LIL: First Date

3.2K 49 0
                                    

LIL: First Date

(Amanda's POV)

"Shyle, glooming ka ngayon ah."sabi ko sa kanya. PAnu ba naman maya't maya na kung tumingin sa salamin -__-, dati nga ayaw nito na laging nasa harap ng salamin eh.

"Ahh. mommy kasi... first date namin mamaya ni Gabriel."sabi nya na kinikilig pa.

"Naku, dalaga ka na talaga Shyle!"sabi ko tapos sabay kurot sa pisngi nya.

"Aray naman mommy eh!"sabi nya tapos hinahawakan yung pisngi nya. Nakakatuwa sya kapag namumula ang pisngi nya kapag kinukurot ko. 

"Amanda..."Napatingin ako kay kuya. At binigyan nya ako ng tell-Shyle-about-Japan-look. Tumango ako kay kuya at humarap kay Shyle na nanalamin pa rin hanggang ngayon.

"Ahh Shyle..."panimula ko..

"Bakit mommy?"tanong nya ng hindi inaalis ang tingin nya sa salamin.

"After this first semester ay sa Japan. And--"

"Mommy? What is the reason? Ilalayo nyo po ba ako kay Gabriel?"tanong nya sakin. Ganito din naman ang alam kong magiging sagot nya sakin. Alam kong sasabihin nya sa king nilalayo ko sa kanya si Gabriel.

"Will you just listen first?!"napasigaw na ako dahil hindi pa ako nag-eexplain may violent reaction agad sya.

"Mommy... kahit anong explanation yan. Hindi ko kayo susundin."sabi nya at tumayo at tatahakin sana ang daan papunta sa kanyang kwarto nung nagsalita ako. "Sige, choice mo yan. Pero isa lang ang sasabihin ko sa'yo. Sa oras na mapahamak ka wala na akong kinalaman dyan."sabi ko at pumasok sa kwarto ko.

Sana marunong man lang syang magsakripisyo kahit konti. Alam kong ayaw nyang magaya sakin na sinakripisyo ang lahat ng dahil sa sobrang pagmamahal, pero itong pagpunta namin sa Japan ay para makaiwas sa gulo pagkatapos kong manganak.

Bigla akong nakaramdam ng makirot sa bandang tyan ko. Dahil siguro sa pagsigaw ko kaya ito ang nangyari sakin. Sumasakit sya. Kelangan kong makapunta sa ob ko. Napakagat labi na lang ako dahil sa sakit.

Ayokong may makarinig ng sigaw ko kaya iniiwasan kong sumigaw sa sakit. Pinipikit ko ng mariin ang aking mata at kinagat ko din ang aking labi. Medyo nahihilo nadin ako dahil sa hindi ko gusto ang naamoy ko..

*black out*

(Shyle's POV)

"May naghahanap sa'yo sa baba."sabi ni tito Gino sakin. Pakiramdam ko galit din sakin si Tito Gino, masama ba maging selfish? 

“Tito Gino.. galit po ba kayo sakin?”tanong ko sa kanya. Gusto ko lang malaman ang totoo. Bakit naman sya magagalit sakin kung tama naman na sa pag-ibig ako ni Gabriel pumili.

“Hindi ka marunong magsakripisyo, mas iniisip mo ang sarili mong kapakanan. Maselan ang pagbubuntis nya ngayon at---“

“KUYA GINO! ANG WAFFLE KO SINUNOG MO!”sigaw ni Tita Katrina na nagpatigil kay tito Gino sa pagsasalita.

“Ano ba?!”padabog na alis ni tito Gino.

Maselan ang pagbubuntis ni mommy? Pero pwede naman syang pumunta ng Japan mag-isa dahil nandun naman sila Tita Frida at Miss Mikaela, so anong kinaki-worried nya?

“SHYLE! WAG MO NG PAG-ANTAYIN YUNG BOYFRIEND MO DITO SA SALA!”sigaw ulit ni Tita Frida. Ay oo nga pala may date kami ni Gabriel.

Lumabas na ako at pumunta sa sala tapos nakita ko ang gwapo kong boyfriend. Sino pa ba? Edi si Gabriel Roy Santos.

“Tara na?”Tanong nya kaya ngumiti ako sa kanya at tumango. Pero pakiramdam ko tinutunaw ako ng tingin ni Tito Gino. Alam ko naman na mahal nya si mommy pero papano na ko? Nagmamahal din naman ako diba?

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon