Chapter 50:

71 0 0
                                    

“That’s ridiculous! At ano naman ang pumasok sa isip mo at naisipan mong itanan ang babaeng ‘yun? Ni hindi mo nga kayang buhayin ang sarili mo e! I mean, let’s be practical, pare! Isipin mo kung saan kayo pupulutin pag kapos na kapos na kayo! Mag-isip ka nga!”, ang naiinis na nasasabi ni Quincy kay Vincent kinaumagahan habang sila ay magkakausap tungkol sa kung anong plano ng huli.

Napapailing ay nagsalita si Vincent.

“Pero paano kung ‘yun lang ang paraan para muli kaming magkasama? Paano kung ‘yun lang ang paraan para ganap niyang makamtan ang kalayaan at kaligayahan…?”, si Vincent na tila desidido na talaga sa kung anong plano.

Parang nagsimula namang mainis si Quincy sa kausap na si Vincent.

“At ano? Ikaw ang magsasakripisyo para lang makamtan niya ang hinahanap niyang kalayaan at kaligayahan? Alam mo ba kung gaano kaimpluwensiya ang tatay nina Mary at Cristina? May koneksiyon siya sa bawat pulitiko at militar dito man o maging sa ibang bansa! Ipagpalagay na nating magagawa mong maitanan si Cristina! Pero hindi kayo makakapagtago ng matagal, pare! Sooner or later mahahanap din kayo ng tatay niya at kapag nangyari ‘yun… Kapag nangyari ‘yun ay tiyak na…PAPATAYIN ka niya! Ganon ba ang gusto mong harapin para lamang sa sinasabi mong lecheng pagmamahal? Ang…KAMATAYAN!!!”, si Quincy na tila pilit na pinapalinaw ang isipan ni Vincent sa tila kabaliwan nitong plano.

“Kung ‘yun ba ang kailangang mangyari e! Handa na ‘ko! Handa na ‘ko sa lahat para lang kay Cristina…”, si Vincent na tila desidido na talaga sa binabalak gawin.

Naiinis at napapailing ay umakbay si Quincy kay Vincent.

“Tang ina naman, pare! Mag-isip ka naman! Sasayangin mo buhay mo para lamang sa isang babaeng sasandali mo pa lamang nakikilala? Nothing is certain is this life, pare. Kaya huwag kang magpakasigurado sa isang babae lang. Okay lang ‘yung magpakatanga ka na ang pinakamasaklap lang na puwedeng mangyari sa iyo e ‘yung maiiwan kang iiyak-iyak e. Pero puta, pare! Buhay ang pinag-uusapan dito! Buhay mo! Kaligtasan mo!”, si Quincy na tila galit na talaga habang pinapangaralan si Vincent.

Iiling-iling namang pinalis ni Vincent ang umaakbay sa kanyang si Quincy.

“Pasensiya na, pare! Pero buo na ang desisyon ko! Mamayang gabi ay itatanan ko si Cristina! Iaalis ko siya sa lugar na ‘yun! Dadalhin ko siya sa kalayaan at kaligayahang hinahangad niya! Ano, mga pare? Matutulungan niyo ba ‘ko? Kasi kung hindi itutuloy ko parin ang plano ko kahit walang tulong mula sa sinuman!”, si Vincent na tila hindi na talaga mapipigil sa balak na itanan ang pinakamamahal niyang si Cristina.

Nagugulat at napapailing namang nagkatinginan si Quincy at ang nananahimik lang na si Ryan.

“You really damned serious about it, ha?”, ang nasabi na lang ni Quincy nang mapagtantong tila desidido na talaga si Vincent sa planong gawin.

“Mukhang desidido na talaga si Romeo na kunin si Juliet mula sa kanilang palasyo ha!”, ang natatawa pang biro ni Ryan kay Vincent.

Naiinis namang nabatukan ng mahina ni Quincy si Ryan.

“Tumigil ka nga! Nakita mo na ngang kung anong malaking gusot ang papasukin nitong kaibigan natin ay nakuha mo pang mabiro!”, ang naiinis na nasasabi ni Quincy kay Ryan.

“Tumigil na nga kayo! Hindi naman kayo nakakatulong e!”, inis namang nasabi ni Vincent sa mga kaibigan.

Dahil dito ay seryosong napatingin kay Vincent sina Quincy at Ryan.

“E kung desidido ka na talaga sa balak mo e ano pa nga ba magagawa namin kundi ang tulungan ka? Hihingi din ako ng tulong kay Mary. Titignan ko kung ano magagawa niya para matulungan tayo.”, si Quincy na sa wakas ay nagdesisyon ding tulungan ang kaibigang si Vincent.

“Try ko ring humingi ng tulong kay Genelyn at sa iba pang mga kasamahan ko sa pelikula. Baka sakaling may maitulong sila sa atin.”, si Ryan na tila handa ring tumulong kay Vincent.

Halos maluha naman ay napayakap si Vincent sa mga kaibigan.

“Salamat, mga pare! Pagpasensiyahan niyo na sana ang kabaliwan kong ito! Baliw lang sa pag-ibig ang kaibigan niyo e!”, ang masayang-masayang pasasalamat ni Vincent kina Quincy at Ryan.

“So ano ba plano mamaya?”, nakangiti namang natanong ni Quincy kay Vincent.

Ngingiti-ngiti ay nagsimulang maglahad si Vincent sa dalawang kaibigan ng binabalak niyang gawin mamaya. At nagsimulang magplano ang magkakaibigan para sa gagawing pagtanan ni Vincent kay Cristina mamayang gabi.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now