglang-bigla ay naging laman ng kanyang bawat pangarap.

“I-ikaw…!!!”, ang hindi makapaniwalang nasabi ni Vincent sa kaharap.

“I-ikaw…!!!, ang hindi rin makapaniwalang nasabi ni Cristina sa kaharap na si Vincent.

Sa hindi maunawaang bagay ni Vincent ay bigla niyang iniabot ang kanang kamay niya kay Cristina. Sa hindi rin maunawaang bagay ni Cristina ay agad niyang kinuha ang iniaabot sa kanyang kamay ni Vincent. Bigla na lang ay inakay ni Vincent si Cristina sa gitna ng kinalalagyan nilang lugar at dito ay nagsimula niyang isayaw si Cristina habang tumutugtog ang kantang “Love Story” ni Taylor Swift. Kapwa sila nakahawak sa balikat ng isa’t isa habang sumasayaw at umiindak. Mapapansing sabay na sabay ang mga katawan nila habang nagsasayaw. Tila ba sila ay agad na nagkakaintindihan sa bawat paggalaw na gagawin nila kahit na tila ngayon pa lamang sila magkasamang sumayaw. Habang sumasayaw ay tila ayaw mawala ang mga mata nila sa pagkakatitig sa isa’t isa. Tila ba nag-uusap ang mga mata nila. Ipinapahiwatig ang tila gusto nilang sabihin at ipahiwatig sa isa’t isa na sadyang hindi masabi ng kanilang mga dila. Maya-maya pa ay nagsimulang bumaba ang kamay ni Vincent mula balikat papunta sa beywang ni Cristina. Parang isang sanggol ay iniugoy niya at hinele si Cristina habang sila ay sumasayaw. Tila ba sa pagsasayaw nilang ito ay nais niyang maramdaman ni Cristina na sila ay buong layang lumilipad. Tila naramdaman naman ang ganito ni Cristina at siya ay parang nasa alapaap sa gaan ng kanyang pakiramdam habang siya ay isinasayaw ng paugoy at pahele ni Vincent.

Habang nagsasayaw sila ng tila ganito karomantiko ay hindi nila namamalayan na nagsisimula na palang maging matao ang buong paligid ng lugar na kinalalagyan nila. Kita ng mga bagong dating ang kakaiba at tila napakaganda nilang pagsasayaw. Dahil sa ganda ng ginagawa nilang pagsasayaw ay nagpalakpakan pa nga ang mga nasa paligid. Bagay na kumuha ng atensiyon nina Vincent at Cristina mula sa pagkakapako nito sa isa’t isa. Otomatiko ay napatigil sila sa pagsasayaw at sila ay napakalas mula sa tila pagkakaakbay sa isa’t isa. Kapwa sila napatingin sa mga nasa paligid na patuloy na pumapalakpak sa kanila at wala silang ibang nagawa kundi ang mapatungo sa mga ito bilang tanda ng kanilang pasasalamat dahil sa ginawang pagpalakpak sa kanilang ng mga ito.

“Bravo! Bravo!”, ang nasigaw pa ng isang baklita na tila siyang in-charge sa naturang lugar.

Mula naman sa sandaling pagkakalipat ng kanilang atensiyon sa mga nasa paligid ay muling nagtama ang mga mata nina Vincent at Cristina.

“M-maari ko bang malaman ang pangalan mo?”, ang tila nahihiya pang tanong ni Vincent kay Cristina.

“C-cristina! Cristina Cane!”, tugon at pagpapakilala ni Cristina kay Vincent.

“V-vincent! Vincent Villanueva!”, pagpapakilala naman ni Vincent kay Cristina.

At kapwa nagkangitian sina Vincent at Cristina matapos silang magkakilala. Kita sa mga mata nila ang tila labis-labis na kaligayahan na para bang may kung anong napakadakilang bagay ang napipintong mabuo…

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now