Chapter 37:

79 0 0
                                    

Halos madaling araw na nang makauwi si Boy Ahas sa kanilang bahay sa Dagat-Dagatan, Caloocan. Sa pag-uwi niya sa kanilang bahay ay kasama pa niya ang katrabaho at tila matalik na kaibigan na si Punk. Sa bahay ay nadatnan nila ang asawa ni Boy Ahas na si Linda at ang lima nilang anak na magkakatabing natutulog sa isang may kahabaang banig. Nang magkita ay naghalikan pa sina Boy Ahas at Linda. Matapos halikan ang asawa ay isa-isa pa ngang hinalikan ni Boy Ahas ang mga natutulog niyang anak. Sa tanawin namang ito ay napapangiti at napapailing si Punk. Sa isip-isip niya ay may pusong-asawa at ama rin pala ang tulad ni Boy Ahas kahit na sa kanilang trabaho ay tila wala silang awa kung pumaslang at magligpit ng mga dapat iligpit. Bahagya naman ay napatingin si Linda sa kasama ni Boy Ahas na si Punk.

“May kasama ka pala, mahal.”, ang nasabi ni Linda sa asawa habang itinuturo dito si Punk.

“Si Punk nga pala, mahal. Siya ang sinasabi ko sa iyong matalik kong kaibigan at kasamahan sa trabaho. Punk, si Linda ang asawa ko.”, pagpapakilala naman ni Boy Ahas kina Punk at Linda sa isa’t isa.

“Kumusta?”, masayang bati ni Punk kay Linda.

“Mabuti naman.”, ang nakangiting nasabi ni Linda kay Punk.

“Ipaghanda mo naman kami ng makakain, mahal. Gutom na gutom kami buhat sa halos magdamagang pagtatrabaho sa factory e.”, ang tila panlalambing namang sabi ni Boy Ahas sa asawang si Linda habang niyayakap-yakap pa niya ito.

Ipinaghanda nga ni Linda ng makakain sina Boy Ahas at Punk. Bulalong baka ang inihandang pagkain ni Linda para sa dalawa. Sarap na sarap pa nga si Punk habang kinakain ang pagkaing inihanda ng asawa ni Boy Ahas.

“Masarap palang magluto si Misis! Kaya naman pala excited laging umuwi itong si Mister e.”, biro pa ni Punk sa mag-asawa.

“Naku hindi naman…”, ang nahihiya at pa-humble namang nasasabi ni Linda kay Punk.

“Kahit kailan talaga ay bolero ka at palabiro, Punk!”, ang naiinis pero natatawa namang nasasabi ni Boy Ahas kay Punk.

Matapos kumain ay naisipan ni Boy Ahas na ilibot si Punk sa kanilang lugar. Mapapansin na tila si Boy Ahas ay kilala at iginagalang sa kanilang lugar. Kahit pa nga maraming mga tambay at halang ang bituka dito ay tila takot at may paggalang ang mga ito kay Boy Ahas. Ilang sandali pa ng paglilibot nila sa lugar nila Boy Ahas ay napapunta sila sa isang basketball court na kasalukuyang under construction palang. Sa naturang ginagawang basketball court ay makikita ang Barangay Chairman sa barangay nila Boy Ahas na si Mang Dino. Kasalukuyan pang isinu-supervise ni Mang Dino ang mga naggagawang karpintero sa ginagawang basketball court. Nang makita ni Mang Dino si Boy Ahas ay napangiti pa ito at kumaway sa kanya.

“Kumusta, Mang Dino? Mukhang malapit nang matapos ang project natin ha! Ayos din ‘yan! At least sa sports na mahihilig ang mga kabataan at hindi sa paggamit ng droga.”, masayang pamumuna ni Boy Ahas sa ginagawang basketball court.

“At hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa iyo, Boy. Ikaw ang talagang may pinakamalaking naiambag upang matapos at mabigyang katuparan ang proyektong ito. Kaya salamat sa tulong mo, Boy!”, ang tila pasasalamat naman ni Mang Dino kay Boy Ahas.

“Walang anuman po iyon, Mang Dino! Ang sa akin lang po ay iyong makatulong ako sa mga nangangailangan at dito sa ating lugar. ‘Yung mabawasan ang mga adik  dito at ‘yung mailayo ang kabataan dito sa mga masasamang bisyo!”, si Boy Ahas na tila taos-puso talaga ang pagtulong sa mga proyekto ng kanilang barangay.

“Kung sana lang ay kasing buti at kasing matulungin mo ang lahat ng residente sa alinmang barangay ay wala nang lugar na mapapabayaan.”, pamumuri naman ni Mang Dino kay Boy Ahas.

Sa gitna ng pag-uusap nina Mang Dino at Boy Ahas ay biglang dumating sa kinalalagyan nila ang isang ginang na nagngangalang Aling Bebeng. Parang nanlulumo ay lumapit si Aling Bebeng kay Boy Ahas.

“Boy, hihingi lang sana ako ng konting tulong sa iyo.”, ang pasakalye pa ni Aling Bebeng kay Boy Ahas.

“E ano ba ‘yun, Aling Bebeng?”, marahan at nakangiting tanong ni Boy Ahas kay Aling Bebeng.

“Nasa ospital kasi ngayon ang bunso kong anak  dahil sa Dengue. Malaki-laki ang kailangang pera para sa gamutan niya e. Alam mo namang kapos na kapos ang sahod ng mister ko na kulang pa nga sa pang-araw-araw naming gastusin. Kaya nais ko sanang humingi ng konting tulong sa iyo, Boy! Nakakahiya man ay kakapalan ko na ang mukha ko para lang sa kaligtasan ng anak ko! Parang awa mo na, Boy!”, ang paghingi ng tulong at tila pagmamakaawa pa ni Aling Bebeng kay Boy Ahas.

Parang labis namang naantig si Boy Ahas sa pagmamakaawa sa kanya ng ginang. Awang-awa ay hinahagod-hagod niya ang likod ng luhaang ginang.

“Tanggapin niyo po sana itong bente mil para sa pagpapagamot ng anak niyo. Kung kulang pa po ito ay pasabihan niyo lang po ako kay Mang Dino. O huwag na po kayong malulungkot at mag-aalala ha. Gagaling din po ang anak niyo. May awa ang Diyos.”, pagbibigay ng tulong at pagpapatahan ni Boy Ahas kay Aling Bebeng.

Naluluha naman ay niyakap ng anong higpit ni Aling Bebeng si Boy Ahas.

“Salamat, Boy! Maraming-maraming salamat! Hulog ka ng langit!”, ang taos-pusong pasasalamat ni Aling Bebeng kay Boy Ahas.

Si Punk naman ay napapailing at napapapalatak pa nga habang nakikita ang tila pagmamagandang-loob ni Boy Ahas sa mga kabarangay.

“Kahit na siguro gaanong kasama pa ang isang tao ay may natatago parin itong kabutihan sa kanyang puso. Kabutihang tila pilit niyang ikinukubli upang magampanan ng maayos ang kanyang napiling propesyon at mundong dapat na galawan…”

Nang lumaon at nang medyo maliwanag na ay makikita parin sina Punk at Boy Ahas na nasa naturang ginagawang basketball court. Kapwa sila nakaupo at nakasalampak sa mga hagdan dito habang sila ay magkaakbay at tila ba binabalikan ang kung anong nakaraan.

“Parang kailan lang, Punk. Parang kailan lang ay baguhan ka palang at uhugin sa propesyon at mundong ginagalawan natin. Punung-puno ka pa ng kaba sa dibdib nun habang tinuturuan kita kung paano ang tamang paraan ng paghawak ng baril at pagpapaputok nito. Iyak ka pa nga iyak sa akin matapos mong unang masaksihan ang pagpaslang sa sindikato. Pero imbes na kalamayin at binulyawan kita at ginulpi. Ito ay upang mapatibay ang loob mo. Upang iyan ay maging ganap na halang. Upang ikaw ay maging isang walang awang mamamaslang. At ngayon nga ay bihasang-bihasa ka na sa propesyon nating ito. Parang laro na lang sa iyo ngayon ang lahat at nais kong malaman mong ako ay labis na humahanga sa iyo. I’m proud of you, Punk!”, ang tila pagbabalik-tanaw ni Boy Ahas sa mga pinagdaanan nila ni Punk habang tinatapik-tapik pa ang balikat ni Punk.

“Dahil na rin ‘yan siyempre sa walang sawa mong pagtuturo sa akin. Magaling kang guro kung kaya ako ay natuto ng husto sa iyo. Pero bukod sa pagiging guro ay isa ka ring matalik na kaibigan, pare. Kapag nagsama na tayo sa isang misyon ay talagang swak na swak at suaveng-suave ang ating samahan. Tila ba sa pagsasama natin ay kaya nating umubos kahit pa ng isang batalyong kalaban. Kaya salamat sa lahat-lahat, pare. Salamat sa pagiging aking guro at matalik na kaibigan.”, si Punk na tila nagsesenti rin habang kausap si Boy Ahas.

Sandali ay nagyakapan ang dalawa at dinama ang isa’t isa. Kapwa pa nga sila napatawa nang mapansin na tila kay higpit na pala ng pagkakayakap nila sa isa’t isa.

“Para tuloy tayo nitong mga shoke, pare! Bwahahahahahhaha!!!!!!!!!”, ang kapwa nila nasabi sa isa’t isa habang napapahalakhak.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now